CHAPTER 16 The Flower

210 2 2
                                    

+KINABUKASAN+

School

SHAMY's POV

"Hi ma'am, teacher kana pala talaga ha di kamanlang nagsabi."

Tanong sakin nung isang teacher. Kalat na pala rito sa school ang tungkol dito?

"Ahh ma'am pasensya na po kahapon ko lang naman kasi nalaman."

Nahiya naman ako.

"Ok lang, congrats hija ha pagbutihin mo ang trabaho mo."

"Thank you po ma'am makakaasa kayo."

Nagsmile ako at naglakad na papunta sa advisory ko. Wow ha advisory ko na talaga? Hahaha nakakatuwa naman.

"Hi ma'am congrats."

Sabi ng teacher na nakasalubong ko. Teka pano ba nila nalaman? Ang bilis naman ng tsismis hehehe.

"Thank you sir."

"Sham, teacher kana talaga ha ang swerte mo congrats."

"Congrats ma'am."

"Congrats ma'am Limatunawa."

"Teacher na talaga, congrats."

"Pagbutihin mo."

"Welcome to the family."

Sabi ng mga teacher na nakakasalubong ko nakaka overwhelmed naman to. Masaya talaga sila para sakin, woah thank you talaga kay ma'am Camilino ah este Brennah pala, hehehe.

Nang nakarating na ako sa room, napansin ko ang pangalan sa pintuan.

WELCOME TO

GRADE 7 ROXAS

Adviser: Ms. Shamia B. Limatunawa

Woah!! Pinalitan na pati ang pangalan? Bakit ganito ka bilis? Akala ko magreresign palang siya pero baka nakapagresign na siya? Siguro nakapasa na siya ng resignation letter noon paman?

"Goodmorning ma'am Limatunawa, it is nice to see you."

Sabi ng mga students nakita nila siguro ako na nakatayo rito sa labas.

At saka nakakatuwa kasi di sila nabulol sa pangalan ko, hehehe.

"Goodmorning too class."

"Ma'am hindi na po ba talaga babalik si ma'am Camilino?"

Alam na talaga nila. Halata sa mukha ng mga bata na nalulungkot sila.

"Uhmm, sa tingin ko hindi na class. Kailangan kasi si ma'am ng family niya kaya dun daw muna ang focus nya."

"Ahai, ma mimiss po namin si ma'am."

Parang nalungkot din ako ahaaii.

"Oo nga class, ako rin."

"Crush ko pa naman si ma'am, may balak pa naman po akong ligawan sya."

Natawa naman kami sa sinabi ng batang lalaki nato, hahaha. Seryoso talaga siya sa pagkasabi hahaha.

"Hay nako asa kapa hahaha!!"

Sabi ng isang student. Buti naman sumaya ulit sila. :)

"Ma'am, nakita ko po tong flowers sa ibabaw ng table nyo kanina, para po ata sa inyo."

Oh may bulaklak para sakin?

"Salamat."

Wow bouquet of flowers ang ganda kanino naman galing to?

Nakita ko na may card, so inopen ko at eto nakalagay.

CONGRATULATIONS Ma'am Shamy :)

From: YE SO CL

Ha? Ang labo naman nito, YE SO CL talaga naglagay pa siya ng from ha.

"Class nakita nyo ba kung sino naglagay nito?"

"Hindi po ma'am eh. Pagdating namin adyadyan na po yan."

Baka galing to sa isang manliligaw ko? Pero hindi ah ang che-cheap ng mga yon at saka di naman nila alam na teacher na ako eh hahaha. Hmnf na cucurious ako pero di bali na nga. Magpapakilala rin to balang araw.

At yon nga nagkwentohan lang kami the whole class. Sabi nila andito naman daw ako kaya di na sila malulungkot hehehe, ang sweeettt naman nila.

Tinanong ko rin sa mga bata kung kanino nila nalaman, eh kahapon ng hapon daw, inanounce ni ma'am principal sa buong school, kaso wala ako dito.

So tama nga ang hinala ko, na matagal na siyang nakapasa ng resignation letter at kahapon lang na aprubahan. Pero kahapon niya lang ako ininterview ahh? O baka naman noon paman sinabi niya na sa kay ma'am principal na pag nagresign siya ako na ang papalit sa kanya? At di niya lang sinabi sakin!? Pero bakit pa siya nag come up ng interview pag ganon!?

Ahai nako si ma'am Brennah talaga napakabait. Tama nga si Steffon, matutulungan niya ako tulad din ng ginawa sa kanya. :-)

Ang saya-saya ko naman oh, teacher na talaga ako, di ko pa nga nasasabi sa family ko kasi nga diba parang di panaman sure yon, pero ngayon confirmed na talaga kaya sasabihin ko na. Sure ako na yayayain akong mag blow out ng mga yon, buti nalang may pera ako dito. Binigay ni Brennah to kahapon, bago ako umalis, hehehe yong sobre naalala nyo? Sahod ko pala nasaloob, hehehe. Ibibigay ko na sana kay nanay to kagabi kaso mas maganda kung good news plus the sahod plus the blow out diba? So pag-uwi ko mamaya, ibibigay ko to sa kanya then yayayain ko buong family na mag dinner sa labas.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon