Mika's POV
.
.
.
.
Flashback
.
.
.
.
Mula ng hindi matuloy ang pagpapakasal ko kay Denden, lalo ako nawalan ng gana na puntahan pa ang bahay na pinagagawa ko ipinaubaya ko na talaga sa architect na nakuha ni Kim. Dahil naumpisahan na pinatuloy ko na, sayang naman kung ipapatigil ko pa at isa pa napakaganda ng bahay. Yon sana ang surprise na ibibigay ko sa kanya pagkatapos ng kasal namin pero wala na lahat nasira lang ng ganun lang kadali.Ilan buwan na ako nagmumukmuk dito sa resort namin, mag-iisang buwan narin anatatapos ang bahay pero hindi ko pa to naiisipan puntahan. Bumangon na ako at naligo na, mapuntahan ko nga bahay. Pagkatapos ko mag-ayos kinuha ko ang susi ng auto ko na nakapatong sa may lampshade. Derederetso na ako bumaba at sumakay ng sasakyan, saglit lang ang naging byahe ko. Nang makarating ako namangha ako sa ganda ng bahay na pinagawa ko. Higit pa lang mas maganda sa personal kesa sa drawing lang. Napakahusay talaga ng nakuha ni Kim, mukhang hindi sya baguhan gaya ng sinabi nya saken. Pumasok ako sa loob na mas lalo nakapagpamangha saken. Ang ganda ng interior na ginamit pasok na pasok sa taste ko. Umakyat agad ako sa master bedroom. At hindi na ako nagulat sa nakita ko, unang bumungad saken ang pinagawa ko wall paint mukha ng babaeng mahal na mahal. Muli naramdaman ko na naman ang sakit. Bumaba ako at muling bumalik sa sasakyan ko. Naghanap ako pwedeng mag- ayos ng kwartong yon papabago o kaya naman papatanggal ko na lang yon. Napag- isipisip ko na sa bahay na pinagawa ko na lang ako palagi uuwi. Nang makita ko kase parang gumaan ang pakiramdam ko iba ang hatid nito saken.
Nang mapaayos ko dito na sa bahay na to ako palagi umuuwi. Napakagaan ng pakiramdam ko pag andito ako. Kung sakaling magmamahal ulit ako at sigurado na ako sa kanya dito kami titira at bubuo ng masayang pamilya.
.
.
.
.
.Andito lang ako sa veranda umiinom ng beer pero hindi naman madami tamang pampatulog lang. Magdadalawang taon na pala akong nakatira sa napakalaking bahay na to pero hindi kahit isang beses hindi ko man lang naaya ang Bullies namimiss ko na sila. Darating din ang time na yon at nararamdaman kong malapit na.
.
.
.
End of flashback...Hindi ko alam pano nangyari. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nang halikan ako ng babaeng katabi ko ngayon ang bilis kong nakalimot. Iba talaga ang dating nya saken. Hindi na mahalaga kung mahal nya ako basta masaya ako. Ngayon pa ba ako matatakot sa tindi ng naranasang ko sakit parang namanhid na ako.
Napatingin naman ako sa relong suot ko. Alas syete na pala ng gabi, nakatulog kase kami pareho, lam nyo na napagod. Bago ako bumangon hinalikan ko muna sa noo si Jessey. Himbing na himbing parin sya. Nag-ayos lang ako ng sarili ko at tuluyang bumaba, nagderetso ako sa kusina para makapaghanda ng dinner namin. Ng makaluto ako at maayos ang pagkain sa lamesa umakyat na muli ako para gisingin si Jessey. Pag pasok ko sa master bedroom gising na sya, napansin ko naman na parang ang seryoso nya ang lalim ng iniisip. Kaya naman nilapitan ko na sya. Niyakap ko kagad sya.
" Babe bat parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ko sa kanya. Yumakap din sya saken at isiniksik ang mukha nya sa leeg ko. Naramdaman ko ang pag-iling nya. " bangon ka na naghanda ako ng pagkain sa baba" inangat ko ang mukha nya paharap sa akin. Ginawadan ko sya ng magaang halik sa labi naramdaman ko naman ang pagtugon nya. Nakakaadik talaga ang mga labi nya. Bago pa man may mangyari ulit samen tinigil ko na ang paghalik sa kanya. " nagugutom na ako babe, baka iba pa ang makain ko" bulong ko sa kanya. Kinurot naman nya ako sa tagiliran ko, bago tuluyang bumangon. Ikinuha ko naman sya ng damit sa kabinet na pwede nyang masuot. Nang makapagbihis na sya deretso na kami sa kusina para makakain. Ang sarap talaga ng feeling sana hindi na magbago pa. Pero ayaw ko umasa alam ko namang walang forever. Go with the flow na lang.
.
.
.
.
.
.
.
.
______________
Sorry kung lame...