"Wow, Sabina! Welcome back." Sinalubong ako ng yakap ni Ate Sunshine. She's 30 years old. Isa sa mga primary leader sa church. Actually 10 na silang primary leader na babae, dalawa nalang ang kulang at mukhang si Maurene na magiging ika labing-isa sakanila.
"Ate Shine. Kamusta po? Nag cell group po kayo ngayon?"
"Oo, Sab, kakatapos lang." Sagot n'ya. "Buti naman at bumalik ka, pinag-usapan ka kasi kahapon, miss na miss kana namin at ni Lord."
"Salamat ate Shine."
Nagpaalam na ako sakan'ya at pumunta sa accommodation area kung saan don din nag ce- cell group ang mga Disciples. Isa iyong gathering ng isang primary leader at mga inaalagaan n'yang Disciples. Isang beses yon sa isang linggo.
"Bibi!" Boses iyon ni ate Aya na sumalubong saakin ng yakap.
Naiiyak ako dahil na miss ko talaga s'ya. S'ya ang leader ko at noong baby Christian pa ako ay s'ya talaga ang tumulong saakin para lumago ako sa Panginoon.
Tuloy ay nako- konsensya ako dahil sa pag seen at ignore ko sa mga chats nya.
"Hi Sab. Upo ka."
Si Pastor iyon, katabi ng asawa nya si Pastora Micailla. They're both in their 40's. Nag mano muna ako sa kanila bago umupo sa tabi ni ate Aya.Nakangiti sila saakin na para bang tuwang-tuwa sila sa pagbabalik ko.
"Good afternoon po." Bati ko sakanila.
"Alam mo naman kung bakit ka namin pinatawag diba?" Marahan akong tumango sa tanong ni Pastora.
Naiiyak ako dahil napaka-bait nila. 'Yong pag-aalaga nila saamin ay hindi lang tungkol sa Spiritual na bagay but every aspect of our lives.Dito sa Ministry, pamilya na kami.
Kahit noong mga panahon na may lagnat ako at wala sina mama, sila mismo ang nag- alaga saakin.
Kaya mahal na mahal ko ang Spiritual family ko. They're truly a gift from God.
"Kamusta ka muna, Sab?" Tanong ni Kuya Pastor.
"Ayos lang po." Sagot ko.
"Wala naman pong ibang problema."
Bukod sa love life."Sige Sab. Pwede mo ba sabihin saamin kung anong nangyari this past weeks?"
Tumingin ako kay Pastora. Her eyes is full of love and compassion. Na para bang naiintindihan n'ya ang sitwasyon ko.
"No'ng..." Tumikhim ako. Wala pa man ay nararamdaman ko na ang pangingilid ng luha ko.
"No'ng mga second week po ng klase, nakilala ko po si Elizer. " I bit my lower lip, remembering our first eye contact.
"Sinabi n'ya po na, gusto n'ya ako kaya lumalabas po kami. Tapos po nanligaw po s'ya. " Pag ku-kwento ko."So 'yon ang naging reason mo para lumayo sa Panginoon?" Malumanay na tanong ni Kuya.
Tumango naman ako. With them I can be vulnerable. I can show my weakest side.
"Opo. Nahihiya kasi ako magdasal kasi...inaabot na kami ng madaling araw sa pag cha-chat." Nakita ko pa ang pag tango si Ate Micailla bago ako muling yumuko.
"Tapos no'ng unang week ng panliligaw n'ya... natatakot akong ipagdasal si Elizer kasi baka ayaw ni Lord sakan'ya. Tuwing umaga naman ay nag te-text agad si Elizer kaya hindi na ako nakaka-morning prayer.""Tapos hindi kana rin nag se-seen sa GC. Hindi kana nakaka- attend ng cell group at fellowship."
"Opo."
Hinawakan ni Ate Aya ang kaliwa kong kamay na ikinatuwa ko.
"Sabina, anong ginawa ni King David matapos s'yang magkasala sa Panginoon?"
Tumingala ako. Ate Aya, Ate Micailla and Kuya George knows that King David is my favorite character in the Bible.
"Inamin po ni David ang mga kasalanan n'ya at aware po s'ya sa kasalanan n'yang nagawa. Nag repent po s'ya."
YOU ARE READING
Unequally Yoked (Series 1)
SpiritualLiving Stone of Jesus' Ministries #1 Mapagmahal na pamilya, supportive na mga kaibigan at spiritual family na gagabayan ka. Lucky? No... Sabina Enriquez is more than that. She is blessed. Napaka-blessed n'ya dahil alam n'yang ang mga taong 'to ay bi...