Quence's Point of View
Maybe it is true. Mabilis ang takbo ng oras kapag masaya ka, pero mabagal ang pagpatak ng oras kapag naghihintay ka. Parang ang tagal-tagal bago magsummer.
Mas madalas na namin ngayong nakakasama si Dane sa tuwing kakain kami ni Chloe. I always keep silent whenever he is with us, hindi naman iyon napapansin ni Chloe dahil buong atensyon niya ay nakatuon kay Dane. Minsan humahanap na lang ako ng alibi para hindi sa kanila makasabay.
Tapos na ang basketball tournament nila Dane kaya mas marami na ang panahon niya kay Chloe kesa noon na nagkikita lang sila tuwing weekends.
Pero minsan naman hindi talaga ako nakakalusot sa kanila kaya kahit ayaw ko, napipilitan na lang din akong sumabay sa kanila.
"Sino partner mo sa prom night?" Sundot sa akin ni Chloe kaya napaiktad naman ako at agad siyang nilingon.
She's beaming. Tiniklop ko ang hawak na libro at humarap sa kaniya.
"Hindi ko pa alam. Bakit? Nag-release na ba ng partners for the prom?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.
Imposible naman na magkaroon agad ng partner gayong kaka-announce lang kahapon na magkakaroon ng prom night. All the Grade-12 students are required to attend the prom night, kaya paniguradong naroon din si Dane at kahit ayaw kong pumunta kinakailangan ko pa ring dumalo.
Sumandal siya sa pader at tiniklop na lang din ang hawak na libro.
"Hindi pa rin. Pero sabi ni ma'am Sanchez pwede raw na tayo ang pumili ng magiging partner natin. ‘Yong mga walang mahanap na partner ‘yong hahanapan ng mga teachers."
"Parang ang unfair naman no’n." Mahina kong bulong. Baka may makarinig sa pagrereklamo ko.
"Unfair ba? Hindi naman. They are just being fair, they're giving us an opportunity to choose our partners during the prom. ‘Di ba? Kesa naman i-partner sayo iyong taong ayaw mong makapartner." She even laughed.
Tiningnan ko siya bago humugot ng panibagong libro. Fair. Fair para sa kaniya na may gustong makapartner dahil may boyfriend.
"Pero Quen." Kinalabit niya ang balikat ko pero hindi ko na siya tinapunan ng tingin.
"Hoy Quen."
"Ano?"
Humagikhik siya kasabay ng pagsundot muli sa tagiliran ko.
"Mukhang gusto kang yayain ni Adrian na makapartner."
Muli na naman siyang humagikhik at mapang-asar na sinundot muli ang aking tagiliran.
"Feeling ko talaga gusto ka no’n. Nahihiya lang sayo." Aniya.
I tsked. "Tinatablan pa ba ng hiya ang babaerong ‘yon?"
She laughed from that. Buti na lang talaga hindi kami naririnig ng librarian kung hindi mapapagalitan kaming pareho dahil sa kakatawa niya.
"Ang harsh mo." Kumento niya. "Malay mo magbago ng dahil sayo."
I groaned in frustration and wave my hands as if disregarding what she's saying.
"Ang gwapo kaya ni Adrian." Hindi patitinag niyang pangungulit.
"And he's a varsity player also. Ang daming nagkakagusto ro’n."
"Oh? Tapos?" Walang-gana kong saad at hindi pa rin siya tinitingnan.
Ibinalik ko ulit ang libro sa pinagkunan ko at naglakad palayo sa kaniya para maghanap ng panibago. Iyong magugustuhan ko.
"Ayaw mo talaga sa kaniya?"
BINABASA MO ANG
Say No And I'll Kiss You [COMPLETED]
FanfictionSomeone caught her in a trap to be played? Or someone is trying to trap her to be loved by her?