Death Trip ( a vampire tagalog story )

2.3K 16 2
                                    

Hindi masama ang maglakbay ..

Gawin ang kinahihiligan..

at baka ito pa ang magdala sayo tungo sa buhay na pinapangarap mo..

Ngunit lahat nga ba ay nauuwi dito?..

Sabi nga, “There are no shortcuts to any place worth going”, yan ang paniniwala ni Bruce, isang 18 years old teenager, photographer na galing Sampaloc. Well, dati na syang kilala bilang isa sa mga tanyag na geek sa kanyang high school and college days, abnormal daw siya.

Hindi lang dahil kakaiba ang way of communicating nya pero dahil rin daw weird sya at palaging tulala. As in, totally isolated siya from his classmates. Last time na nakita siyang makipagusap ay sa mga kaibigan niya lang. Maglalabing-anim na taon pa lang siya nang mawalan ng kapatid.

Dala ng pagiging matuklasin nitong si Bruce, kung saan saan siya gumagala, mapaSM man o mapaQuiapo, palagi niyang bitbit ang kanyang camera, sayang naman daw kasi ang magagandang sandali ng kanyang buhay.

Pero dahil malapit narin ang bakasyon, naisipan niyang tumambay sa lola niya sa Albay.

“Good views dagdagan mo pa ng clean air? What more can you ask for?” sabi ni Bruce.

Magaalas kwatro palang ng umaga ay naghanda na siya,  he packed up his things and he’s ready to go. Bumisitang saglit sa simbahan at nagdasal at pagkatapos ay lumarga na. Mabilis lang ang naging biyahe ni Bruce at ilang oras lang ay nakarating na siya sa patutunguhan. Pagpasok sa bahay, mano kay lola at higa kaagad sa kama. Tiring nga naman ang biyahe,  he opened his laptop. Dahil may wifi naman sila sa bahay, naginternet sya.

Napansing online na si Joseph, ang matalik niyang kaibigan, vinideo chat niya ito.

“Ui pre!  aga mo ah! Musta na? hindi ako matutuloy sa gala nyo, may iba akong trip, naandito ako ngayon sa Albay kasama lola ko.” sabi ni Bruce.

“Haha! Oks lang yun pare! It’s not bad naman to visit your grandmother once in a while. Nagsleep over nga pala dito ang tropa, eto gising na si Marlan! Eto na siya! Ayiee haha!” sagot ni Joseph.

“Hahaha! Ayiee ka dyan! Kung okay lang, pakausap nga.” sagot ni Bruce.

“No problem pare, eto…” sabi ni Joseph.

“HI BRUCE!! Musta na? daya mo ah, hindi ka nagpakita. Sayang naman ngayon na lang ulit magkakaroon ng reunion ang tropa. Miss you!” sabi ni Marlan.

“Ahahaha! Miss you ka dyan, parang matagal tayong hindi nagkita ah, parang kahapon lang kasama ko kayo. Ay teka lang ah, may nakalimutan lang ako sa sala, Be right back!”  Sagot ni Bruce.

“Sungit! Osha, may paguusapan daw kayo ni Joseph.. Bilisan mo ah.” sagot ni Marlan.

Si Joseph na muli ang pumwestong kakausap kay Bruce, nang pagbalik nito. Nagulat siya

NAKITA NIYANG WALANG ULO ANG KAIBIGAN!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Death Trip ( a vampire tagalog story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon