Prologue(pasilip)

12 2 1
                                    

NAG KAGUSTO KANABA SA ISANG TAO?SHEMPRE OO SINO BANAMAN ANG HINDI? E PANO KUNG ANG GUSTO MONG TAO E KATULAD NI KIVAN LIO VENDEL?NA PILIT KANG TATABUYIN ARAW ARAW GANYAN KAYA ANG NARARANASAN NI CRISTLE FAYE MADRIGAL SAKANYA PERO MALAKAS ANG ATING BIDA LOYAL KUNG LOYAL!NAOL DEBA?KAILAN KAYA SIYA MAPAPAGOD?PARANG WALA NAMAN SIYANG BALAK TUMIGIL DAHIL KONTING NGITI KONTING TINGIN LANG NG KANYANG ULTIMATE CRUSH TIKLOP NA CRUSH NA ULET KAKAISTRESS HINDI BA? HAYAAN NIYO SIYA MALAY NIYO MAGKAROON NG PAG ASA.

CRISTLE POV

Andito ako ngayon sa harap ng gate nila Kivan hehe gusto ko siyang makasabay araw araw pumasok e siya lang kasi ang bumubuo ng araw ko

"Good morning Kivan!hihi" bati ko dito saka inabot sakanya ang sandwich na ginawa ko para sakanya sweet ko diba?pwede ng maging girlpren niya yiiii pero ngumuso ako ng hindi niya nanaman tanggapin ok lang kung sanay siyang lagi na ginagawan ko ng sandwich sanay din naman akong di niya pansinin ito

"Good morning Cristle,Kivan" bati naman samin ni Mang Neski ang hatid sundo namin ni Kivan kapitbahay namin ito kaya nag apply siya na maging hatid sundo namin pumayag naman ang mga magulang namin ni Kivan mapagkakatiwalaan din naman kasi si Mang Neski.

Nakita kong nginitian ni Kivan si Mang Neski mas lalo tuloy siyang gumagwapo sana ako naman ngitian niya nakita niyang nakatitig na ako sakanya kaya mabilis napawi ang ngiti niya tapos dumiretso sa taxi ni Mang Neski dun siya pumunta sa back seat sumunod naman ako.Nang tuluyan nakong makapasok sa back seat ng taxi katabi niya hihi nakaramdam ako ng matatalim na tingin kaya tinignan ko si Kivan na masama ang tingin sakin

"B-kit?" Tanong ko dito inismiran niya naman ako saka nagsalita

"Bumaba ka dun ka sa unahan ayaw kita katabi" malamig na sambit nito na ikinanguso konaman

"Grabe kanaman para ngayon lang damot hmp" pagmamaktol ko dito

"Baba na dali!" Inis na talagang aniya kaya binuksan na ulit ang pinto

"Oo eto na nga baba na ito naman" sambit ko tapos binuksan ang passenger seat katabi si Mang Neski na napapailing samin ni Kivan sanay din naman narin siya samin

Nakarating nakami sa GEN VALLEY HIGH SCHOOL(GVHS) Kung saan kami nag aaral ni Kivan dapat sana  sa private school ako paaralin nila mommy pero sinabi ko gusto kong makasama si Kivan sa iisang paaralan ulit kaya pumayag sila dinaman nila matatanggihan ang nagiisa nilang anak noh.

Unang bumaba si Kivan kaya mabilis kong tinanggal ang seat belt ko saka binuksan ang pinto pero bumalik din ako dahil ibibigay ko nalang Kay Mang Neski ang sandwich na ginawa ko sayang

"Mang Neski iyo nalang ito breakfast mo hehe" nagmamadaling iniabot ko ito sakanya  natatawang umiling naman ito sakin

"Hay Cristle iha di nanaman niya ito tinanggap ano?" Nagkibit balikat nalang ako dito tapos tumakbo para mapangabot ko si Kivan same section din kami shempre ginawan ng paraan nila mommy na magkasama talaga kami hihi

"Woi Kivan antay!" Sigaw ko dito pero dimanlang siya huminto tuloy tuloy lang sa paglalakad na animong walang narinig kaya mas binilisan ko pa ang takbo nangiti ako ng tuluyan konang mahawakan ang  braso niya na hinihingal

"Ayan odi naabot kita hehe Tara sabay na tayo pasok sa room" nakangiting sambit ko dito

"Cristle nasa tapat na tayo ng room kaya pwede ba umayos ka baka Kung ano isipin nila sayo" masungit na sambit niya saka pumasok sa loob ng room nakanguso naman akong sumunod dito

Pagpasok namin sa  classroom nasa amin na agad ang tingin ay kay Kivan lang pala lalo na yung mga babae sarap dukutin mga mata nila over makatingin magka sore eyes sana kayo hihi.Umupo siya sa isang isang silya na bakante tapos samay bandang kanan niya ay wala din nakaupo kaya nagmadali akong umupo dito kaso ngalang inilagay niya yung bag niya sa tabi niya kaya parang may nakaupo na dito yung bag niya

"This chair is already taken maghanap kanang iyo" sambit ni Kivan na nginusuan kolang madamot talaga nakita kong nagbubugisan ang mga classmate ko kaya napapahiya akong naglakad sa kabilang gilid Kung saan may bakanteng silya dun na malapit kay Kivan ok narin to hehe

Dinagtagal ay pumasok na ang unang Lecturer namin pero katulad ng nakasanayan lumilipad lagi utak ko nakatuon lang kay Kivan pinagmamasdan ko siya mag sulat kung pano niya sagutin ang mga tanong ng aming Lec ng walang kahirap hirap hay gwapo na matalino pa.Kung nagkataong maging kami ako ang magiging first girlfriend niya at siya naman ang magiging first boyfriend ko hihihi first and true love namin ang isat isa kakeleg deba dipa ako nagkakaboyfriend dahil masyado akong focus sa pag aaral sa madaling salita Study first ako  pero mas lamang ang pagis istudy crush ko hihihi

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Study CrushWhere stories live. Discover now