Chapter 16

6 0 0
                                    

Di ko namalayan na tumigil na pala yung sinasakyan namin. Ang dami dami ko tuloy naiisip, kase naman hindi ako kinakausap ng kasama ko yan tuloy kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko.

"Chloe,let's go." sabi ni Lanze sa akin

Pagkalabas namin ng city rails inaya ko pa siya sumakay ng mga rides kaso sa niya sumasakit na raw yung ulo, alangan naman na ipilit ko pa baka mamaya mahimatay pa siya diyan.

"Sige okay lang, ano kain na lang muna tayo tapos punta na tayo ng Taal." sabi ko kay Lanze

"Okay, mag drive thru na lang tayo then will eat while watching the sunset." sabi ni Lanze sa akin

Omg ang sweet naman ng gagawin namin mag susunset kame together, iniisip ko pa lang parang mahihimatay na ako sa kilig HAHAHA. Kase naman nakakabigla yung suggestion niya pero gora lang as long na magkasama kame sasama ako san kanya kahit sa langit pa yan HAHAHA.

Habang naglalakad kami papunta ng parking lot may dalawang bata ang namamalimos sa amin, hala eh wala akong pera ni piso paano na ito. Kasama ko nga pala si Lanze mang uutang muna ako hehe.

"Ate palimos po pang kain lang." sabi nung dalawang bata sa amin

Nakakaawa sila, bata palang sila pero nanglilimos na para lang mapakain nila yung mga sarili at pamilya nila, ano ba yan naiiyak na ako, mababaw kase talaga yung luha ko everytime na nakakakita ako ng mga ganitong bata.

"Lanze pautang nga ako ng 1k bibigay ko lang dito sa mga bata." sabi ko kay Lanze

Kinapalan ko na talaga mukha ko, eh sa wala akong may bigay sa dalawang bata mukhang gutom na gutom na talaga sila.

"Here take it, and you don't need have to pay it, it's our gift to them." sabi ni Lanze sa akin

Wow, di ko inexpect na ganon yung sasabihin niya sa akin. May awa rin pala sa bata itong si Lanze, sabagay sa akin lang pala siya talaga manhid.

Pagkapasok namin ng kotse pinaandar na niya ito tsaka naghahanap ng pwedeng kainin namin para mag sunset sa harap ng Taal.

"Chloe what is your order?" tanong ni Lanze sa akin

Nasa mcdo kame ngayon nagdridrive thru.

"Ano hmm, fries, burger, chicken katsu, nuggets, yun lang tsaka large yung fries na gusto ko." sabi ko kay Lanze

"Can you eat all of that?" tanong ni Lanze sa akin

"Oo naman tsaka kulang pa nga yun eh." sagot ko kay Lanze

"Sir yun lang ba or may idadagdag pa kayo?" tanong ni ate kay Lanze

"Yeah that's all." sabi ni Lanze kay ate tsaka ngumiti

Ay wow may pa smile na ngayon si Lanze, level up na yung pag ka attitude na. Sana ako rin ngitian niya.

Pagkakuha namin ng order namin deretso agad kame sa Taal para mag sunset. Naalala ko nga pala sumabog yung Taal noong 2020 15 years old ako nung mangyari yun pero ngayon 20years old na ako at limang taon na rin ang nakalipas, salamat sa Diyos dahil nakabangon yung mga taong nadamay sa pagsabog, tsaka maganda na rin ulit ngayong dito sa Taal.

"Were here." sabi ni Lanze sabay kuha ng mga pakain sa backseat

Ang ganda ng view, tsaka ang presko ng hangin.

"Chloe let's eat here in the trunk." sabi ni Lanze sa akin

"Sige gutom na rin ako, nakakapagod gumala at sumakay ng rides." sabi ko kay Lanze



Habang kumakain kame nakatitig lang ako kay Lanze. Iniisip ko kung paano kaya kung ako yung papakasalan niya?paano kung mahal niya rin pala ako, pero kase ang labo mangayri yun.

"Why are you staring at me, is there a dirt on my face." tanong ni Lanze sa akin

"Wala, im just wondering why im still inlove with you even though i know that you will not love me back." diretsong sagot ko kay Lanze

Pagkasabi ko kay Lanze na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon wala pa rin nagbago sa ekspresyon ng mukha niya. As if naman kase mapapansin niya ako, asa pa ako.

"What if Mia is still alive, siguro ang saya saya niyo." sabi ko bigla

"Siguro kayo sana ang ikakasal ngayon, knowing that your mom is fond of Mia." sabi ko

"Tapos ako eto pa rin, stock pa rin sa pagmamahal ko sa iyo, kahit na alam ko sa sarili ko na kahit kailangan hindi mo ako magagawang mahalin gaya ng pagmamahal mo kay Mia." sabi ko ulit

"Ang tanga ko kase eh, kung hindi ko sana niyaya mag mall si Mia eh di buhay pa sana yung taong pinakamamahal mo." sabi ko ulit

Hindi ko na napigilan yung mga iyak ko, tuloy tuloy lang sila pagbagsak.

"Ng dahil sa katangahan ko nawala si Mia." sabi ko habang umiiyak

"Siguro kung di namatay si Mia okay pa rin tayo, yung parang dati lang, na parang kapatid ang turingan natin sa isa't isa, pero dahil sa pag amin ko sayo ng nararamdaman ko at sa pagkawala ni Mia na ako ang dahilan nagbago ang lahat ng kung anong meron sa atin." sabi ko kay Lanze habang umiiyak

Habang umiiyak tinitigan ko lang yung araw, na sana ako na lang yung namatay para hindi ko nararamdaman itong sakit na nararamdaman ko ngayon, na sana si Mia na lang ang nabuhay at hindi ako.

Pero kahit na ganon yung nangyari, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko kay Lanze.

Na kahit ang sakit sakit niya ng mahalin, siya at siya pa rin pipiliin at mamahalin ko.






______________________________________
Paalala: Ang mga sumusunod na kabanata ay ang nakaraan.




Chasing That BoyWhere stories live. Discover now