Chapter 29

2.4K 114 13
                                    

“Hi” ang mahinang bati ni Summer sa kaibigan, nang pagbuksan siya nito ng pinto. She anticipated on what were her reactions going to be. Kung bubulyawan ba siya nito, kung sasabunutan, kung sasampalin o kung pagbabaksan ng pinto sa mukha. Lahat iyun, ay tatanggapin niya, dahil hindi rin siya naging totoo sa pangako niya kay Clarissa.
     Pagkatapos niyang manggaling sa kanyang opisina ay dumiretso siya sa San Vicente kung saan naninirahan na sina Clarissa at ang asawa nito na si Rojie.
    At nanlaki nga ang mga mata nito at nangilid ang mga luha sa mata, lahat ng pwedeng gawin nito sa kanya ay naisip niya, pero hindi niya inaasahan na luluha ito at yayakapin siya ng mahigpit.
    “Summer!” ang sigaw nito habang umiiyak at yakap-yakap siya. Gumanti rin siya ng mahigpit na yakap at naluha na rin. Sobrang na miss niya si Clarissa, kahit pa nagkarun siya ng ibang mga kaibigan sa France ay walang nakapantay ni isa sa mga ito kay Clarissa.
    “Walanghiya ka! Dapat nagagalit ako sa iyo ngayon! Dahil pinag-alala mo ako ng husto, pag-alis mo, ni isang text wala akong natanggap mula sa iyo, tapos tintawagan kita unattended ka na!” ang galit pero naiiyak na sabi ni Clarissa sa kanya.
    “Namiss din kita ng sobra” ang tanging naisagot ni Summer, dahil alam niya sa kabila ng masakit na salita nito ay iba ang ibig sabihin nito pagdating sa kanya.
   

