CHAPTER 2 The Mania

299 4 0
  • Dedicated kay Raymond Abracosa
                                    

*FLASHBACK*

Three Years Ago

[SUPERSTAR by TS]

September 18, 2010 (Saturday)

Internet Cafe

SHAMY's POV

First anniversary ng fans club namin ngayon kaya abalang-abala ako sa pag po-post at pag u-update nitong fanpage para sa aking sikat at gwapong idol! Ako kaya ang head admin ng page nato noh, haha.

Sobrang idol ko talaga siya kaya ginagawa ko ang lahat para suportahan sya.

Lahat ng mga stuffs na related sa kanya binibili ko, kagaya na lamang nang mga whip caps, magazines, t-shirt, albums, ballers at kung ano-ano pa. Lahat din ng kanta niya complete sa music tracks ko at memorize ko lahat hahaha. Diba adik lang no?

Yes may kanta siya pero hindi siya singer kundi pinaka astig na rapper sa buong pilipinas; walang iba kundi si Racky Walfon.

Minsan nga nag iedit ako ng picture namin na kunyare magkatabi kami at pati fansigns niya ine-edit ko rin HAHAHA; kasi nga impossible naman na makita ko siya in person! Pano ba naman taga Visayas ako eh siya taga Luzon! Ang layo ng pagitan diba? Sana maisipan ni Destiny na pagtagpuin kami, we? Hahaha.

Yeah super obsessed ako sa kanya at ginagawa ko ang lahat para suportahan sya.

Naging idol ko siya nung nakita ko ang music video niya sa youtube na umabot sa 3MILLION ang views sa loob lamang nang isang linggo! At ngayon 10M views na ito at increasing pa.

Grabe noh? Daig pa niya ang ibang mga sikat na artist, mainstream talaga. Dahil dyan sumikat siya nang husto, kabila-kabila ang awards na natatanggap nya, ang mga shows di magkaugagang ipa guest sya, halos lahat napahanga niya at isa nako dun.

Kung taga Manila lang nga ako eh sana nakita ko na siya in person, malayo kasi probinsya namin kaya nagtatyaga nalang ako sa mga pictures at video nya.

Siya na ata ang nagpabago sa image ng mga rappers. Minsan kalang kasi makakakita nang gwapong rapper eh wehehe. :P Basta kapag makita mo sya, di mo iisiping rapper sya; artistahin kasi ang looks nya, gwapo kasi eh at isa pa galing sa mayamang pamilya.

Kaya nung sumikat si Racky pumatok na ang hip-hop sa Pilipinas. Kinahuhumalingan na ito at palagi mo naring maririnig sa radyo at TV. Always naring nasa top 20 ang mga rap sa music charts. Daig pa nila ang POP songs eh. Kung sa mga damit pa uso na yan ngayon.

Tapos ang mga sikat na singer may colaboration narin kay Racky, hahaha. Paglabas nga niya marami narin ang mga sumikat na mga rappers.

Pero di lang siya basta-basta rapper, emcee rin siya sa mga rap battles. Sumasali siya sa RBT o Rap Battle Tournament and guess what? Hindi pa siya natatalo! Sobrang galing niya kaya naman maraming humahanga sa kanya.

Kaya ito ako ngayon, patuloy lang sa kakasubay-bay sa kanya. One year narin akong fan niya eh, akala ko nga noon mawawala rin tong nararamdaman ko pero akalain mo umabot pa nang isang taon? Hahaha.

*kriing*

Oh tumunog ang computer at nag pop up ang chat board. Tsk sana nag go offline ako para walang maka disturbo sakin dito oh.

Pagtingin ko kung sino ang nag chat, bigla akong kinabahan. Oh no I'M DEAD!

| eXemplar |

Hon ol ka pala bkit di ka manlang nag msg sakn!

Yan si hon ko. Mike Tyler Pretta ang pangalan niya pero mas kilala siya bilang Miler. Mike+Tyler = Miler, dyan ata nanggaling nickname nya, hehe.

First boyfriend ko sya, at alam nyo three years na kami, tagal na nga namin eh.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon