CHAPTER 3 The Disclosure

215 2 0
                                    

*FIVE MONTHS LATER*

March 08, 2011 (Tuesday)

Fistavili University

SHAMY's POV

Five months narin ang lumipas pero hindi parin kami nagkikibuan ni Miler. Lumipas na ang birthday ni Racky nung December 1; nag Christmas na tapos nag New Year pero wala paring nangyari, di parin kami nakapag-usap. Di naman siya nag initiate na kausapin ako noh!

Siya ang gumawa ng deal kaya siya rin dapat ang tatapos nito, ba't kailangan umabot pa ng ganito katagal? Ang sabi niya magtatampo lang sya! TAMPO lang ba ang tawag dito? Eh feeling ko nga break na kami eh!

Pero sa totoo lang; minsan nag attempt naman ako na lumapit sa kanya kaso bigla nalang sumulpot ang epal na bestfriend nya! Si Crystalene Rosaldo.

Nasa ibang department yang si Crysta bale hindi siya namin classmate kaya di ko siya gaanong kakilala.

Napapansin ko nga na madalas silang magkasama. Parang nagiging close pa sila lalo, AH ganon? Hmnf! Kung malesyosa lang ako iisipin ko na, hmmnf.

Ewan ko pero nabanggit sakin ni Miler na kaklase niya yan simula kinder hanggang high school kaya nga hindi na ako nagtatakang naging BFF's sila, habang kami cool off diba ang saya?

Wala naman sa consequence na magbe-best friend sya! Pero baka kinocomfort lang siya ni Crystalene sa nangyari samin. Diba magkababata nga sila? TAMA! Di niya ako magagawang lokohin!

Nung bumalik kami sa internship pagkatapos ng New Year, laki nang pasalamat ko kasi naging busy na ulit kami, para naman kahit papano, mawala sa isipan ko yong tungkol samin.

Dahil din dun sa internship eh hindi na ako nakapag update sa fanpage ni Racky, syempre dapat ko na munang unahin ang pag-aaral ko no; pero palagi ko namang inaabangan ang appearance and TV guestings niya o kaya naman mga laban niya sa RBT.

Habang tumatagal lalo syang pumupogi hihihi, siya nga ang inspiration ko ngayon eh hahaha. Pero nung christmas vacation, nagkaroon naman ako ng time na makapag-update ng page, kaya lang hindi madalas kasi parati kaming lumalabas ng whole family, alam mo na minsan lang kami nagkakasama kaya perfect bonding time rin to para samin.

Anyways, this friday na pala graduation namin! Tatlong tulog nalang, tantananan magtatapos narin kami sa wakas! Pero bakit ganito? Hindi ako masaya, ahh dahil di na siguro ako nakapag update ng page kaya nalulungkot ako, hay nakakamiss din tignan mukha ni Rackybabe sa fb eh, hahaha.

"Hoy sis! Kanina kapa tulala ah. Di mo na kami pinapansin kanina pa kami nagkekwento ho, hello?"

".........."

Natauhan ako nang bigla akong sinundot ni Glenda ito talaga ang babaeng to.

Ay oo nga pala may kasama pala ako hahaha, tanga lang ang peg? Kasama ko mga friends ko. Sina Meilyn, Vem at Glenda. Dito kami sa canteen, kakatapos lang naming maglunch hehe.

"Iniisip mo ba si Mil/" - Meilyn

Bago pa niya sabihin ang salitang Miler eh tinakpan ko na ang bibig nya.

"Ssshhh. Alam mo namang masama ang nagsasabi ng badwords *wink*."

Sabi ko kay Meilyn hehehe.

"Ahh, o-okey."

Sabi ni Meilyn tapos nag nod lang sya.

"Hoy wag mo ngang inu-uto yang si Meilyn! Ang sabihin mo namimiss mo lang si/" - Vem

"Sige ituloy mo at hindi ako magdadalawang isip na ibaon to sa panes mong bunganga!"

Sabi ko sabay tutok sa kanya nung tinidor.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon