Cute Love Story (One Shot)

1K 20 6
                                    

*********

Ang gwapo niya talaga. Kahit saang anggulo ko siya titigan ang gwapo niya pa rin. Ang ganda ng ngiti niya. Tapos ang ganda rin ng singkit niyang mata. Haaay! Kailan niya kaya ako mapapansin? 

"Kate! Kanina pa tunaw si Dustin. Itigil mo na nga yang pagpapantasya kay Dustin." suway sa akin ni Meg. Ilang beses niya na yang sinasabi sa akin pero kahit anong gawin ko hindi ko mapigilan yung sarili ko sa pagtingin sa kanya na kahit alam kong wala naman akong pag-asa. :'(

"Meg, kailan niya kaya ako mapapansin?" grabe desperada na talaga akong makuha si Dustin.

"Sumali ka sa mga school-based contest. Tapos kapag nanalo ka iaannounce sa buong school tapos mapapansin ka na niya sisikat ka pa!" may point naman dun si Meg. 

********

Pagkadating ko sa school ang daming students ang nagkukumpulan sa may bulletin board. Syempre dahil sa curiosity ppumunta rin ako doon. Umamin ganyan rin naman ginagawa niyo eh XD. So, nakipagsiksikan nga ako pero epic fail hindi ako makasingit. Ang lalaki naman kasi ng nasa harapan ko.

Lumayo na lang ako at nagtanong dun sa babae na kakaalis lang sa kumpulan. Siya yung babae sa katabi naming room. Maganda siya kumpara sa akin. Bakit ko naman kinukumpara sarili ko sa kanya eh hindi naman yun ang pakay ko eh. So ayun nga lumapit na ako sa kanya at nagtanong.

"Hey! Anong meron dun?" sabay tingin dun sa kumpulan. Ngumiti siya sa akin tapos nagsalita siya.   "May singing contest sa friday. Gusto mong sumali?" tanong niya. Napaisip naman ako dun tapos bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Meg kahapon. Tumango ako sa kanya tapos ngumiti na naman siya sabay sabing "Galingan mo ah. Papanuorin kita. Teka nga pala ano name mo? I'm Cindy!" 

"Ah Kate. Nice to meet you!" tapos umalis na siya.

Pagkatapos nun dumiretso na ako sa room at baka malate pa ako. Habang naglalakad ako sa hallway pasimple akong sumilip sa room ni Dustin. Nilibot ko yung mata ko para hanapin si Dustin kaso wala siya kaya pumunta na lang ako sa room namin. Pagkapasok ko ang ingay ng mga classmates ko. Pinag-uusapan nila yung about dun ss singing contest. Ewan ko ba parang kinakabahan akong sumali. Hindi naman ako mahilig sa mga ganyang contest eh. Pero kung para mapansin lang ako ni Dustin gagawin ko lahat. Desperada much? 

*******

"Meg! Anong magandang kantahin para sa contest?" kausap ko ngayon si Meg sa phone. Tinatamad kasi akong pumunta sa bahay nila kaya tumawag na lang ako. Wednesday ngayon at wala kaming pasok kasi may seminar yung mga teachers.

"Ewan fo bestplen. Ikaw dapat ang mamili kasi ikaw ang kakanta. Sige na bestplen aalis pa kami ni mama eh. Bye!" tapos binabaan niya na ako. 

Humiga ako sa kama ko at nagpagulong-gulong na parang tanga lang. Ano kayang magandang kantahin? Bumaba na lang ako kasi nagugutom na ako eh. Naabutan ko si mama na nanonood ng tv. Dumiretso ako sa kusina at tinignan yung ref kung meron mang pwedeng kainin. Kumuha na lang ako ng cookies sa loob tapos umakyat ulit sa kwarto ko. 

Lagi akong nagpapapansin sa kay Dustin. Sinadya ko pa ngang ihulog yung books ko para lang pulutin niya kaso iba ang tumulong sa akin. Tapos sinadya ko ring madapa kaso wa epek pa rin. Ang dami ko ng ginawang pagpapapansin sa kanya. Lagi na lang akong umiiyak tuwing gabi dahil lang sa kanya. Hindi na nga ata crush ang tawag dito sa nararamdaman ko eh. Baka nga mahal ko na talaga siya. 

Tumayo na lang ako at kinuha yung gitara ko. May naisip na kasi akong kanta eh. Dinededicate ko ito kay Dustin. Nagpractice lang ako ng nagpractice hanggang sa napagod na ako kaya itinigil ko na. Sana maganda ang kinalabasan ng performance ko sa friday. Sana nga.

Cute Love Story (One Shot)Where stories live. Discover now