Napakasayang pagmasdan ang dalawang adultong nagmamahalan.
Magkahawak ang kamay at naglalakad sa gilid ng kalsada.
Nagtatawanan at kitang kita sa kanilang mga mata na punong puno ang mga puso nila ng pagmamahalan.
Walang nangyari sa gilid ng kalsada. Hindi sila naaksidente at sabay namatay na parang sa mga pelikula. Bagkus, nakarating sila nang maayos sa destinasyon nila- ang paborito nilang parke sa aming lugar.
Maraming tao sa paligid. Karamihan ay mga mag kasintahan. Dumiretso agad ang dalawa sa nag titinda ng fishball. Bumili, umupo, kumain, nagkuwentuhan at nagtawanan.
Padilim na ang langit, hindi dahil mag gagabi na kundi uulan na. Isa lang ang masisilungan sa parke, doon yon sa malaking puno na naka pwesto sa gitna.
Nagtakbuhan lahat doon. Ngunit dahil sa lakas ng ulan, hindi rin kinaya ng puno na linungan ang lahat. Sabay sabay ang lahat sa pagtawa. Sabay sabay rin silang nagpakabasa.
Napakasaya nilang tingnan, ang saya saya. Kung araw-araw lang na ganito ang nararamdaman ng bawat tao, tiyak, walang gulo sa mundo.
Kalahating oras ang lumipas, at tumigil na rin ang malakas na ulan. Sabay sabay ring nag uwian ang lahat. Basang- basa ang kasuotan ng magkasintahan, tumatakbo na dapat sila pauwi upang maligo agad para hindi magkasakit, ngunit ayaw nilang pabilisin ang mga oras na magkasama sila.
Napangiti ako at napatawa. Nadulas kasi yung babae. Pareho lang silang tumatawa sa harap ko at napatigil na rin ako sa paglalakad, habang inaalalayan ng lalaki ang nobya niya, napatingin siya sa akin at bigla niyang binanggit ang pangalan ko. Patanong nung una, pero sigurado na siya nung pangalawa. Sumigaw pa siya nung pangatlo, saka hinawakan ang braso ko nung pang- apat. Gulat na gulat ako dahil hindi ko naman siya kilala. Tiningnan ko ang kasintahan niya, ngunit hindi ko na ito maaninag, nandilim ang paningin ko at unti- unti akong nahilo, ramdam ko din ang unti- unting paghinto ng tibok ng puso ko, at tuluyan akong nawalan nang malay.
"Eumee gising! Eumee!!" Napa dilat ang mga mata ko sa sigaw ni Papa.
Ano? Si Papa yung nasa panaginip ko? Napatingin ako kay papa nang may pagtataka, sa pag aakalang ang gumigising sa akin ay yung makakatuluyan ko na, kaso hindi naman pala.
Napabuntong hininga ako.
"Oh bakit napabuntong hininga ka, akala mo yung crush mo yung gumigising sayo no?" Pagloloko ni Papa sa akin.
"Pa ano ba! Hindi kaya." Sagot ko.
"Bumangon ka na jan at mahuhuli ka na naman sa klase mo, hintayin na kita sa kusina." Utos ni Papa.
Nag ayos na ako, at dumiretso na sa kusina. Si Papa lang yung nakaupo sa kusina, kaya nagtataka ako.
"Pa bakit asan na si Mama? Hindi siya sasabay sa atin?" Umupo ako sa tabi ni papa saka sumandok ng kanin, kaso nakatingin lang sa akin si Papa.
Kaya napatanong na ako,
"Ah Pa, bakit po?" Niyakap lang ako ni Papa at umiiyak siya.
At sa mga oras na yan, bumalik lahat ng sakit na pinagdaanan namin ni Papa.
Bata pa ako non, nang magkakasama kami nila Mama at Papa na pumunta sa paborito naming parke. Basang- basa kaming umuwi non. Habang naglalakad sa gilid ng kalsada, habang hawak ang kamay ni Mama at nasa likuran naman si Papa, tinapon ko yung headband na sinuot ni Mama. Tumatawa lang silang dalawa non, nang biglang nasagi si Mama ng isang napakabilis na truck habang pinupulot yung headband ko.
Nakita ko lahat ng pangyayari, ganun din si Papa. Nakayakap lang ako kay Papa non, pareho kaming humahagulgol sa pag iyak dahil sa nangyari. Naitakbo pa sa ospital si Mama, pero ilang minuto lang ang tinagal niya, habang hawak ang kamay niya, nasaksihan namin ni Papa ang huling hininga ni Mama.
Labin- dalawang taon na rin ang nakalipas, pero ngayon ko lang ulit naalala ang mga pangyayaring yon. Humihingi ako ng tawad kay Papa dahil natanong ko sa kaniya si Mama, pero ayos lang daw, dahil ang mahalaga, ay nakakaalala na ako.
Dahil sa trauma, ayon kay Papa, wala ni isang araw na hindi ko binanggit si Mama, at ayon sa mga doktor, pansamantalang nabura si Mama sa isip ko, at dahil sa isang panaginip, nanumbalik ang lahat.Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni Mama, pero sabi ni Papa, hindi daw tama iyon, pero kung ganon daw ang nararamdaman ko, hinding hindi niya daw ako papatawarin. Kaya humingi na lang ako ng tawad kay Papa. Ang mahalaga ay ayos na ang lahat.
Kasabay ng sakit na pinagdaanan namin ni Papa dati, nakatanim pa rin sa puso't isip namin ang masasayang ala- ala na kasama namin si Mama. Hindi namin pinagsisisihan yung mga panahong nagugol kasama siya.
Masaya man, masakit man, mapagbiro ang buhay. Pero wala kaming magagawa ni Papa kundi tanggapin ang lahat. Nadurog man nang pansamantala sa akin ang lahat ng mga alaala ni Mama, masaya ako dahil muli naman itong pinagtagpi- tagpi ng pusong kailanman hindi makakalimot.
Hindi natin alam ang mga susunod na mangyayari, pero kumbinsido kami ni Papa, na darating ang araw, magiging maligaya ulit kami.
Alaalang Pansamantalang Nadurog
YOU ARE READING
My Memories Mom
Random"If ever one day I'll disappear and can't longer utter any other words, don't forget me."