KABANATA 13

179 43 10
                                    

Dedicated to bloodywaves
Enjoy reading!💛

°°°

Faron's POV

Nakangiti akong bumaba kasunod ang tatlo kong kaibigan sa eroplanong sinakyan namin mula Canada.Masaya ako na pagkalipas ng halos tatlong Linggo,nakauwi na
din sila sa Pilipinas.

Napangiti silang ng maluwang at kinawayan ng makita ang maraming fans na nakapaligid sa airport na pinaglandingan ng eroplano nila.Kaagad naman silang naglakad sa nakaparadang limousine na maghahatid sa kanilang apat sa Hotel De Marupok kung saan sila mag-eestay pansamantala ng dinumog sila ng ilang reporters.

"I'm fucking sleepy." pasalampak na sabi ni Folk ng maupo ito.

"You can sleep on my lap." biro ko sa kanya at tinapik ang kandungan ko.

"No,thanks." he glared at me.

Magkatabi kami ni Folk ng upo at nasa likuran namin sina Fighter at Fujio na may nakasalpak na headset.Binalingan ko naman si Folk na ngayon ay tahimik ng nakaidlip.

Pagkalipas ng ilang oras ay huminto na ang sinasakyan naming limousine sa harap ng Hotel De Marupok.

"Hey,wake up.We're here." pukaw ko kay Folk at nagising naman ito.

Bumaba na kami at sinalubong kami ng aking mga hotel staffs.

"Welcome back,Mr.Nattapol." chorus na sabi nila at bahagya pa na yumuko.I just nodded my head as an answer.Nauna na akong pumasok sa loob at naglakad sa private elevator ko na eksklusibo lang para sa amin.

Sumunod namang pumasok ang tatlo at pinindot ko na ang 25th floor button kung saan matatagpuan ang opisina ko.






Sunshine's POV

"F Boys,nakauwi na sa bansa matapos ang halos ilang Linggo sa Canada para sa huling taping ng Meteor Garden Filipino Adaptation na nakatakdang ipalabas sa susunod na buwan."

Nanonood kami ni Vivian at Ferida ng palabas sa TV ng bigla na lang lumitaw ang balita tungkol sa pagbabalik bansa ng F boys na galing daw sa Canada sabi ng babaeng anchor.

"Kyahhhh! Nakauwi na sila,prends!" tili ni Ferida.

"Oo nga! Ang gwapo talaga ni Faron!" tili ko din.

"Mas gwapo si Fighter! Akin kana lang bebe!" wika ni Ferida at hinahalikhalikan ang TV kung saan ipinakita ang kabuoan ng mukha ni Fighter.Nakasuot ito ng itim na sunglasses na siyang nakakadagdag kagwapuhan.

"Hoy,echosera ka! May jowa kana." sita sa kanya ni Vivian na nakaIndian sit sa sahig.

"Paghanga lang naman,Viv." angal naman ni Ferida at inilayo na ang mukha sa TV.

Nandito kami sa bahay nila Vivian.Binisita namin siya kanina ni Ferida dahil wala naman itong duty at Sabado naman ngayon wala din kaming trabaho.

"Ayon pa sa apat na actor, magkakaroon sila ng concert sa Cebu kasabay ang pagdiriwang sa nalalapit na pista ng Senior Santo Niño. Mabibili ang tickets online.Ang perang inyong ibabayad sa pagbili ng tickets ay ipapagawang bahay para sa mga Pilipinong nawalan ng bahay dahil sa Bagyong Kuring na tumama sa lugar ng Mindanao." pagpapatuloy ng anchorwoman.

"Owemji! May concert sila sa Cebu!
Arat! Punta tayo mga prends!" tili na naman ni Ferida.

"Diba taga Cebu kayo,Shine?" baling sa'kin ni Vivian.Tumango naman ako.

"Ah,Oo.Doon talaga ako lumaki." sagot ko.

"So,ibig-sabihin marunong ka din magBisaya katulad ni Vivian?" ani Ferida.

"Syempre naman."

"Turuan mo naman ako." wika ni Ferida.

"Oo,next time." natatawa kong sagot.

"Pupunta ka?" tanong ni Vivian.

"Pupunta naman talaga ako do'n.Bibisitahin ko din sila Lola at Lolo." sabi ko.

"Sama kami,Shine!" masayang sabi ni Ferida.

"Sure,magandang idea 'yan." ani ko.

"Yehey! Ako na ang bibili ng tickets natin para sa concert ng F boys!" wika ni Ferida at inakbayan kaming dalawa ni Vivian.

"Isasama mo ba si Joser?" tanong ni Vivian kay Ferida.

"Ewan ko sa kanya.Mukhang busy siya trabaho niya.Marami kasi itong client na dapat asikasuhin." sagot naman ni Ferida.

Sa aming magkakaibigan si Ferida ang pinakachildish at foodie halata naman sa katawan nito.Ako naman ang pinakamabait at si Vivian naman yung tipo ng babae na matapang, minsan masungit,at minsan naman tahimik lang.Bumaling ang atensyon namin sa ina ni Vivian na si Tita Valerie nang magsalita ito.

"Hali na kayo dito sa kusina.Kakain na."

"Opo!" sabay naming sagot at saka nagpaunahan sa kusina.






Faron's POV

Dalawang oras na ako dito sa kanyang flower shop pero sarado
pa ito kanina pa.

Nasaan kaya ito?

Kinuha ko ang aking phone sa bulsa ng denim jeans ko at tinawagan siya.

Calling My Sunshine...

Nakailang ring muna bago nito sagutin ang tawag.

[Hello,Aron?"]

"Where are you? Bakit sarado ang flower shop mo?" I asked.

[ "Ay hala! Sarado kami ngayon sa Lunes pa ang bukas niyan.Bakit bibili ka ng bulaklak?"]

"Ahm...no,I just want to see you."

["See me?"]

"Yeah."

["Bakit naman?"]

"I miss you."

Natahimik sa kabilang linya.

["Na miss rin kita"] sagot nito na ikinangisi ko.

"Talaga?"

["Baka ka ba?"]

Baka? Sino? Ako? Bakit naman ako naging baka?

"Why?" I chuckled.

["Kasi Oohh ngaaaa."]

Natawa naman ako sa naging sagot niya.She never failed to impress me.

"Let's date." I said.

["Saan naman?"]

"Hotel De Marupok.Sunday.7pm."

["Bakit do'n? Pangmayaman.Wala akong pera."]

"Don't worry.Ako naman ang nag-aya.
Ako ang bahala.Hihintayin kita sa labas ng bahay niyo.Okay?"

["Okay."]

"See you tomorrow!" excited kong sabi.

["See you,Aron!"]

Bakit ba napakagandang pakinggan kapag binibigkas niya ang pangalan ko kahit na kulang pa iyon sa letrang F? Nababaliw na talaga ako sayo,my Sunshine.

Tomorrow will be our first ever date.
Next week,hindi ko na naman siya makikita dahil may concert kami sa Cebu.Sisiguraduhin kong magiging memorable at special ang araw namin bukas.

°°°

A/N: See you on their
first ever date!📣

Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓Where stories live. Discover now