O ano itong nadarama ko.
Hindi ko alam kung saan tutungo.
Puso ko'y kumakabog.
Kamalayan ko'y parang sasabog.
Nakakapanindig-balahibo.
Emosyong nakakapanibago.
;
Ika'y aking hinanap,
Presensya mo'y sinasagap.
Walang ibang gusto,
Kung hindi ikaw lang mahal ko.
Nakakabaliw,
Ako'y sa iyo'y nababaliw.
;
At nang ika'y aking makita,
Puso ko'y tuwang-tuwa.
Ang pag-aalala ay napawi,
Sa iyo ako'y nagwagi.
Agad akong naghubad ng damit,
Ang tagumpay ay aking nakamit.
;
At ako'y dahan-dahang pumatong,
Ika'y aking inupuan, ako'y kumandong.
O kay sarap ng nararamdaman,
Habang nakasakay sa 'yong katawan.
Tagaktak ang pawis sa 'king mukha,
Emosyon ko'y lumulubha.
;
Ang ungol ay pilit na kinukubli,
Kagat-labing niyayakap ang sariling binti.
Balahibo'y tumitindig,
Puso ko'y malakas na pumipintig.
Lumalakas ang ungol sa silid,
Tumitilamsik animo'y tubig.
;
Kahit anong posisyon ay aking sinubukan,
Upang itong pangangailangan ay mapunan.
Napakasarap ng bawat pag-ulos ng laman,
Ang kiliti at higpit ay nakakapanghina ng lubusan.
Kung saan-saan ako napapakapit,
Kamay kong nanginginig, ramdam ko na ang nalalapit.
;
At sa rurok ng kaluwalhatian,
Ako'y hinihingal at pawisan.
Ako'y tuluyang nanghina,
Ako ay nalanta.
Nagpapasalamat sa sarap na nadarama,
Nagagalak dahil ika'y aking nakasama.
;
Ako'y nagpunas at naglinis,
Habang ang ngiti ko sa labi'y sobrang tamis.
Maraming salamat sa pagtugon,
Ng aking hinahangad na atensyon.
Sana'y pagbigyan mo ulit ako...
O mahal ko...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Mahal kong inidoro...
BINABASA MO ANG
O Mahal Ko...
Poetry/One shot/ Minsan, ang hirap hanapin ng kinakailangan. Kung hawak mo na ito, h'wag mo nang pakawalan. O mahal ko...