The Curse of Contradiction

5 1 0
                                    


Walang tigil sa pagtakbo at pagsigaw ang mga tao nang lusubin ng mga wizards ang Phoenix village. Walang awa nilang pinagpapaslang ang mga taong nagtatangkang lumaban sa kanila. Tanging mga palakol at ibang kagamitang pansaka ang ginamit nilang sandata para protektahan ang templong nakatayo sa sentro ng village. Lumawak ang ngiti ng isang babae nang makita kung paano protektahan ng villagers ang isang templo kung saan nakatago ang pinakaiingatang Phoenix Jade.

"Tumabi kayong lahat kung ayaw niyong masaktan."

Ngunit nagmatigas na lamang ang mga villager at matatag na nakatayo sa harap ng malaking templo. Nagkasalubong nalang ang mga kilay niya sa inis dahil sa pagmamatigas nila.

Walang pagdadalawang isip niyang inilabas ang libro kung tawagin ay Grimoire. Binuklat niya ang ilang pahina nito kasabay nang paglabas ng mga litra sa blangkong papel. Tumigil ang pagbuklat ng pahina nang mabuo na ang isang spell.

"Time bounding magic: Time stasis!"

Nang bigkasin na niya ito ay tuluyan namang tumigil ang lahat sa paggalaw. Nakangiti itong naglakad papasok sa malaking temple. Tinadyakan niya ang malaking pinto nang buksan niya ito. Sa pagpasok niya–– ang istatuwa ng apoy na ibon ang unang bumungad sa kaniya. Nagkasulubong ang kilay nito nang mapagtantong nawawala ang Phoenix Jade na nakaukit sa mata ng istatuwa.

Umikot ang ulo niya sa kanan nang mapansin ang isang anino ng tao. Nagulat nalang siya nang makita ang isang babaing nakatayo at nakatingin ng masama sa kaniya. Nang bumaba ang tingin niya–– nakita niya ang nagliliwanag na bato sa kamay ng babae. Ngunit ang mas na nagpagulat sa kaniya ay ang makitang nakakagalaw ito sa ilalim ng kapangyarihan niya. Doon rin niya napagtantong pinoprotektahan siya ng batong hawak niya.

"Hindi ko inaasahang makakaharap ko ang phoenix maiden ng templong ito." Kalmadong sabi ng babaing wizard habang binubuklat ang bawat pahina ng libro. "Ibigay mo saakin ang Phoenix Jade at palalayain ko ang Phoenix Village mula sa kapangyarihan ko."

"At sa tingin mo ba'y ibibigay ko ito ng kusa sa inyo?" Sabi ni Zeera, ang phoenix maiden. Dinukot niya ang tatlong talisman papers at ang paint brush mula sa likod niya at mabilis na isinulat ang mga magic spells. Inipit niya sa bawat daliri nito ang mga papel at mabilis niya itong ihinagis sa bawat pader. "Unleash!"

Pagkabikas niya nito ay nagsimulang balutin ng makapal na usok ang buong lugar kasabay nang pagyanig ng templo. Isinabit niya sa liig ang Phoenix Jade at tumakbong papalabas ng templo habang nakaguhit sa mukha ni Zeera ang takot.

Hindi na niya alam kung saan ito tutungo hanggang sa matagpuan nalang niya ang sariling tumatakbo papunta sa kagubatan. Ayaw man niyang iwan ang lugar na kinagisnan niya ngunit kailangan niyang lumayo para protektahan ang mahiwagang bato.

Napasigaw kasabay ng biglang pagsubsob niya sa lupa nang biglang tamaan ng isang punyal ang binti at balikat nito. Nanginginig ang kamay nito habang pilit na inaabot ang punyal sa balikat niya. Napahiyaw ito sa sakit nang unti-unti niyang higutin ang patalim at ang punyal sa binti na naman niya ang sumunod na hinugot niya. Hirap na hirap itong gumagapang sa lupa nang may biglang tumadyak sa binti niya at hinigit ang buhok nito mula sa likod. Nanlaki nalang ang mata ni Zeera nang biglang higitin ang kwentas mula sa liig niya.

"H­–Huwag mong kukunin 'yan. P–Parang awa mo na––"

Ngumisi nalang ang babaing Wizard sa kaniya.

"Magkita nalang tayo sa susunod kung makakaligtas ka pa, Phoenix maiden!"

Pilit niyang inaabot ang babae nang magsimula ng manlabo ang paningin nito hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

The Curse of ContradictionWhere stories live. Discover now