    “Masarap ka ng magluto ha” ang sabi sa kanya ni Clarissa, habang kumakain sila ng hapunan sa bahay nito. Nagpresinta siya na siya na ang magluluto ng ulam para sa hapunan nila, para sa pag imbita at pagtanggap sa kanya ni Clarissa.
    “Kailangan eh, ipinagluluto ko rin ang papa doon saka yung pamilya niya” ang sagot niya. Kasama nila sa lamesa ang tatlong anak nito. Si Rojie ay wala pa at nasa trabaho pa sa may kapitolyo.
    “Kamusta naman ang pagtrato sa iyo ng pamilya ng papa mo?” ang tanong sa kanya ni Clarissa.
    “Mabait naman sila sa akin, naging malapit din ako sa mga kapatid ko” ang sagot ni Summer, alam nito na nag-alala ang kaibigan kung nakatikim siya ng pagmamalupit.
    “Langya ka, hindi ko man lang naisip na nasa ibang bansa ka, hindi rin naman kasi sinabi ni nanay Ising sa akin, naintindihan ko, pinakiusapan mo siya” ang sagot ni Clarissa, at nangilid ang luha nito, “ay naku, naala ko tuloy yung araw na nailit ng bangko ang bahay ninyo, Diyos ko Summer, kung pwede nga lang barikadahan ko ang bahay ninyo ginawa ko na, tapos nakita ko na umalis na si nanay Ising na lumuluha, parang dinurog ang puso ko Summer” ang naluluha na sabi ni Clarissa na tumigil muna sa pagsubo at pinunasan ang luha sa mata nito.
     Siya rin naman ay naluluha sa tuwing maiisip niya ang mga paghihirap nilang dalawa ng kanyang lola, nanghihinayang nga siya at di na naabutan pa ng kanyang lola na makita siyang matagumpay na. Ni hindi man lang niya naibalik o naibigay ang magandang buhay sa kanyang lola.
    Pinahid din niya ang kanyang luha, “sabi ko na nga ba magiging madrama ang pagkikita natin” ang naluluha at natatawang sabi ni Summer.
    “Nasaan ang nanay Ising?” ang tanong ni Clarissa, wala kasing alam ang mga ito na namatay na si lola Ising.
    “Ahm, isa pa yan sa pakay ko kaya ako umuwi, para kunin ang urn ni lola sa Maynila at dalhin ko rito” ang malungkot na sagot ni Summer.
    Nabitiwan ni Clarissa ang hawak na kubyertos, “Summer? Ano ba iyan! Bakit hindi man lang namin nalaman, Diyos ko, si nanay Ising” ang malungkot na sabi ni Clarissa at umiyak na naman ito, sakto naman ang pagdating ni Rojie. Nagulat ito nang makita siya at nang makita nito na umiiyak ang asawa.
     Excited naman na binati ito ng mga anak, at magiliw nitong hinalikan ang mga pisngi ng tatlong anak na lalaki.
     “Totoo ba ang nakikita ko? Summer?” ang gulat na sabi ni Rojie sa kanya.
    “Kamusta Rojie” ang nakangiting sagot ni Summer.
     “O nagkita lang kayo umiiyak na yang si Clarissa, inaway mo ba?” ang biro ni Rojie na naupo sa tabi ni Clarissa at hinalikan ito sa pisngi.
    “Baliw! Ako pa mangaaway kay Summer, pero si Summer ni minsan di ako inaway niyan” ang galit na sagot ni Clarissa sa asawa, “sandali ikukuha kita ng pinggan” ang sabi ni Clarissa.
    “Huwag na kumain na ako sa kapitolyo, sabay ba kayo na dumating ni Alex?” ang tanong ni Rojie sa kanya at muntik na niyang maibuga ang laman ng bibig niya.
    “Bakit mo naman nabanggit ang pangalan ni Alex Rojie, alam mo naman siguro ang history ng dalawang yan!” ang galit na sabi ni Clarissa sa asawa.
    “Sorry, naitanong lang, kasi halos sabay sila dumating, nagkita kami sa kapitolyo kanina, para kunin yung equipment niya sa construction firm niya doon” ang paliwanag ni Rojie.
    “Actually nagkita na kami kanina sa meeting namin with the Mayor” ang sagot ni Summer.
    “O anong nangyari? Sinapak mo sana” ang sabi ni Clarissa.
    “Napaka bayolente mo talaga Clarissa” ang sabi ni Rojie.
    “Kaya nga nagulat ako nang makita kitang buo pa” ang natatawang sagot ni Summer.
    “Oo nga pala, ikaw pala yung napag-uusapan na foreign na engineer? Si engineer Bisset? Nag-asawa ka na ba?”
    “Hindi, apelyido na ni papa ang ginagamit ko, kailangan kasi for legal purposes sa France” ang sagot ni Summer.
   “Akala ko pa naman nakapag-asawa ka na, mukhang di ka pa rin nakamove on kay Alex ah” ang biro ni Clarissa.
    Hindi nga napalitan si Alex sa puso niya, kaya hindi na niya nagawa pang mag-asawa at saka sa marami pang dahilan, gusto niya munang maging successful sa buhay, ang sabi niya sa sarili.
    “Oo nga pala, bukas ililibing ang urn ni lola Ising sa lumang sementeryo, nakausap ko na si Father kanina para sa misa and nagdonate na rin ako para sa pagoaoaretrofit ng simbahan” ang sabi ni Summer.
    “Naku syempre pupunta kami sabihin mo na lang kung anong oras” ang sagot ni Clarissa, “iba talaga kapag milyonarya na namimigay ka na lang ng pera” ang biro ni Clarissa.
    Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Summer, “sayang nga at hindi man lang naabutan ni lola, kaya, ginagawa ko ito, para kay lola na rin” ang malungkot na sabi niya.
    “Oo nga pala, may event tayo mga taga Villa Elena sa susunod na araw, halos lahat yata tayo ay nagsabi na pupunta, yung para sa rehabilitation din ng public school, yung fund raising tapos may pa auction, sasali ka ba sa auction?” ang usisa ni Clarissa.
    “Oo Siyempre” ang sagot ni Summer, at may naisip na siya na ipapaauction niya.

The One That almost Got Away [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon