MISERY 59💙

8 2 10
                                    

SHEAH'S P.O.V


" Hay buhay! "

" Grabe! Nakaka-tense talaga yang Kadenang Ginto! "

" Ksh! Sarap kalbuhin ni Daniela. Amputeks talaga "

" Ano girahin na ba natin? "

Argh! Bwiset ang ingay. Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko. Tsk! Dito pala ako sa sala nakatulog.Ksh! Hindi na nakakapagtaka kung bakit sari-saring boses ang naririnig ko.

Bumangon ako at saka naginat-inat. Psh! Ang sakit ng ulo ko.

" Ay! Gising na pala ang prinsesa " biro ni Vickyla saka pinatay yung TV.

" Well,on time ka Sheah ah,gigisingin ka pa lang dapat namin " segunda naman ni Bella.

" Tch! Gutom na ako " maktol ko at napalabi pa. Kitang kita ko naman ang pag-ikot ng mga mata nila.

" Eh baliw ka kasi eh. Sino ba naman ang tanga na gagawing breakfast and lunch ang dapat ay meryenda? Ksh! Gigising ka lang kung kailan oras na ng meryenda? Tsk! Kabaliwan mo talaga eh noh? " parang nanay na panenermon ni dyosang Isabella. Hsh! Badtrip na badtrip ang letche. Kunti lang sinabi ko eh ang dami ng kaniya. Tae! Lugi ako syet.

" Eh sorry naman po Inay. Napasarap lang talaga ang tulog ko eyyy " pagsakay ko sa trip niya. Wait lang? Saan ba ako dapat bumaba? Ksh! Kabobohan ko talaga eh noh?

" Napasarap nga ang tulog mo napasama naman ang tiyan mo " at isa pang sermon ni nanay Vickyla. Hmp! Kinareer ng mga bruha.

" Opo na po Inay, kakain na nga po oh. Eh asan ba ang food? " nakangusong tanong ko sa kanilang dalawa. Kapwa mga nakataas ang kilay ng mga ito at nanay na nanay talaga ang postura---este aura.

" Humingi ka kay Manang Gelliana " utos pa ni Nanay Isabella. Kaka-enjoy naman toh.

" Eh tinatamad ako Inay eh,pahatid na lang please " nag puppy eyes pa ako para effective,abah! Dapat ko ring galingan ang pag-arte,hindi pwedeng sila lang ang best actress noh?! " Pretty please "

"Ugh! Fine " tumitirik ang mga matang saad ni Nanay Isabella saka tumayo.

" Yehey! " kulang na lang eh mapatalon ako sa sobrang tuwang nararamdaman ko. Tsk! Sinabi ko na nga ba't mage-enjoy ako basta't sasakyan ko ang kabaliwan ng mga bruha . Ang saya talaga pag tinotopak sila ng mga rituals nila.

Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon