First Part of the Last Chapter
After this will be the last chapter..
First Part of the Last Chapter
Trish
Nagulat ako sa nakita ko. I didn't expect that he is Liam. Napatakip ako sa bibig ko. This is very unexpected.
"Liam?" that's the only word I can manage to say. Shocked pa din ako sa nalaman ko.
"T-this is me.." he said. Why he stammered? I felt like.. he is uneasy with his words. Nag-drive na lang s'ya and before I knew it nasa tapat na kami ng isang private hospital.
Hawak hawak ni Liam ang kamay ko. He hold my hand as if I was a fragile thing. "So.. its you. Ikaw din ba ang tumawag sa Papa ko?" I asked. Nasa tapat na kami ng elevator. Tumingin naman s'ya sa akin at iniwas din ang tingin.
"Yes.." he said calmly. Unlike kanina, kalmado na s'ya ngayon. I don't know what is running in his mind or what's bugging him. The only I know is that I should thank him for helping me.. for helping my family.
Pagkarating namin sa harap ng room namin. I heard different noises as in maririnig mo ang boses nilang lahat. I was very sure na si Steph ay nasa loob. I mean boses n'ya ang nangunguna sa kaingayan. Sinusundan ni Carl na pangalawa sa maingay. Tapos si Kurt. Maybe nandun din si Dominique.
"What happened to him?" I asked Liam. He just shrugged his shoulder. Napagdesisyunan kong buksan ang pinto.
***
Terrence
"What the hell did you do? Pinalabas n'yo akong nag-suicide? Ano ako timang?!" nanggigil ba sabi ko sa mga kaibigan ko.
Tawanan pa din sila ng tawanan, ako naman ay naiinis sa ginagawa nila. Nakahiga pa din ako dito sa hospital bed, masyadong napuruhan ako sa suntok ng kapatid ni freak. Ni hindi man lang ako lumaban. Bakit nga ba ako hindi lumaban?!
Nagbibiro lang ako, alam ko na deserve ko naman yung bawat suntok na 'yun.
"Ano na namang nangyari sa'yo bro?" tanong sa akin ni Carl. Napansin n'ya na naman ang pagbabago ko ng mood. Piniit ko na lang ngumiti kahit pilit. Ayaw kong maging miserable ako sa paningin nila..
"Sino may pakana nun?" tanong ko sa kanilang apat. Nagtataka din ako kung bakit nandito yung blonde na best friend kuno ni freak.
"Kurt!" sabay sabay nilang turo. Nakita n'ya ang pagsama ng tingin ko kaya bago pa ako makapagsalita ay nagsalita s'ya, "Oy Terrence! Hindi ako si Carl!" tinuro n'ya si Carl.
"Hoy Kurt! Hindi naman si Carl!" nagulat kami noong sumingit sa usapan namin si blonde. "Oh kitams?! S'ya na yung nagsabi. So ikaw nga Kurt?! Eh kung ikaw kaya yung minurder ko dito?!" pananakot ko kanya sabay hawak sa kutsilyo na pinambalat ng mansanas kanina.
"W-walang ganyanan bro! Bawal magbiro ng ganyan!" natatakot sabi n'ya. Paatras s'ya ng paatras sa kinatatayuan n'ya. Hanggang nagtawanan na yung mga loko. Kahit papaano naiibsan ang lungkot ko ngayon, kahit sa pagkakataon na 'to.. nararamdaman ko na hindi ako nag-iisa.. na hindi nila ako iiwanan.
"Salamat mga bro ah.." tila nabingi sila sa sinabi ko.
"Weh? Ikaw nagpapasalamat?! Magpamisa na tayo mga dude!" sabi ni Kurt. Nakuha naman s'ya sa tingin, "Gago! Aanhin mo pa yung pagsasamahan natin ng ilang taon kung hindi ka namin tutulungan?" sabi n'ya ng seryoso.
"Oo nga bro.. hindi ka naman namin iiwanan. Kahit ano pa 'yan. Basta huwag mo lang itutuloy yung plano namin na mag-suicide ka..hahahaha!" tawa ng tawa si Carl. Hinawakan ko naman ang baso sa tabi ko para matahimik s'ya.
"Pero hindi ko pa rin matanggap na nag-back out si Russel sa grupo. He quit." sabi ko sa kanila. Lahat sila ay nagulat, wala pa kasing nakakaalam sa balitang 'to.
"Ano?!" tanong nila ng sabay sabay. Ako din ay nagulat sa desisyon n'ya.
"Bakit hindi namin alam?! Walang iwanan diba?!" gulat ang naramdaman nilang lahat. Wala kasi silang alam. Tumahimik naman sila at ipapaliwanag ko kung bakit.
"He decided to quit last week pa. Dad don't want his resignation. Pero anong magagawa natin kahit naman idemanda ni dad si Russel wala namang magagawa si dad kasi patapos na yung kontrata natin. Russel said that he would like to gave his time on something... to someone.."
