Chapter 19

18 5 0
                                    

Isha Karmela Montes

"Ishka tara na kasi" iritang sabi ni kc habang hatak hatak ang aking kamay

Nagkayayaan kasi ang mga kaibigan ko na pumunta ng elementary building para makita namin si ralph na nagtuturo sa mga bata. Support ko na rin daw

Hindi naman dahil sa ayaw ko dahil sa nahihiya ako, pero ayoko lang na maistorbo siya o matigil siya sa pagtuturo kapag nakita niya kami

"Don't tell nahihiya ka pa rin ishka? For damn sake girl it's been 2 months since he was courting you dapat at masanay ka na"

Yeah it's been two months. Sa dalawang buwan na nagdaan marami rami na akong naging araw at oras para mag isip, pero hanggan ngayon wala pa rin akong matinong desisyon

Hindi ko naman kailangan magmadali diba? Ano naman ngayon kung 2 months na siyang nanliligaw? Well it doesn't matter to me and importante ay maging tama ang desisyon ko at hindi lang basta mapunta sa wala

At isa pa sayang naman ang effort ni ralph kung magpapadalos dalos ako

"Hindi ako nahihiya, ayoko lang ma interrupt si ralph"

"Yieeee!" Hiyawan ni kc at jasmin pati na rin si berto

Umiling na lang ako at nauna ng naglakad patungo sa hallway kung saan ang room na pinagtuturuan ni ralph

"Okay class we will having a recitation today"

"Ahhh! Sir why?"

Sa bandang likod ng room ay sumilip ako sa bintana para hindi ako makita ni ralph, ang sarap makita na nagtuturo si ralph sa mga bata at kung paano siya galangin mga ito

"Okay. What is the equivalent of Pi!"

Agad namang nagtaasan ng kamay ang mga estudyante kasama ang pagsigaw ng pangalan niya, samantalang ang iba naman ay nagtatalon

Napangiti na lang ako ng makita na tumawa si ralph dahil sa pinakita ng kaniyang mga estudyante

"Uy kunwari ayaw pa pero ang totoo gustong gusto... ikaw ishka ah" pang asar sa akin ni kc

Habang si jasmin naman ay gumigiling giling parang binudburan ng asin

Umayos ako ng tayo at kunwaring pinagpagan ang aking palda
"Syempre sinilip ko lang, curious lang ako sa ginagawa niya.. para kapag tayo na ang mag S.T ay alam ko na ang gagawin"

Kc's mouth turn to a big O at sabay irap sa akin, kaya naman hinampas ko siya sa balikat pero sa hindi ko sinasadya ay napalakas ang hampas ko rito, kaya napadaing siya at hinamas himas ito

"Sir! May tao po sa labas!"

Sigaw ng batang babae mula sa silid na nag papanic sa aming tatlo, pero bago pa kami makaalis ay lumabas na si ralph sa pintuan

Nung una ay kunot ang noo nito, pero ng makita niya na kami yun at biglang umaliwalas ang mukha niya

Ngumiti siya sa akin at pinasok niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang slacks, sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa

Agad namang tumambol ang puso at hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya mata dahil sa mapanukso niyang ngiti

Ang dalawa ko namang kaibigan ay tinutusok ang likod ko
"Isha lumapit ka na"

Pero bago pa ko magkusa ay tinulak nila ako papalapit kay ralph, ang buong akala ko ay madadapa ako pero bumagsak ako sa dibdib ni ralph

Binalot ng pabango niya ang aking ilong, napapikit na lang ako sa sobrang bango niya

Natauhan lang ako ng hawakan niya ang bewang ko para alalayan akong makatayo ng diretso

Narinig kong naghiyawan si kc at jasmin at mukhang nag apir pa ang dalawa pero hindi na ako nagabalang lingunin sila

My FateWhere stories live. Discover now