Chapter 3

841 54 3
                                    

PABLO.

Napailing na lang ako nang talikuran ako ni Alliah. Napikon yata?

"Alliah!" Tawag ko saka sinundan sya. Naupo sya sa bench habang nakatingin sa phone nya. Naupo din ako sa tabi nya.

"Galit ka?" Tanong ko pero umiling sya.

"Bakit ako magagalit? 'Di ako ganun kababaw, no." Tumatawang sabi nya na ikinahinga ko ng maluwag. Akala ko nagalit eh.

"Tara? Kain tayo," aya ko para sumaya na sya. Hinawakan ko ang kamay nya at hinila sya papunta sa tindahan ng hotdog at burger.

"Ayan na naman tayo sa hotdog. 'Di ka ba nagsasawa?" Dinig kong tanong nya kaya natawa lang ako.

"Hindi naman ikaw ang kakain nito, ah. Ayan, burger sayo," sabi ko saka inabot sa kanya yung burger matapos kong magbayad.

"Salamat," sabi nya. Lumapit ako sa kanya at inakbayan sya saka kami pumunta sa may bench sa gilid. Naupo kami roon at nakwentuhan.

We've been friends since elementary days. S'ya yung tipo ng bestfriend na minsan mas lalaki pa sa'kin. Minsan nang-hahagis sya ng gamit kapag may umaaway sa mga taong mahahalaga sa kanya. I must say, I have the most wonderful days mula nang maging bestfriend ko sya.

"Junjun..." Tawag nya kaya napatingin ako sa kanya.

She calls me Junjun at ako naman ay Liah ang tawag sa kanya. Nicknames are cute especially, if the person you are calling is special to you.

She is special to me. Alliah is special to me.

"Bakit? Gusto mo pa?" Tanong ko dahil alam ko kung gaano sya katakaw. Tahimik ako habang inaantay s'yang magsalita.

"Oo, pero may isa lang akong itatanong..." sabi n'ya. Kinagatan ko ang hotdog bago s'ya nilingon.

"Ano?"

"Bakit wala tayong drinks?" Tanong nya na ikinalaglag ng panga ko. Tiningnan ko s'ya gamit ang hindi makapaniwalang ekspres'yon ko.

Nanlalaking mata akong tumingin sa kanya na inosenteng nakatingin sakin. Akala ko naman kung ano na.

Maya-maya lang ay sabay kaming natawa. Ang weird namin, no? Maybe ganito kaming dalawa. Weird creatures.

"Oo nga, no? Hindi ko napansin." Natatawang sabi ko.

"Paano mo mapapansin eh, hotdog lang sapat na sayo?" Tanong nya saka kumagat sa burger nya.

"Bakit ba? I love hotdog. Sandali nga, bibili akong maiinom. Anong gusto mo?" Tanong ko saka humarap sa kanya.

"Coke," sagot nya. Tumango ako at tumuro sa kanya. "D'yan ka lang, ah." Tumango lang sya kaya umikot na ako at naglakad papunta sa bilihan ng maiinom.

"Ate, dalawang coke po," sabi ko saka inabot ang bayad. Nang makuha ko na ang binili ko ay babalik na sana ako kung nasaan si Alliah nang may magsalita.

"Pablo? Ikaw ba 'yan?"

Natigilan ako at 'di agad nakagalaw. Humarap ako ng dahan dahan at agad kumalabog ang puso ko.

"R-reign?" Utal na tanong ko.

Damn! Is it true? Reign Salvador is infront of me. My long time crush? Damn, Pablo. Kalma lang.

"Hi, Pablo! Ikaw nga!" Nakangiting sabi nya na nagpabilis na naman ng tibok nang puso ko.

"Hi... Reign" sabi ko. Hingang malalim, Pablo.

"Ikaw lang mag isa?" Tanong nya habang nakangiti pa din.

I don't know but my mouth automatically answered 'yes' to her.  Ewan ko kung bakit nasabi ko 'yon. Maybe, just to be with her? Maiintindihan naman siguro ni Alliah? Alam nya rin ang tungkol sa pagkagusto ko kay Reign kaya sigurado akong maiintindihan nya.

"Really? Pwede mo 'kong samahan?" Excited na tanong nya na nagpatigil sakin at nagpalakas ng tibok ng puso ko.

"Sure!" Sabi ko saka kami naglakad.

Ite-text ko na lang si Alliah.

"Bakit dalawa 'yung binili mong coke? Sa 'yo lang lahat yan?" Tanong ni Reign habang naglalakad kami.

"Huh? Uhh... uhm..." John Paulo! Umayos ka nga!

"Ayos ka lang?" Mabilis akong tumango sa kanya at inilahad ang isang coke na para sana kay Alliah pero... hindi bale, next time, bibilhan ko na lang sya.

"Sayo na lang," sabi ko na nagpagulat sa kanya.

"Uhh... Hindi ako umiinom n'yan eh. Tubig lang ang iniinom ko," sabi nya kaya napatango-tango ako at binaba yung kamay kong nakalahad.

I guess, kay Alliah ko talaga maibibigay ito.

***

ALLIAH KEITH.

Nasaan na kaya yung hinayupak na yon? Naubos ko na yung burger ko at halos maka-beat na 'ko ng record sa pagpatay ng mga lamok na kumakagat sakin, wala pa sya.

Tinakasan ba nya ko? Lumayas na ba sya? Umuwi na?

Bwisit na Junjun!

Inis kong inayos ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko at tumayo. Uuwi na ko. Bahala na sya.

Kinuha ko ang phone ko para magpasundo kay Kuya Josh. Kahit naman may bike ako, hindi ko alam ang daan pauwi kaya magpapasundo na lang ako. Baka pagalitan pa ako ni Kuya dahil umuwi akong mag isa.

"Hello Liah? Napatawag ka? Pauwi na ba kayo ni Pablo?" Bungad ni Kuya Josh pagkasagot ng tawag.

"Uhh... Kuya, alam kong kasama mo si Ate Roshan pero pwedeng pasundo?"

Si Ate Roshan ang girlfriend ni Kuya Josh. Magkasundo kami ni Ate Roshan pagdating sa ilang bagay. Like fangirling, music and some trend clothing kaya napapairap nalang si Kuya Josh dahil everytime na magkasama kami ni Ate Roshan. He will be ignored. Binabalewala sya ni Ate Roshan. Magtatampo pa 'yon para lang suyuin at lambingin s'ya ni Ate.

"Bakit? Nasaan si Pablo?"

"Uh... Naunang umuwi eh. Sabi ko kasi magse-stay muna ako dito para makapamasyal kaya ayon. Nauna ng umuwi."

Nagsinungaling na naman ako dahil sa 'yong hotdog ka! Nasaan ba kasi sya? Bwisit! Kung alam ko lang na iiwan din pala nya ako, edi sana kela Celine na lang ako sumama.

"Okay. Nasaan ka ba?"

"Amusement park"

"Sige. Papunta na kami ni Ate Roshan mo," sabi nya.

"Salamat, Kuya. Ingat kayo."

Pinatay ko na ang tawag at naglakad palabas ng amusement park. Maliwanag pa nang umalis si Pablo para bumili ng tubig. Madilim na ngayon pero wala pa sya. Imposibleng maligaw sya dahil hindi naman masyadong malaki ang amusement park na ito at isa pa, siya ang nagdala sa akin dito tapos sya ang maliligaw?

Naghintay ako ng ilang minuto kela Kuya Josh at nakita ko na ang kotse na paparating. Umayos ako ng tayo habang papalapit ang kotse.

Huminto ang kotse sa tapat ko at saktong nakita ko ang pigura ng dalawang taong papalabas sa amusement park.

"Alliah!" Napatingin ako kay Ate Roshan nang tawagin nya ko. Lumingon ako kela Pablo at saka pumasok sa backseat kung nasan si Ate Roshan.

Kaya pala iniwan nya ko. May kasama pala s'ya.

Si Reign... 'yung babaeng gustong-gusto n'ya.

-

Edited Version.

HANAHAKI | SB19 Pablo ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon