Ang pangalan ko ay Helen. Ako ay nasa mag iikaapat na taon na sa pagiging sekondarya nang mangyari ang mga kagimbal-gimbal na pangyayaring iyon. Wala na sa aking piling ang aking mga magulang o masasabing, ni minsan ay hindi ko sila nakapiling. Ang nanay ko ay namatay ng kapapanganak pa lamang niya sa akin samantalang may iba nang pamilya ang aking tatay o masasabing, ni minsan ay hindi niya akong itinuring na pamilya, na anak. Iisang tao lang ang lubos na nagmahal sa akin na parang totoo niyang anak at iyon ay si Magdalena Samaniego, ang nag-iisa kong tiyahin na nagbukas ng kaniyang puso upang ako ay kupkupin. Inang ang tawag ko sa kaniya.
Si Inang ang pinakamahalagang tao para sa akin. Siya ang aking buhay. Ngunit… sa hindi talagang maiiwasan na pangyayari, siya ay nawala sa akin. Maraming anak si Inang, anim ang anak niya at mag-aaral na ng kolehiyo ang kaniyang kambal na mga panganay. Siya, ang asawa niya, at ang apat pa niyang anak ay magbubuo na ng anim na katao, at idadagdag pa ako. Sobra sobra na ang kaniyang mga gastusin sa pamilya niya at dadagdag pa ako. Oo, isang tao lang ako pero kahit na, kahit na iisa lamang ako, ako’y may naidudulot parin, ni masama o mabuti. Ang masama ang mas napansin. Hindi na nila ako makaya. Nagkakaaway away na sila dahil sa akin, kaya nangangailangan na talagang mawala na ang nakakapahamak sa kanilang pamilya, at ako iyon.
“Helen, ayos na ba iyang mga gamit mo?! Paparating na yung sundo mo! Baka paghintayin mo pa, mahiya ka naman!”, pasigaw na pinaaalahanan ako ng asawa ni Inang na si Tito Ramon.
“Opo, Tito! Bababa na ho ako!”, sagot ko habang tumatayo upang masamahan ko na ang aking Tito sa ibaba na naghihintay.
Napatingin ako sa paligid. Aking pinagmasdan ang bawat sulok ng lugar na sa iilang minuto na lang ay akin nang lilisanin, ang lugar na aking itinuring na bahay. Sa aking pagbaba ay may sumalubong sa akin na isang basang basang dambuhalang tao, ang Inang ko. Siya’y sumugod sa ulan upang magpaalam lamang sa akin.
“Helen, anak, tumawag ka dito pag may kailangan ka o pag may nangyari sa iyo ah. Alam mo naman diba ang number ni Mami? Kung pu-pwede sana ay tumawag ka sa amin ng kahit isang beses sa isang araw. Mamimiss kita, anak. Pasensya na talaga anak. Pero huwag kang mangamba, anak. Mabuti ang makakasama mo. Napakayaman niya. Magiging mas maganda buhay mo pag siya ang nakasama mo, anak. Pasensya na ah. Kung makakaya ko lang talaga.”, umiiyak na nagpaalam sa akin si Inang.
“Inang…”, napahinto ako sa aking pagsasalita.
Gusto kong umiyak pero nangangamba akong baka maawa na naman ang Inang at sikapin na naman niyang magtrabaho nang hindi naman niyang kinasanayang trabaho upang may mapakain lamang sa akin. Ayoko nang mangyari iyon. Ayoko nang makita siya sa ospital nang dahil sa akin. Ayoko nang makita siyang nagdurusa. Ayoko na.
“Okay lang po ako. Huwag po kayo magpasensya. Ako nga po ang dapat magpasensya eh. Inang, salamat po sa lahat ah! Kung hindi dahil saiyo hindi ako magiging ganitong kaganda.”, palabiro kong sabi sa aking Inang.
Tumingin ako sa aking Tito Ramon at aking sinabi, “Tito paalam na. Aalis na po ako. “
“Helen, magingat ka ah. At tsaka pasensya na nga pala kung ako’y nagiging masungit sa iyo. Hindi ko…”, aking pinahinto si Tito sa kaniyang pagsasalita.
“Tito, naiintindihan ko naman po kaya po okay lang po. Dati mo pa pong iniiwasan na mapalapit ako sa inyo para pag humantong ako sa sitwasyon na gaya nito ay hindi ko kayo masasaktan, na hindi po ako masasaktan, tama ba ako?”
Bakas na bakas ang pagkagulat ni Tito Ramon sa aking mga isinabi sa kaniya. Tila siguro akala niya ay siya’y isang masungit na Tito lamang para sa akin.
“Mahal ko rin po kayo, Tito este Itay.”, nakangiti kong sinabi sa kaniya habang siya’y aking niyayakap at siya naman ay ngumiti rin.
“Paalam na po! Ipagpaalam niyo na lang po sa mga apat.”, nakangiti akong namamaalam sa kanila.
BINABASA MO ANG
Sino Yang Kasama Mo?
Mystery / ThrillerAbout a girl who have lost her parents at a very young age and had gained a great bond with the one who adopted her but then got separated. The girl, in her new environment with her new adopted parents whom she really don't know, somehow is happy ev...