A pair of powerful spectacles has sometimes sufficed to cure a person in love.
-Friedrich Nietzsche
Seth Kyrie
The Mondragon Pad, Prime Corals
December 24, 20XX - 7:30 P.M
Nasa sala ako noon at nanonood ng netflix series, wala kaming pasok ni Dio parehas kaya naman maghapon akong nanood. Di ko na rin siya sinamahan sa gym at sa grocery kanina dahil nga tinatamad ako. Nasa tabi ko si Shio at hinahaplos-haplos ang balahibo niya habang si Draco naman ay patalon talon lang sa baba ng sofa at pinagdidiskitahan ang tsinelas ko.
"Pansinin mo naman yung isang baby natin oh" si Dio. Abala siya sa pagpe-prepare ng noche buena namin. Di ko alam kung anong trip ng lalakeng ito at ang dami-dami niyang niluluto akala mo naman buong barangay ang papakainin niya. As usual ay naka-boxers lang ito at may nakasabit na apron sa katawan niya.
Sasarap ba ang pagkain pag ganun ang get up sa pagluluto? I was wondering kung ganun din magluto si Chef Kai.
"Hayaan mo lang yan, bad poodle. Kanina pa niya hinahump si Shio. Naku talaga, pag nainis ako tatanggalin ko na itlog niyan"
"Kanina ka pa nanonood diyan, baka gusto mong maligo na"
"Ayoko, malamig yung tubig. Baka mapasma ako"
"Sky, nasa prime corals tayo. May heater at steam yung shower ko"
"Ipagyabang? Palibhasa mahirap ako at wala akong ganun sa condo ko"
"Aysus, yan ka nanaman. Sinasabi ko lang babe, maligo ka na"
"Ayoko nga, masyadong mainit yung tubig pag ginamit yung steam at heater"
"Aba malamang Sky heater nga diba? At may controller po kasi iyon"
Inamoy ko nga ang sarili ko.
"Ok pa naman, mabango pa naman ako"
"Pag di ka naligo di ka kakain. No shower, No Food, No Sex"
Tinitigan ko lang siya, kasalukuyan siya noong naghihiwa ng karne. Kinindatan niya lang ako.
"Di naman ako gutom, di naman ako libog - so OK lang"
"Sky!" sigaw nito.
"Mamaya, isang episode na lang"
"Kanina mo pa yan sinasabi, isang episode daw pero nakailang season ka na"
"Alam mo ewan ko kung boyfriend kita o Nanay kita. Such a nagger"
"Ang kulit mo kasi, para kang bata"
"Bata naman talaga ako ah, ikaw lang naman kasi itong nasa mid-40's na"
"Gago"
Tinawanan ko lang siya.
"Kung ayaw mo maligo, tulungan mo na lang ako sa paghihiwa ng ingredients para matapos na ito. Kahit yang sibuyas lang"
"Ayoko nga, idea mo yan eh. Tapusin mo, walang call a friend"
"Bwisit ka talaga eh noh, napaka-tamad mo. Baka gusto mong i-fillet yung isda total may knives skill ka naman"
Napa-isip ako dun sa sinabi niya. May surgery kasi kami ulit bukas kaya pwedeng pag-practice'n yun.
"Tatayo ka lang ba diyan?"
"Eto na po your majesty, pupunta na po"
Pumunta ako dun sa sink at hinarap yung isda.
"Pwede ko bang gamitan ito ng 10-blade?"
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomanceIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...