"Ayan, wala ng sasakyan na dumadaan," bulong ni Mike sa mga kasama habang nakahiga sila sa may damuhan. Gumapang pa siya nang mas malapit sa may daan upang makasiguro.
"Are you sure?" pagtatanong ni Uno. "I-testing mo nga, Francis! Kapag may nagtitili na babae kapag nakita ka na naka-boxers lang, ibig sabihin hindi safe lumabas!"
"Bakit ako?" pagkontra ng nakababatang pinsan. "Ikaw na lang!"
"Kasi, sinabi ko!" Hinawakan niya ang garter ng underwear ng inutusan at sapilitang pinatayo.
"Aray ko! Naiipit ang ano ko!" pagrereklamo niya habang nakangiwi. "Ang itlog ko, mapipisat na! Bitiwan mo ako!"
"Sabi mo e!" patawa-tawang sinambit ni Uno kasabay nang pagtulak sa kanya sa gilid ng daan. Aksidente pa itong napaluhod sa damuhan kung saan may dumi ng aso kaya napatiim-bagang na lang siya sa inis.
"Tsk! Kapag nga naman minamalas!" naiinis na nasabi na lang ni Francis habang ipinupunas ang palad sa mga dahon.
Maya't maya ay may narinig siyang pagsitsit kaya napatayo na siya at nagtago sa likod ng poste ng ilaw. Dahan-dahan pa siyang sumilip upang mag-obserba kung tunay nga bang walang nakakakita sa kinaroroonan nila. Nanalangin siya na sana nga ay walang witness dahil medyo nako-conscious siya sa disensyong teddy bear ng kanyang underwear. Katulad kasi ng mga pinsan ay wala siyang suot na pantalon.
Kanina-kanina lamang ay na-deport sila mula sa Tsina dahil sa kasong "indecent exposure". Sila ay kamalas-malasang naparusahan ni Miss Elf na matanggalan ng mga pantalon dahil nainis siya. Kinukulit kasi nila itong tulungan sila na makahanap ng girlfriends.
Ang Semira na kalalakihan ay sikat dahil sa angking kakisigan at estado sa buhay na mararangya. Iisipin ng nakararami sa napakaswerte nila ngunit ang katotohanan ay naisumpa silang maging sawi sa pag-ibig mula sa mga kanunu-nuan pa nila.
Naihian kasi ng great-great-great-great-great-great-great grandpa nila ang bahay ni Miss Elf kaya naparusahan niyang lahat ng magmumula sa bloodline nito na mga lalaki ay mamalasin sa love life. Ang problema, nais man bawiin ng nasabing nilalang ang sumpa ay hindi na maaari dahil sa sa oras na nabitiwan na niya ang mga salita, wala nang bawian. Ang tanging solusyon ay ang mapalitan iyon ng isa pa na halos katumbas ang bigat niyon.
Napakiusapan naman nina Uno na mapalitan ang curse subalit tila ba pinagtakluban sila ng langit at lupa dahil mukhang mas malala pa ang ipinalit ni Miss Elf sa naunang sumpa. Kapag hindi pala nila nahanap ang mamahalin sa loob ng isang taon, magiging isang pulgada na lamang ang manly family jewels nila.
"Ang kukulit niyo naman e!" iritableng tugon ng duwendeng sumumpa sa lolo sa dulo ng kuko nila na si Kungfu na maging malas sa mga babae. Kahapon lamang ay nasa probinsya sila ng Miao-miao at naglakbay pa paakyat sa bundok kung saan nananalagi ang nasabing nilalang.
BINABASA MO ANG
Semira Boys Series: Uno Emir (Completed)
RomanceSemira Boys Series: Uno Emir Tunghayan ang mala-extraterrestrial love story nina Uno at Alfa na pang-out of this world ang datingan. Dahil sa pangitain ng mapupungay na mga mata at maalindog na katawan ng binata, aksidenteng nabangga sa tore ng kury...