Jessey's POV...
.
.
.
.
.
Hindi ko alam kung ano sinasabi ni Mika surprise nya daw para saken medyo kinakabahan ako, ngayon pa lang kase ako makakaranas na isuprise ni Mika. Kung tutuusin nga hindi ko pa talaga sya kilala. Hanggang ngayon nga hindi ko parin alam kung bakit ako pumapayag sa sitwasyon namin ngayon. Kahit sinabi nya saken na mahal nya ako hindi parin talaga nagsisink in sa utak ko. Basta ang alam ko lang masaya ako pag kasama ko sya. Kahit napakalaki ng posibilidad na maghihiwalay kami. Ayaw ko kase umasa kahit nararamdaman ko na mahal nya talaga ako. Siguro nasa akin talaga ang problema hanggang ngayon kase umaasa parin ako na magkakaayos parin kami ni Ria. Siguro dahil narin nanghihinayang ako sa panahon na pinagsamahan namin. Kahit ramdam ko na rin na gusto ko narin si Mika. Hindi ko gustong gawing panakip butas si Mika pero sya talaga ang dahilan kung bakit ok ako ngayon. Bahala na kung ano maging kapalit ng mga pinaggagagawa ko.
.
.
.
.
.
.
.
Dahil sa mga tumatakbo sa isip ko hindi ko na namalayan na nakatigil na pala ang kotse ni Mika. Bumalik lang sa reyalidad ang pagiisip ko ng ipagbukas ako ni Mika ng pinto ng kotse nya. Nang makita ko kung nasang lugar kami. Sobrang nasurprise talaga ako. Nakatayo lang naman kami ngayon sa napakalaking bahay na ako mismo ang gumawa. Hindi ko ito pwedeng makalimutan dahil ang bahay na to ang dreamhouse ko at ako mismo ang nagdesign at nagsupervise nito. Napakunot na lang ang noo ko ng humarap ako kay Mika at mahahalata ang napakadaming katanungan sa mukha ko. Pero mas hindi ko inaasahan ng marinig ko ang sinabi ni Mika.
" Welcome to my house babe, sayo ko pa lang ito napapakita kahit sa Bullies hindi pa" OMG sya ang nagpagawa nito saken na kahit isang beses mula ng umpisahan gawin ang napakalaking bahay na to hindi ko man lang sya nakita.
.
.
.
Flashback...
.
.
.
.
.
Naiinip na ako sa trabaho ko pano ba naman mga simple lang ng mga pinapagawa ng boss ko saken porket bago pa lang sa trabaho. Haist kelan kaya nila ako bibigyan ng malaking project. Nakaupo nga lang ako ngayon dito sa opisina ko at naghihintay na lang ng oras ng uwian at ng marinig ko na nga ang bell hudyat na uwian na tumayo kagad ako at kinuha ang bag ko at deretso na akong lumabas sa nakakainip na opisinang ito. Nagmadali na rin akong sumakay ng kotse ko at magkikita pa kami ni Kim sa Glorietta dahil may mahalaga daw syang sasabihin saken ayaw naman nya sabihin kung ano yon basta ang mahalaga daw na ikatutuwa ko for sure. Sana nga ikatuwa ko. Nang makarating ako sa mall at maayos na naipark ang kotse ko kinuha ko kagad ang cp ko para matawagan si Kim, ng makontak ko sya pinapunta nya ako sa isang kilalang restaurant. Nang makapasok ako sa restaurant na sinabi nya may lumapit kagad saken isang waiter." hello.Ma'am welcome to assddfffgggg.. meron po ba kayo kasama o kayo lang" tanong nya saken
" No, may kasama ako sa katunayan nga andito na sya sa loob hinihintay na nya ako " nakangite kung sabi sa kanya.
" ah ganun po ba ma'am.. sino po ba ang kasama nila?" muling tanong nya saken.
" si Miss Kim Fajardo "
" this way ma'am , andito po sya sa VIP room " iginiya naman nya ako sa sinasabi nyang VIP room kung san andun si Kim. Nang makapasok ako sa loob una ko agad napansin ang ilang papel na nakalatag sa table.