Interlude

32 1 0
                                    

                Nomo lang, kaunting hithit at isang shot, siguradong tanggal na yan. Problema mo? Ako na nagsasabi, 100% mawawala. Pero may consequence, bukas andyan na ulet siya. Magpaparamdam, sasaktan ka, paiiyakin, paduduguin; lahat na ng maiisip mong paraan ng pagpaparusa’t pagdudusa. Alam ko iniisip mo ngayon dre, B.I. ako ‘no? Sanayan lang yan tsong. Tignan mo ko, araw-araw may session, daily routine na kung baga. Effective naman eh lalo na kung mabigat ang problema. Tama na nga drama, heto o, shot ka muna. Babae? Minahal? Sandali ah, may tama na ata ako. Tinatanong mo ako kung babae ba ang dahilan? Oo, gusto mo ikwento ko sa’yo? Tamang-tama, ganitong oras ren yun eh. Ala-una ng madaling araw, sa lugar din na ‘to, dito niya ninakaw ang puso ko.

                Mag-isa na lang ako nun, naglalasing sa isang sosyal  na bar sa eastwood, nakayuko sa harap ng sampung bote ng beer at isang ashtray, nang may lumapit sa aking seksing babae. Nanlaki ang mga mata ko, naholdap ako. Nakatutok sa akin ang kanyang mala-monay na kinabukasan na tila gusto kumawala sa masikip niyang pangtaas. Sa dami ng sinabi niya, tanging ang pangalan lamang niya ang natandaan ko. Christina Tia Marie Tequila Godiva J. Cuervo, parang pinaghalo-halong pangalan ng mga alak; nakakalasing, nakakaakit. Niyaya niya ko ng yosi. Umiling ako. Lalo siyang nagpumilit. Umiling uli ako. Sampung beses umikot ang siklo ng suyuan hanggang sa...BOOM. Lumagapak ako, di kinaya ng mga mata. Sumubsob sa mesa’t nakatulog. Pag-mulat ko ng mga mata, nasa ibang mundo na ako.

        Nakahiga sa isang queen size na kama, walang pantaas at nakaboxer lang. Di pa rin ako makatayo, tinamaan nga talaga ako. Nakarinig ako ng yabag ng mga paa. Palapit ito ng palapit. Sumabay ang puso ko, kumabog kabog. Di ko na nga madistinguish kung ano ang naririnig ko. Maya-maya’y bumukas ang pinto at pumasok siya. Isang babaeng nakaputing robe. Lumapit siya sa akin, umupo sa tabi ko. Sinubukan kong tumayo pero di ko nagawa. May hang-over pa rin ako. Inilapat ang mga daliri sa aking noo, bumaba sa aking ilong, sa bibig at nag stop-over sa leeg. Nagdetour sa aking dibdib, nadelay ng matagal, paikot-ikot at bumaba pa. Pababa ng pababa, dahan dahan at ng may pag-iingit. Pinikit ko ang mga mata, inintay ang susunod na mangyayari. Bigla akong nag-init. Naramdaman ko ang pag-lundag ng kama ng ilang ulit. Ang pag-galaw nito at pwersang humahatak sa akin ay constant lang na animo’y kinompute gamit ang pinaghalo-halong teorya’t formula ng gravitational force, normal force at kung ano-ano pang force na nakasaad sa physics book. Pumatak na parang gripo ang mga pawis. Akala ko nga’y malulunod ako sa maalat na tubig mula sa ‘king katawan. Ano na bang nangyayari, tanong ko sa sarili.

        Pag-mulat ko ng mga mata, wala na pala siya sa tabi ko. Nasa ibang lugar na ako. Kung titigna’y parang nasa ibang dimensyon nga eh. Mainit, kulob at ni-bintana wala. Nakarinig ako ng kalabog ng pinto, patak ng mga tubig, pag-sara ng shower, pag-bukas ng pinto at mga paang yumayabag. Bumukas ang ilaw, animo’y nakakita ako ng flash mula sa camera. Panandaliang walang nakita ang ugok na ito at nang bumalik ang paningin, ang kagandahan ng dyosa ng mga alak na bumihag sa aking kanina’y naglalasing na puso ay lalong nag-ningning, lalong naging nakakalasing at nakakapang-akit. Kanina’y konserbatibo pa ang dating pero ngayon…Isa na siyang, paano ko nga ba sasabihin...isang tunay na diwata. Ang kinis ng kanyang balat na parang binabad ng isang taon sa gatas ng kambing at hindi pinaarawan ng isang dekada. Nakahinga na ng maluwag ang kaninang naghihingalong mga anak niya. Inilapit niya ang mukha sa akin. Hinimas ang aking mga pisngi. Mahigit isang minuto rin kaming nagka-eye-to-eye contact at pagkatapos nun...Hinalikan niya ako. Isa, dalawa, tatlo, apat…hindi ko na mabilang kung ilang segundo rin yun tumagal. First time ko kasi kaya siguro nagkaganun ako. Na-energize ako, sumigla at nawala ang hang-over. Para siyang anghel, inalis ang kasalanan ng pag-inom ko ng alak at binigyan ako ng bagong lakas. Tumayo ako. Hinagkan ko siya na parang isang teddy bear. Tinulak niya ako. Tumakbo na parang nagsasabing habulin mo ko. Nasa heaven na ata ako, ayan ang nasa isip ko ng mga oras na iyon, at nakikipaghabulan ako sa isang anghel na walang bahid ng kasalanan sa katawan. Napadpad kami sa kwarto niya uli. Humiga siya sa kama at pinuliputan ang sarili ng kumot na singputi ng sampaguita. Mukha tuloy siyang nagcamouflage. Nilapitan ko siya, humiga sa tabi niya. Hinalikan , ipinikit ko ang mga mata at pagbukas ay…Uhhh…Ehhh…Ano bang nangyari pag-katapos nun? Teka lang, Iisipin ko muna.

                Dre, tagay ka muna. Masyado ka na natutuwa. Kanina ka pa dyan nakanganga. Iniimagine mo siguro ng maigi bawat sinasabi ko. Porke ba detalyadong detalyado ang istorya ko. Wag ka masyadong nag-eenjoy, tignan mo namumula ka na. Sige na, sige na, itutuloy ko na.

Father, I have sinned.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon