Chapter 20

364 22 2
                                    

Alper's pov

"You're awake." Bungad nito sa 'kin na may dalang isang baso ng gatas at isang bowl ng cereal.

"I have to go." agad akong tumayo sa kama at nag bihis, kailangan kong balikan si Cheryl, alam kong nag aalala na 'yon sa akin.

"Kumain ka na muna."

"Thanks but, I have to go."

"Sayang naman itong inihanda ko kung hindi mo kakainin." kinuha ko nalang ang inihanda nito at agad kinain. Nang matapos akong kumain ay agad ko ng inihanda ang mga gamit na dadalhin ko, pipigilan pa sana ako nito ngunit hindi ko na lang ito sinagot, bagkus ay lumabas na sa kwarto at agad bumaba mg hagdan. Agad ko naman binuksan ang pinto nang biglang bumungad sa akin si Cheryl na basang-basa at medyo hindi ka aya-aya ang amoy nito.

"Alper!" wika nito' yayakapin niya sana ako nang bigla itong huminto, naalala niya bigla na medyo madumi pa ito.

"Dito ka natulog buong gabi?" wika ko, agad naman itong tumango.  "Paano kung may dumating na mga infected? Sana naman kumatok ka." Sambit ko sa kanya dahil nag-aalala ako.

"Ilang beses na akong kumatok pero wala namang sumagot, balak ko na sana na umalis kaso naka paligid pa din ang mga infected sa labaa kagabi kaya dito nalang ako nag palipas ng gabi." latanya nito.

"Bakit ba kasi sumunod ka? Paano kung hindi mo ako nakita? Paano kung.....p-paano kung magkahiwalay ulit tayo?" Hindi ko maiwasang lakasan ang aking pananalita dahil subra talaga akong nag aalala sa kanya.

"Nag aalala lang naman ako sayo alper, hindi ka pa kasi naka balik kaya sinubukan kong hanapin ka, kung alam mo lang ang mga pinag daanan ko kagabi. " Ang baho na talaga niya. Nainis naman ito sa ginawa ko dahil nag takip ako ng aking ilong. Sinabi niya na baka daw ayaw kuna sa kanya dahil ang baho na niya.

"Hindi naman sa ganu--"

"Saan ba kasi ang banyo dito?"

"Sandali." pipigilan ko pa sana itong pumasok ngunit huli na.

"Alper, samahan mo ko hindi ko alam saan yung banyo dito."

"Alper wait!" napalingon naman ako sa may hagdan ng magsalita si Cheska na pababa ng hagdan. Binaling ko naman ang aking paningin sa kinaruruonan ni Cheryl. Seryuso lang itong nakatingin sa akin.

"Bakit may nakapasok na taong grasa dito?" sa itsura ni Cheryl, gusto na nitong mangagat sa inis.

"Alper Sino siya?" seryusong tanong ni Cheryl sa'kin. "Magkakilala kayo? That poor little taong grasa?"

"What is your name little girl?" tanong ni Cheska na nagtatakip din ng ilong.

"Alper It's your little Sister ba?" Hindi nalang ako nagsalita't nagpatuloy na pag akyat.

"Tapos kana ba?" tanong ko kay cheryl,

"Ewan ko sayo, ang sabihin mo tapos na tayo." Lumabas na ito sa banyo, naka suot ito ng black t-shirt at itim na pantalon.

"Hindi ka na mukhang taong grasa."

"Alper,Sino ba siya?" tanong nito, pinakilala ko naman sila sa isat-isa.

"I'm Chelsea...and you are?"

"Cheryl... Gir---"

"You're his little sister? Right?"

"She's my--" hindi ko na natuloy ang dapat kong sabihin ng mag salita ulit si Cheryl.

"Yes, I'm his little sister. Kuya let's go." she grab my right hand, hinila niya agad ako upang umalis na.

Zombie Survivor(s) [Revise Version] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon