Hello guys! Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. You know the sembreak. Nagbonding-bonding lang with my family. Then, ngayon grabe tambak ang reports and projects ko. Kaya wala ako masyadong time para magtype at magupdate. Blahblahblah dami ko na atang nasabi haha. Btw, ito na ang update.
~
"Hoy panget! Gising na!" ano ba naman tong si kuya. Inaantok pa ako eh.
"Hmm...inaantok pa ako.."
"Gising na nga sabi eh!" nilakasan niya pa ang yugyog sa katawan ko. Kainis naman tong si kuya. Inaantok pa sabi ako.
"Hmm...kuya naman.." nagtakip ako ng unan.
"Ah, ayaw mo gumising ah.. May bisita ka! Naghihintay pa siya sayo kanina pa!" napatayo agad ako. May bisita? Ako? Sino naman yun?
"K-kuya sino? Sino ang bisita ko?" natataranta na ako. First time ko kasi magkaroon ng bisita na ang aga aga.
"Pfft. Sabi na ba eh! Magigising ka! Haha. Imposible naman na magkabisita ka na ganitong kaaga no. Sino naman sa tingin mo pupunta? Wala, wala kang bisita. Para gumising ka lang.. Tulog mantika! Hahahaha!" nagpout na lang ako.
"Aaaaah! Bwisit ka talaga kuya!" tumakbo na siya. May topak talaga siya minsan eh no. Minsan ang sweet niya sakin tapos ngayon naman inaasar niya ako. Porket gwapo siya. Siya na talaga. Tsk. Abnormal. Bwiset.
Tiningnan ko ang phone ko kung may nagtext, pero wala naman kaya tinignan ko na lang kung anong oras na.. O_O WAAAH! Malalate na ako.. 7:00 na then pasok namin 7:15.
Napagod kasi ako kahapon kaya ayan napasarap sa tulog. 15 minutes na lang!!
Naligo ako ng mabilis, nagbihis at nagayos na din ng mabilis tapos bumaba na. Nandun na sila mama at papa sa dining kumakain. Si kuya umalis na ata. Hindi nga pala alam ni kuya nangyari sa akin kahapon.
"Oh, anak bakit gising ka na? At bakit naka-uniform ka?" nagtatakang tanong sakin ni mama.
Umupo nalang ako. Hays. Masarap pa naman yung mga pagkain. Sayang hindi ako makakakain ng madami.
"Ma, bakit hindi niyo ako ginising? Papasok kaya ako."
"Eh anak, hindi ka na namin ginising dahil alam namin na pagod ka." Sagot ni mama.
Kumain na lang ako ng bread at uminom na ng milk ko.
"Sige na po, alis na po ako. Huwag po kayong magalala okay lang naman po ako." Nagkiss na ako sakanila at nagpaalam. "Bye!"
Tiningnan ko ulit yung oras. Aaaah! 5 minutes na lang. Takbo, lakad ang ginawa ko. Alam ko ngang buhaghag na yung buhok ko eh. Gulo-gulo na kasi. Pero wapakels lang.
Nang makarating na ako sa school, wala ng tao sa labas, nasa room na lahat sila. First time kong malate. Peste.
Nang nasa tapat na ako ng room, huminga muna ako ng malalim at inayos ko muna ang sarili ko. Baka kasi pagtawanan nila ako. You know espeacially girls. Pagbukas ko ng pinto sobrang bilis ng tibok ng puso ko.. kasi naman nakatingin lahat sila sakin at gulat na gulat. Sino bang hindi magugulat nerd ka tapos ang akala ng lahat matalino, masipag, hindi nalalate. Huhu. Kinakabahan talaga ako.
"M-mam so-sorry po. K-kasi po.."
"I don't need your explanation, Ms. Ramirez. Your 10 minutes late! You may go out and go to the detention room NOW!" lumabas na lang ako. First time ko mapagalitan ng teacher dahil late ako, first time ko din mapapapunta sa DR (Detention Room). Napahiya na naman tuloy ako sa mga kaklase ko. Ays.
BINABASA MO ANG
The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]
Fiksi RemajaI am not the typical nerdy girl na sobrang sipag, may braces, may pimples. I'm Princess Ann, not a good girl as you think. What else? Ugly as always. I am not the typical conceited boy na sobrang yabang kulang na lang madala ka ng hangin. I'm Chad R...