SIMULA

52 7 1
                                    

@ItsMeNanaKun

(a-love-for-a-human)

Written by: Jacinth_523

############################################################

pagtyagaan niyo nalang ang mga maling typo ko at grammar at spelling narin..
maraming salamat :D

############################################################

--------->prologue<----------

Palagi nalang akong nagtitiis.....

palagi ko nalang iniinda ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.....

tinatago hanggang sa maging sugat na ito na kailan man hindi na muling gagaling.....

palagi nalang akong nagpapasensya at umiintindi sa kanila, huwag lamang sila magalit sakin.....

ang hangad ko lang naman ay magkaroon ng isang magmamahal sa akin ng totoo.....

isang tao na tanggap ako at handa akong mahalin sa kung ano ako at hindi sa kung meron ako.....

Isang taong mamahalin ko panghabang buhay.......

At ako si xyla, isang di kapani-paniwalang pangyayari ang nangyari sa akin......

Naging isang multo ako at nagkagusto ako sa isang tao.....

############################################################

++++++++++

Mabilis akong tumatakbo papunta sa kotseng sinasakyan ng aking daddy

Nang makarating ako dito, agad-agad akong sumakay sa front seat at pinagpapatyag ko ang aking paa dahil sa excited na akong makita ang mommy ko

"faster! faster! we need to hurry up! mommy is waiting for us!!!" sigaw ko

Napangiti nalang si daddy at ginulo ang buhok ko

"ok ok, here we go"

At pinaandar na ni daddy ang sasakyan. Nang makarating kami sa airport, ipinark na ni daddy ang kotse at agad naman akong lumabas

"daddy hurry up! i want to see mommy!"

hindi na ako makapaghintay. gustong-gusto ko nang makita si mommy.

"ok baby " sabi ni daddy at hinawakan na ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa loob ng airport

Hindi pa kami nakakapasok ng tuluyan nang madatnan namin ang loob na parang mga hinde mapakali ang mga tao roon

binitawan ni daddy ang kamay ko at lumuhod ito sa harap ko

"stay here lois, i will look for your mommy" sabi ni daddy at tumayo na ito

Nag nod nalang ako

Tinalikuran na ako ni daddy at naglakad na ito papasok. Gusto ko sanang sumama pero mas pinili ko nalang maiwan dito.

Ilang minuto rin ang nakalipas ng makaramdam ako ng kaba. Ang tagal ni daddy.

Hindi na talaga ako makapaghintay kaya naglakad na ako papasok sa loob ng airport

Naglalakad lang ako nun ng may marinig akong sumisigaw at umiiyak. Rinig na rinig din mula dito sa loob ang siren ng ambulansya.

medyo nagtataka na ako. Bakit ang daming taong nagkakagulo?

May ilan ding taong nabubunggo ako pero hindi ako napapansin. Nang makarating ako sa bandang kalagitnaan ng may matanaw akong nakalinyang mga itim na bag

DIFFERENT LOVE (A_Love_For_A_Human)Where stories live. Discover now