Chapter 28

2.4K 113 12
                                    

"Yes?" ang tanong ni Summer sa dalagang kinuha niya na temporary secretary, para sa inupahan niyang isang kwarto sa isang bagong gawa na building sa bayan ng Villa Elena. Isang college - working student ang dalaga kaya hindi siya nag-atubili na hindi niya ito ihire. Naalala niya kasi ang sarili niya rito.
"Ma'am Bisset, may gusto pong makipag-usap sa inyo?" ang nag-aalangan na tanong nito sa kanya habang nakatayo ito sa half-open na pinto.
"Nasa list ba siya ng nasa appointments ko?" ang tanong ni Summer na abala pa rin sa pagbabasa ng mga papers na nakalatag sa ibabaw ng kanyang lamesa.
Naisipan niyang umupa muna ng magsisilbi niyang opisina para sa mga business commitments niya sa mga susunod na linggo.
"Ah, ma'am hindi po, ang sabi niya lang po kakilala nyo daw po siya, personal po ang pakay niya" ang sagot nito.
"Ano raw pangalan?" ang patanong na sagot ni Summer, sino kaya ang pupunta sa kanya rito?
"Alex Carpio po" ang mabilis na sagot nito.
Her head snapped and her hand shook, and looked at her young secretary, biglang bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Mon dieu! Pangalan pa lang ni Alex, nanginginig na siya. Mas lalo pa kapag kaharap niya ito, with only the two of them.
At mas lalong lumakas ang appeal nito, maturity did him good, at mas manly ang features nito. Ano bang kailangan sa kanya nito? Pero, kailangan niya itong harapin. She has to send him a message na hindi siya apektado rito.
Napabuntong-hininga na lang siya, "let him in, and would you be a doll and get us two cups of coffee, here, may maliit na coffee shop sa ibaba, flat white ang sa akin and ask Mr Carpio when you get outside kung anong preference niya sa coffee" ang bilin niya sa kanyang batang secretary at iniabot nito ang pera.
She took a deep breath, at tinuloy na lang niya ang kanyang ginagawa, she looked at the papers on top of her table, at kahit pa napansin na niya na pumasok na si Alex sa loob ng kanyang opisina ay hindi man lang siya tumingala para tingnan ito.


Hindi makapaniwala si Alex sa narinig niya, kaya bigla niyang nabitiwan ang pagkakahawak sa pinto ng elevator doors kanina at pinagmasdan na lang habang sumara ito at nasa loob si Summer na nakatingin sa kanya ng walang emosyon.
"May asawa na siya? Of course! He was so stupid! Bakit ba magbabago ang apelyido nito from Avellaneda to Bisset? Wala ng ibang dahilan kundi naikasal na ito.
Parang piniga ang puso niya ng marinig niya iyun, at nanatili siyang nakatayo sa harap ng nakasarang pinto ng elevator. Ilang beses pa siya na tinawag ni Donny dahil sa hinahanap na siya ng Mayor.
Mabigat man ang pakiramdam ay wala na siyang nagawa kundi ang bumalik at magpunta sa opisina ng Mayor para sa isang lunch.
Pero hindi niya nagawang kumain, nakatitig lang siya sa lamesa at sa pagkain na nakalatag sa kanyang harapan. Hindi niya kasi lubos na maisip na may nagmamay-ari na sa puso at katawan ni Summer.
Hindi niya lubos na maisip na may ibang nagpapasaya rito, hindi niya matanggap na may iba ng kinakausap ito ng mga problema at kasayahan nito, hindi niya matanggap na may ibang kayakap ito sa gabi, at hindi niya matanggap na may iba ng nagmamay-ari ng mga labi nito na minsan na niyang natikman.
No! Nakalimutan na ba siya ni Summer? Hindi ba siya minahal nito kahit katiting man lang? Nagkamali ba siya ng akala na mahal siya ni Summer? Umasa ba siya sa loob ng sampung taon para sa wala?! Ang giit niya sa sarili. Dinukot niya ang kwintas na nasa kanyang bulsa at tiningnan niya iyun.
No! Hindi siya papayag! Hindi siya naghintay ng sampung taon para sa wala. Pinagtagpo silang muli ng Diyos dahil may rason Ito. At hindi lang sa pag-aayos ng isang lumang lighthouse. God gave him a second chance, and he's going to set things right!
"I'm sorry, but I really need to go, may commitment kasi ako, I'm very sorry and Mayor salamat po sa lunch" ang paghingi ng paumanhin ni Alex at hindi na niya hinintay na sumagot pa ang Mayor ng Villa Elena at nagmadali na siyang naglakad palabas.
Pero dumaan muna siya sa secretary ng Mayor para alamin sana kung saan nag stay si Summer, pero hindi nito alam kung saan at tanging ang address ng opisina nito ang alam nila. He got it of course, at kahit pa sinabi nito na may commitments ito ay pupuntahan pa rin niya ito. He's willing to wait na maging free ang oras nito, hey! He waited ten years ano ba naman ang ilang oras na paghihintay.
He didn't bother using the elevator at ginamit na lang ang hagdan, parang may pakpak ang kanyang mga paa at gusto niyang lumipad, dahil sa pagmamadali.
He put his helmet at sinakyan ang kanyang Ducati na motorsiklo, at pinaandar na niya ito patungo sa kabilang building lang sa may bayan.

The One That almost Got Away [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon