Jessey's POV...
.
.
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko dahil sa nainum kong alak kagabi. Hindi ko pa man naimumulat ang mga mata ko naramdaman ko naman ang bigat na nakapatong sa may tyan ko. Nang tuluyan ko imulat ang mga mata ko nakita ko ang binte na nakapatong sa tyan ko. Nagulat ako at napatingin sa katabi ko, pero ng makita ko ang napakaamong mukha ni Mika na natutulog, napalitan ng bilis ng tibok ng dibdib ko ang una ko naramdaman. Sa halip na gisingin sya pinagmasdan ko lang ang mukha nya para bang ayaw ko mawala ang tingin ko sa kanya kahit saglit lang. Napakasarap nyang pagmasdan.
"Bf baka matunaw na ako nyan." nagsalita sya habang nakapikit pa sya, nagulat naman ako kase paano nya nalaman na nakatitig ako sa kanya kung nakapikit pa sya. " Masakit ba ang ulo mo?" tanong pa nya saken. Inangat nya ang mukha ko paharap sa kanya at nagsmack sya sa lips ko, niyakap pa nya ako at isiniksik nya ang mukha ko sa leeg nya.
" Medyo, pero kaya ko pa naman" sagot ko naman sa kanya.
"hmmmp ok, give me 10 more minutes cuddle muna tayo tapos pagluluto kita ng breakfast, tapos inom ka ng gamot "
After 10 minutes na sinabi nya tuluyan na syang bumangon . Napatingin naman ako sa kanya dahil sa damit na suot nya. Buti naman may nagkasya sa kanya. Ang liliit pa naman ng mga damit ko. Nabigla naman ako at napatingin din sa suot ko. At tama nga ang iniisip ko kase iba na ang suot kong damit ibig sabihi pinalitan nya ako ng damit. OMG nakakahiya." Oh bat namumula ka dyan, tara bangon ka na sabay na tayo magtoothbrush." Hinawakan nya ang kamay ko at hinila nya para makabangon narin ako.... Inilapit nya ang mukha nya sa may tenga ko at bumulong " wag ka mag-alala hindi naman ako tumingin" Nagsmirk pa sya at ngumite saken, na mas lalo ko naman ikinapula.
Pagkatapos namin makapag-ayos sabay na kami bumababa at nagderetso sa kusina. Pinaturo nya saken ang mga gamit ko sa kusina at hindi sya nagbibiro na ipagluluto nya ako. Kya naman hinayaan ko na sya sa ginagawa nya at nagderetso naman ako sa sala para tingnan ang plates na ginagawa ko na hindi ko panatatapos. At sinimulan ko na ito dahil kailangan na talaga. after 30 minutes na paggawa ko ng plates naramdaman ko na lang ang pagyakap nya saken sa likuran ko. Hinalikan pa nya ang pisnge ko.
" Tama na muna yan kain na muna tayo." tinulungan pa nya akong itabi ang ang gamit ko, pagkatapos sabay na kami nagpunta sa hapagkainan, Ng makaupo na kami pinaglagay pa nya ako ng pagkain sa plato ko. " Ano gusto mo dito, Ham o hotdog?" tanong nya saken, hindi pa ako nakakasagot pinaglagay na nya ako pareho. Nagtanong pa talaga sya ha. Napangite na lang ako sa ginawa nya. "Ok lang ba kung dito muna ako today?" tanong nya habang patuloy sya sa pagkain. Napatingin naman ako sa tanong nya.
" Ok lang naman, pero wala ka bang kailangang gawin sa opisina mo?"
" Wala na naman, halos tapos ko na.." tipid nyang sagot saken.
" Pero baka mainip ka saken kase kailangan ko na tapusin ang plates ko malapit na kase ang deadline nun eh, baka mainip ka lang saken" nag-aalala kong tanong sa kanya.
" Ok lang ako, hindi ako maiinip, manood na lang ako ng tv o kaya matutulog na lang ako habang gumagawa ka."
Pagkatapos namin kumain ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Habang si Mika naman nagderetso sa sala at binuhay nya tv at nanood. Napapangite na lang ako sa ikinikilos nya. Kahit napakakompliakado ng meron kami ngayon ang mahalaga masaya kami pareho. Hindi man malinaw ang status namin. Pagkatapos ko sa malinis at maayos ang kusina dumiretso narin ako sa sala para tapusin ang ginagawa ko.
Nangalay na ang batok ko sa paggawa ng plates ko. Buti na lang natapos narin. Napatingin naman ako kay Mika na nakahiga sa Sofa. Nkatulugan na pala nya ang panonood ng tv. Naawa naman ako sa posisyon nya sa laki ba naman nyang tao feeling ko hirap na hirap sya. Itinabi ko lang ang mga gamit ko bago ko sya gisingin.
"Bf gising na, lipat ka na lang sa taas, hirap na hirap ka na oh. Bat naman kase dyan ka natulog". dahan dahan ko tinatapik ang balikat nya para magising. Bumangon naman sya agad at naupo muna. Tatabi na sana ako sa kanya pero bigla na lang nya ako hinila at pinaupo sa lap nya. Niyakap nya akopaharap sa kanya. " Ih...naiipit ako bf, lipat ka na dun sa taas dun ka na matulog kung inaantok ka pa." medyo kinakabahan kase ako sa ginagawa nya.
" Ayaw ko nga, hayaan mo lang ako na yakapin ka, ang sarap sa pakiramdam eh" paglalambing nya saken. Hinayaan ko na lang sya sa gusto nya. ILang saglit din kami magkayakap kumalas din sya saken pero mas hindi ko inaasahan ang gainawa nya. Pinaharap nya ang mukha ko sa kanya at seryoso syang nakatitig saken. Unti unti nyang nilalapit ang mukha nya saken napatitig naman ako sa mapupula nyang mga labi at tuluyan ng naglapat ang mga labi namin. Muli naramdaman ko ang kuryente sa katawan ko mas lalo lumalim ang paghahalikan namin naramdaman ko na lang buhat na nya ako at patuloy parin na hinahalikan. Hindi ko na alam kung pano kami nakaakyat sa taas at nakapasok sa kwarto naramdaman ko na lang ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama. Nang tuluyan na nya akong maihiga muli nya akong tinitigan. " I think I'm inlove with you Jessey, I Love You Babe" pagkatapos nya sabihin yon napangite na lang ako at ako na ang unang humalik sa kanya... Ewan ko pero masaya ako sa sinabi nya.. Yong saya na nararamdaman ko ngayon hindi ko naramdaman noong panahong magkarelasyon pa kami ni Ria. Mahal ko narin ata sya.
"uhmmmm" napamoan na lang ako sa sensasyong nararamdaman ko sa mga yakap at halik nya saken sa mga haplos nya sa katawan ko.. Tumigil lang kami sa paghahalikan ng maubusan na kami ng hangin, ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng paghinga nya sa mukha. Hinalikan nya ang noo ko.. "Ligo ka na babe, habang kaya ko pang magpigil...Labas tayo"... Bulong nya saken. Tinulak ko naman sya at kinurot sa tagiliran nya.
" Eh sino kayang nag-umpisa?" pangaalaska ko naman sa kanya. Nagsmack naman ako sa labi nya bago kumuha ng gamit at dumiretso sa banyo. Narinig ko pa ang pagtawa nya bago ako pumasok.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
_______________________________
sorry po kung hindi nakakapagupdate sobra lang talaga dami trabaho...
goodmornyt everyone....