Ang Isip Bata Kong Crush

1.3K 44 19
                                    

"ADRIAN!!"

Umagang-umaga sigaw nang sigaw 'tong lalaking to. Nakakarindi naman. Bumangon ako sa higaan ko at inayos ito.

"Saglit lang!"

Pumasok ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo.

Ano na naman kaya ang dahilan kung bakit sigaw nang sigaw si Zach sa baba? Nung isang araw nagsisigaw siya ng paulit-ulit kaya nagmadali talaga akong bumaba pero nadatnan ko lang siya na nakatayo sa isang sulok at nakatitig sa taas.

"Yung ipis Adrian, patayin mo."

Tawa ako nang tawa nung nakita ko siya noon at dahil isa akong dakilang demonyo iniwan ko lang siya don na nagsisigaw at nanginginig sa takot. Natapos ang isang oras bago niya naisip na spray-an niya ng Baygon yung ipis.

"ADRIAN VILLAFUERTE!!"

"Eto na eto na!"

Nagmadali akong bumaba dahil halata na sa boses niyang galit siya.

Nakita ko siya sa may pintuan at may dalawang babae sa harap niya.

"Adrian, si Laurel girlfriend ko," ngumiti ako sa babaeng mas matangkad "at si Laura, bestfriend niya."

Napatingin ako sa bestfriend ni Laurel at laking gulat ko na nakangiti ito nang sobra sa akin.

"Adrian, may request kami ng pinsan mo sa iyo. Magdedate kasi kami nito ni Zach ngayon eh sakto dumating 'tong si Laura sa amin. Hindi ko naman maiwan sa amin kasi natatakot kaya balak ko sana isama na lang kayong dalawa." Napalingon si Zach kay Laurel.

"Hon, wala 'yan sa usapan natin." Nakasimangot na tugon nito. Ngiti na lamang ang sinagot ni Laurel sa kanya at lumingon ulit sa akin. "Ano okay lang ba sayo?"

"Ahh" Napakamot ako sa ulo "Hindi po ba pwedeng si Laura na lang po isama niyo?"

"Luhh, ayoko kayang magthird wheel" Sagot ni Laura at sumimangot sa akin at nagmukhang iiyak na siya.

Natawa ako sa itsura niya. Ang cute niya.

"Sige po sasama na po ako ate. Anong oras po ba tayo aalis?"

"Ngayon na sana Adrian eh, malayo pa kasi pupuntahan natin."

Napatingin ako sa katabi kong si Zach tinignan ko siya at nagkibit balikat na lang siya.

"Sige ate. Maliligo lang po ako."

Tumango na lang si Laurel sa akin. Pinapasok na muna silang dalawa sa condo namin. Pumasok ako sa aking banyo sa kwarto. Nagmadali akong maligo.

Lumabas ako ng banyo ng nakatuwalya at magbibihis sana pero nagulat ako na may nagtatalon sa kama ko.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?" Gulat kong tanong.

Tumingin sakin si Laura at biglang sumigaw.

"Ahh! Manyak manyak!" Tumigil siya ng pagtalon sa aking kama.

Mabilis kong kinuha ang mga damit ko na nasa higaan at pumasok ulit sa banyo para magbihis.

Paglabas ko wala na si Laura don. Anong ginagawa non sa kwarto ko't nagtatalon siya sa kama ko? Lumabas ako sa kwarto at nakitang palabas na ng condo ang tatlo.

"Tagal mo kasi insan eh kala ko di ka na sasama. Mangiyak ngiyak din kasi tong si Laura paglabas kwarto mo kaya ayon." Napahawak siya sa ulo niya.

"Yang si Laura nasa kwarto ko, sinong di magugulat?"

"Ay sorry Adrian, sabi ko kasi tawagin ka at ang tagal mo." Tugon ni Ate Laurel sa akin.

Ngumiti na lang ako nang pilit kay Ate Laurel at iginiya sila palabas ng condo. Habang naglalakad papuntang parking lot ay nakatingin lang sa akin si Laura.

Ang Isip Bata Kong Crush ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon