CHAPTER 05

5.7K 301 374
                                    

"TIE BREAKER question."

Bumuntong hininga ako at pumahalumbaba habang naghihintay ng huling tanong, iyon na ang magiging hatol kung sino ba sa amin ng natirang kalahok mula sa kabilang unibersidad ang mananalo sa quiz bee na ito.

Unfortunately, ang kalahok na iyon ay si Ceander Javier na tropa ni Timothee. Deretso lang ang tingin nito sa harap, habang ako ay hindi maiwasang lingunin siya, pagkatapos ay lingunin ang manonood dahil pakiramdam ko ay naroon din sila Timothee.

It was very uncomfortable for me but I have to make way for this quiz. Ang mga paalala ni Mama kaninang umaga ang tanging kinakapitan ko para mag focus. Good thing I made it to the last round.. at syempre, hindi lang ang bagay na iyon ang magiging dahilan ng pagkatalo ko rito.

"Who is the highest scoring aerial ace of World War II?"

Basic. A smile crept onto my lips.

I'm a bit confused and had a second thought if I need to write the whole name but I wrote down Erich "Bubi" Hartmann, to make it sure.

Hindi pa man natatapos ang 10 seconds ay tapos na ako. Lumapit sa amin ang committee para i-check ang mga papel namin.

"Miss Cordova got the correct answer, she aced the quiz bee! Again!"

Naghiyawan ang mga estudyante at teachers na nanood sa amin dito sa conference hall, lalo na ang mga nagmula sa unibersidad namin. I just smiled and bowed my head slightly. Paalis na sana ako sa aking pwesto nang mabilis na lumapit sa akin si Cean para batiin ako, ngumiti nalang ako at pinasalamatan siya sa magandang laban.

Na-challenge ako sa kanya dahil ang galing niya kanina, tahimik at halatang kalmado lang siya upuan, plus the fact that he is taking up Engineering na medyo malayo sa topic ng quiz, he managed to stay 'til the last round. Talent 'yon!

"Another great job from you, Miss Cordova. Praktisado since high school, ah, ingatan mo sana ang image mo with your achievements," nakangiting bati sa akin ng university director habang sinusuotan ako ng medalya.

Inabot din ng guests sa akin ang apat na certification, tatlo para sa tatlong round at 'yung isa ay para sa overall champion. Nag-picture taking lang at tapos na ang set namin.

I left the venue when they called another set of participants. Hindi ko kasama sina Viel at Ysa dahil representative rin sila parehas sa iba namang field. Dahilan din kung bakit hindi sila nakanood ngayon gaya noong mga nakaraang year.

I'm proud to say that the three of us excels in different field. Pambato si Viel sa Mathematics at si Ysa naman ay sa Biology. Partida, alam kong hindi pa nag-review ang dalawang iyon dahil hindi ko sila kasing subsob, but it will be basic for them, too!

Pero ngayon, hindi ko naman alam kung saan ako mapapadpad dahil wala na akong gagawin pagkatapos nito. Kung uuwi naman ako, wala rin akong kasama sa bahay dahil kumuha si Mama ng mga pa-order niya sa Natasha at Avon. Siguro, hihintayin ko nalang 'yung dalawa, mabilis lang naman iyon..

Napailing nalang ako habang humahakbang sa hindi ko alam kung saan papunta. Ito na naman ako't lumulutang sa dami ng iniisip.. probably, dahil wala nga akong mapagkaabalahan ngayon. Tapos naman na lahat, e.

I kept myself busy last week to prepare for this quiz bee at sa iba na ring requirements, next week, OJT naman ang aasikasuhin namin. Sa ngayon ay wala talaga akong plano at nakapila na gagawin. Nakakainip din pala kapag gano'n.

I sat down on a bench to look at different unfamiliar faces going in and out of the campus, open para outsiders ang school ngayon dahil dito nga ang venue ng quiz bee, mas marami pa nga yata ang pumasok na outsider kaysa sa mga estudyante rito. Ang iba ay obvious na nag bo-boy hunt o pinupuntahan ang crushes nila na nag-aaral dito.

WENT VIRAL [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon