"Ang pagpapabalik ng primera puta"
Pumapalakpak na kamay ng bakla ang sumalubong sa sakin sa pagpasok ko sa dressing room. "Oras na para sa gamot mo baka makalimutan mo na naman."
Inabot nya sa akin ang isang kapsula ng paracetamol at isang basong tubig. Mag iisang linggo na pala mula ng bumalik ako dito sa bar na inaapoy ng lagnat, muntikan akong mahimatay habang suka ng suka. Buti nalang nakaantabay agad sa akin si madam cy.
"Nako magda, buti nalang bumalik ka na halos tumagilid at tumaob na tong bar ng mawala ka" natawa ako sa sinabi nya. Namiss ko to, ang mga palapak at hiwayan pati rin yung mga sipol. Namiss ko talaga ang makasalanang lugar na to.
"Okey ka na?" Sa paglingon ko ay nakita ko si madam cy sa harap ng aking pintuan. "Madam" ibinuka ko ang aking mga kamay at ang paglapit nya naman sa akin para pumasok sa mainit kung yakap.
"Welcome back"
"Salamat"
Ibinalik nya rin sa akin ang isang mahigpit na yakap, yakap ng isang ina sa nawala nyang anak na nagbalik na. Balik sa realidad ng buhay, buhay ng isang puta. Di na ako bumalik sa dati kong bahay at tumira na lang sa isang guestroom sa bar.
Lumipas pa ang mga araw, mas lumalamig na ang hanging amihan at dumating na nga ang buwan ng desyembre. Desyembre ang isa sa pinaka abalang buwan sa aming mga puta.
Tagahatid ng init sa mga taong nilalamig sa buwang ito. Oras na para muling kumayod. "Ang pagbabalik ng pinakamakamadag na dalaga sa balat ng lupa...MAGDA" ang sarap pakingan ng nakakabaliw na hiyawan ng mga taong tigang.
Di ko sila binigo at binigay ang kanilang gusto. Ang performance na na miss nilang masaksihan. Ang kaakit-akit at nakakamanghang alindog ng nagiisang magda.
Sa pagkatapos ng aking performance ay bumalik na ako agad sa kwarto. "Alam mo dalawang linggo ka na dito pero me isa wala ka pang nakekwento, anyare ba sa nakabili sa yo?"
"Wala, isang malaking wala"
"Yung totoo?"
"Tigil tigilan mo nga ako vion, makakatikim ka sa akin. Kung ano man nangyari doon tapos na yun, doon na yun" inirapan ko sya habang tuloy lang sa pagpunas ng pawisan kong mukha.
May kumatok sa pinto."magda"
"Ohh madam cy, kumakatok pa kayo pwede naman na kayong dumeretsong pasok" nagpalitan kami ng tawa. Gaya ng nakagawian pumunta sya at menasahe ang aking likuran.
"Magd--"
"Sige po" nakangisi kong pagputol sa salita nya. Gusto kong magliwaliw, magwala. Gusto kong ilabas lahat ng natitirang init ng aking katawan. "Sigurado ka maiintindihan ko naman kung tatanggi ka?"
"Di madam okey na ko tsaka, kailangan ko to."
"Sige alam mo na kung nasan sya, may bar fee na agad sya dinoble pa nya" tuloy pa rin sya sa pagmasahe nya ng aking balikat.
"Mayaman iba ka talaga magda books agad, gora na" sabay tapik ni vion saking balikat. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin bago tuluyang umalis ng kwarto. Pumunta ako sa vip lounge para puntahan ang lalak--... Kumunot ang aking noo.
Si eros na nakasoot ng itim na suit and tie habang nakashades ng itim ang solong nakaupo sa pabilog na sofa. Umaalingasaw ang kakaiba nyang aura, maitim, malagim. Sa kalagitnaan ng pagdadalawang isip ko ay nakuha ang atensyon ko ng mga kuminang na ginto ni madam cy na nakangiting kumakaway sa akin.
Sinuklian ko sya ng ngiti at pumunta na sa harap ng mesa ni eros. Naka-upo syang mag-isa habang may isang kwadradong baso na may lamang alak na nakapatong sa harap nya.
"Come, join me"
Kinuha nya ang baso at pinaikot-ikot ang laman likido nito. "Ano na naman bang kagagohan to?" Di ako umupo. Nilagay ko ang aking dalawang kamay sa baywang at tinaas ko ang isa kong kilay. "Im paying you, isn't it obvious"
"Pwes kunin mo, di ko kailangan ng pera mo"
"Oh come on magda, is there a difference between me and my fathers money" binaba nya ng hawak nyang baso at pinatong ang kanyang dalawang balikat sa sofa.
"Di ko kailangan ang pera nyo!"
"Hmmm and here i thought na puta ka?, now you're refusing a patron" ang paguhit ng ngiti sa labi nya ang nag pasimangot naman sa akin. "Chill" tumayo sya, lumapit at umakbay sa akin.
Hinihimas himas nya ang aking balikat. "ain't man enough right?" bulong nya sa akin. Amoy na amoy ko ang alak sa kanyang paghinga. "Then let me show you the epitome of being a man"
Wala akong nagawa ng hinila nya ako palabas ng bar. Binuksan ang pinto ng isang pulang kotse sabay tulak sa akin paloob. Umupo sya sa drivers sets at mabilis na pinaharorot ang sasakyan.
"Ano ka ba?, Gusto mo bang magpakamatay!" Sigaw ko dito. Mas binilisan nya pa ang takbo, nilalagpasan ang bawat kotseng nakaharang. Tumatagos sa nga street light kahit nakpula.
"Eros kung magpapakamatay ka wag kang mandamay!"
Napahawak ang dalawang kamay ko sa hawakan sa may bintana. Humahalakhak sya. "Whoooo, is this man enough for you magda" halos bumaliktad ang sikmura ko sa sobrang bilis ng pagpatakbo nya.
Unti-unting nagiging pamilyar sakin ang mga daanan. Hanggang sa tumapat kami sa harap ng village nila. Di sya huminto sa may harang buti nalang at naitaas agad ito ng gwardya.
Dating nakabukas ang gate ng bahay kaya dere-deretsong nakapasok ang kotse sa Mansion. "And we're here" tumingin sya ng nakangisi sa akin.
Bumaba sya, pumunta sa tapat ng pinto ko binuksan at hinugot ako sa may pulso. Madiin ang pagkawak nya sa pagkahila sa akin. "Eros, masakit, ano ba?" Pilit akong kumakalas sa hawak nya.
Binaybay namin ang mahabang hagdan hanggang makapunta sa dati kong kwarto. Tinulak nya ako sa harapan ng kama.
"Puta right? You're a puta, Now show me how puta are you." Naupo sya sa kama habang nakaharap sa akin. "Now do me a show, dance for me" nakatayo lang ako sa kanyang harapan. "Why aren't you dancing?."
Kitang-kita ko ang pangigil sa kanyang mukha. Napahawak ako sa aking damit. "Eros" mahina kong tinawag ang kanyang pangalan. "Ohh yes, yes, somethings missing. Wait for me here"
Patakbo syang lumabas ng kwarto. Sa muling pagbalik nito ay dala dala nya na ang dangkal dangkal na libo-libong pera sa kamay nya. "Now dance" inumpisahan nya akong paulanan ng pera.
Ilang minuto na at di pa rin ako gumagagalaw sa aking kinatatatayuan suminghal sya. "WHY AREN'T YOU DANCING" bigla syang nangigigil na sumigaw sabay bato ng mga perang papel sa pader sa aking likuran.
Nasiliparan ang nagkalat na bagong isang libong papel sa sahig na halos tinatakpan na nito. Bigla akong nilukuban ng takot. Kung hindi ako nagkakamali isang dugo lang ang nanalaytay sa kay eros at mr.nakamura.
Bumalik lahat sa akin ang masasamang alala na nag panginig sa akin. Nagyelo ang aking buong katawan ng bigla kong nakita ang nanlilisik na mata ni eros. Agad nya akong sinunggaban sabay sakal ng aking pisngi.
"Puta ka diba?"
"Answer me!,puta ka diba?"
BINABASA MO ANG
Anikdota ni Magda (COMPLETED)
RomanceIto'y kwento ng isang babaeng Tulog sa umaga, gising sa gabi Ang kan'yang mukha'y puno ng kolorete Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi Simulan na natin ang istorya "bawal mag mahal ang isang puta, nakamamatay"