"Something and someone? At sino 'yun?!" tanong naman ni Carl.
"Trish." lahat kami ay napalingon kay Dominique na bihira lang magsalita. "Don't stare at me as if you don't see the obvious." sabi n'ya at nilagay ang kamay sa bulsa.
Lahat sila ay natahimik.. even me. I can't manage to talk. He's right..of all the people, si Russel pa ang nakalaban ko. Hindi naman as in na kalaban na literal but something related to Trish.
I remember the last time we had talked.
"I'm not densed Terrence. Alam kong mahal mo si Trish.." aangal pa sana ako noong dugtungan n'ya ang sinabi n'ya.
"I don't want to be unfair to you. Pero sana may the best man win na lang. Don't hesitate na magparaya dahil lang sa akin. I know we've been friends for a long time bro. But sana, gawin mo din yung best mo. Mas matatanggap ko pa ang pagkatalo ko diba?"
Paano pa ako lalaban kung alam ko na sa huli na ako pa din ang talo.. She said na hindi n'ya na ako mapapatawad but I'm still hoping for an ample amount of chance na mapapatawad n'ya din ako someday. Na someday magiging maayos din ang lahat.
"Pustahan dadating si Master?! Hahaha! Tinawagan n'ya ako kanina and matatawa kayo sa reaksyon n'ya... dude!" tawag sa akin ni Carl, "Nag-aalala pa din sa'y——"
Bumukas ang pinto at nagulat kaming lahat kay freak.
"So pinapunta n'yo ako dito para makita kung paano s'yang tuwang tuwa dahil pinagpupustahan n'yo 'ko?!" seryosong sabi n'ya. Kaming lahat ay nabigla.. lahat sila ay tumikom ang dila. Natakot silang lahat dahil sa nanginginig na boses ni freak..mukha na naman s'yang maiiyak.
"At ikaw Steph! Isa ka din ba sa nagplano tungkol sa lecheng set-up na 'to?!" galit s'ya at nararamdaman ko 'yon.
"Let me explain Trish—" sinubukan na lumapit ni blonde sa kaibigan n'ya. Pero lumayo si freak kanya.
"Pwede ba Steph! Anong ipapaliwanag mo?! You are laughing with them! Rinig na rinig ko 'yun!"
"Huwag mo silang idamay sa galit mo." sabi ko. Nakuha ko naman ang atensyon n'ya. Lahat sila ay nakatingin sa akin, "They don't have the intention para pagtripan ka. So please..don't get mad at them." pinilit kong umupo ng maayos sa kama.
"Hindi ako galit sa kanila. I was saying na galit ako dahil pinag-alala mo 'ko. Na galit ako dahil hindi ako pumasok para puntahan at i-check kung okay ka. Galit ako dahil hindi ko ini-expect na ganito ang madaratnan ko. At ang huli, galit ako dahil nagsisisi ako kung bakit pa ako pumunta dito.." and right there bumagsak yung luha n'ya. Gusto ko s'yang lapitan but I wasn't able to stand. Tumalikod s'ya sa amin, tahimik lang ang mga kasama namin sa kwarto.
"Trish.. look..I'm sorry. It's not our intention na pagtripan ka. They do this for us to talk." hirap na hirap ako sa sitwasyon ko ngayon. Anytime nararamdaman ko na mas sumasakit pa yung nararamdaman ko. Nakita ko na naman s'yang umiiyak ng dahil sa akin. Ng dahil na naman sa kagagawan ko.
Wala ba akong karapatan para sumaya?
"I was concerned on you then pagpunta ko makikita ko na gan'yan kayo..at nakuha n'yo pa talagang pagpustahan ako. Ang galing grabe.." nakita kong itinaas n'ya ang mga kamay n'ya. Pinahid n'ya yung luha n'ya gamit ang likod ng kamay n'ya.
"Ganito na ba ako kasama kaya lahat na lang ng bagay na makakasakit sa akin ay ginagawa n'yo? W-wala akong kasalanan sa inyo.."
Hinawakan ni Russel yung braso n'ya, "Aalis na ko. So please get off your hands on me."
Lahat na lang ng sakit nararamdaman ko ngayon. Mas dumoble sa pagkakataon na 'to. Lahat ginawa ng mga kaibigan ko para magkita at magkausap kaming dalawa kaso ganito ang nangyari.
Mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko noong nagsalita s'ya.
"I hate lies that's why I hate you Terrence. Anyways, good riddance." tumalikod s'ya at umalis na sa kwarto na 'to.
Akala ko magkakaayos kami ngayon. I only assume that is why I'm really hurt right now.
Never assume so you'll not get disappointed..freak, magkakaayos pa ba tayo?
Itutuloy...
—
Last Chapter na yung next! Follow me here kasi naka-restrict po ang epilogue. Nagawa ko na prologue ng book 2! After epilogue ko na lang i-aanounce.Ulet ulet lang. May mga tange tange kasi jan. Hahahaha!
Next update: Saturday