TBWY:

27 2 25
                                    

Actually, this is my first story here in watty na i-pupublish ko. Hehe, gusto ko kasing nandito lang 'to at para hindi mawala.

PARA ITO SA KAIBIGAN KONG SI NIELMAR. MAHAL KITA AT LABAN LANG SA BUHAY. Sana magustuhan mo kahit simple lang :)

---

Sinara ko ang laptop ko at pabagsak na humiga sa kama. Kakatapos ko lang kasing i-edit 'yong story na pinasa ko sa publishing company na kasali ako. Kilala ako bilang isang manunulat na hilig manakit ng maraming tao. Never pa yata akong nag-sulat ng may happy ending.

Paano ba naman, ilang beses ba akong masasaktan dahil sa mga lalaki na 'yan! Putangina, pagod na pagod na puso ko, palagi na lang bang ganito? Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako? Charot! Masyado namang Liza Soberano ang peg ko pero 'di hamak na mas maganda ako sa kanya, 'no!

Kaya ayon, nabubuhos ko sa pagsusulat ang sakit na nararamdaman ko tuwing nagmamahal. Kailan kaya ako makakahanap ng taong mamahalin ako at sa huli gagawan ko siya ng storya na ang ending ay masaya at hindi masakit. Aish, tsaka ko nga lang iisipin 'yon at matutulog na ako dahil may pasok pa ako sa trabaho bukas.

---

“Nielmar! Gumising ka na diyan at ma-le-late ka pa sa trabaho mo!” Umagang-umaga, pambungad talaga boses ng nanay ko, eh.

Tumayo na lang ako at nag-ayos na. Nagbihis na rin ako ng uniform para kakain na lang ako at ready to gorabels na.

“Wow, ang sasarap ng niluto niyo, ah. Anong meron?” Gulat na tanong ko sa nanay ko at nagsimula na akong kumain.

“Alam kong pagod ka kagabi at hindi ka na kumain. Hindi na rin kita inistorbo kasi alam kong habang nagsusulat ka ay ayaw ng sabagal. Kaya pinaghanda kita kaya kumain ka lang diyan.” Sabi ni Nanay sabay yakap sa'kin. Si Nanay talaga, oh. Sobrang na-touch ako kahit sa simpleng effort niya para sa'kin.

“Para kang ewan, Nay! 'Di bagay sa'tin ang dramahan, halika na lang at sabayan mong kumain ang maganda mong anak.” Napatawa na lang siya sa'kin at nagsimula na ring kumain.

Pagkatapos namin ay inayos na ni Nanay ang pinagkainan namin. Umalis na rin ako at baka ma-late pa ako sa trabaho ko.

“Good morning, mga pokpok!” Bati ko agad sa dalawang ka-trabaho ko, si Gian at Gwen. Kasalukuyan silang nag-aayos ng mga lamesa at upuan. Dumiretso na ako sa may counter at nagsuot ng apron.

“Mukhang puyat ka na naman, ghorl?” Pansin ni Gian sa'kin.

“Oo, teh! Nakakapagod mag-edit pero keri lang. Masaya naman ako doon. Ikaw, Gwen? Mukhang pagod ka rin, ah.” Nakangisi kong sabi sa kanya at tumawa siya habang si Gian ay iiling-iling.

“Alam mo naman, hindi ko kayang walang nagdidilig sa'kin at baka mabaliw ako!” Loka-loka talaga 'tong bruhildang 'to.

“Sumama na lang kayo sa'kin mamaya. Punta tayo diyan sa kabilang kanto, may bagong bukas na bar. For sure, maraming yummerz doon! Gusto ko ring uminom at sobrang stress na ako sa life!” Yaya sa'min ni Gian. S'yempre 'tong si Gwen, g na agad 'yan.

Ano pa bang magagawa ko kahit umayaw naman ako ay for sure pipilitin din ako ng mga 'to, no choice rin.

Inayos na nung isa naming kasamahan 'yong sign sa may pinto at nilagay na open.

Kasaluyan akong nagta-trabaho dito sa may Milktea shop. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong balak mag-trabaho pero nadimunyu ako nung dalawa. Pumayag na rin naman ako kasi tumigil din ako sa pag-aaral kaya wala akong ibang magawa sa bahay bukod sa pagsusulat.

Parami na nang parami ang mga customer sa'min kaya medyo nahihirapan na kami pero gora lang. Sanayan lang 'yan.

Maya-maya may nakapukaw ng atensyon ko, 'yong lalaking naka white shirt, pants at sneakers. Tangina, eto mga gusto ko, eh! Ang linis tingnan. May kasama pa siyang dalawang lalaki na kakapasok lang at dumiretso sila sa hanay para umorder. Eto na naman ako, lumalabas na ulit kalandian ko.

To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon