Loving you in silence [One-shot story]

75 3 0
  • Dedicated kay Sa lahat ng inlove kay G-Dragon. :">
                                    

 As a promise eto na yung One-shot ko. :)) 

 [Play the video sa right side kung gusto nyo. :P]

----------------------------------------------------------------------------------------------------

"Pots may gusto ka bang puntahan?" Umiling lang sya.. "Eh kainin may gusto ka? bibili ako.." tumango sya at nag sulat sa sketch pad nya..

Binasa ko..

Gusto ko ng ice cream, chocolate flavor \(^O^)/

Ngumiti lang ako.. "Okay, bibili lang ako ha? wait lang.. babalik din ako agad.." Tumango lang sya

Ako nga pala si Andrew Moliva at ang taong gustong mag pabili ng ice cream ay ang taong pinaka mamahal ko, ang girlfriend kong si Jenny Marie Helez..

Para sainyo pano nyo nga ba ang nasusukat ang pag mamahal sainyo ng isang tao? sa pamamagitan ng pag sasabi ng I love you/mahal kita araw araw?

Eh pano kung kahit isang beses hindi nya pa nasasabi sayo ang mga katagang yun? mag sasawa ka ba sa kanya? ako kasi hindi, mag tatatlong taon na kami ng ni Jenny sa isang bwan pero sa loob ng matagal na panahon na yun ni minsan hindi pa nyo ko nasabihan ng Mahal kita..

dahil pipi sya...

Five years ago ng masaksihan nya ang pag patay sa kanyang magulang at kuya.. nag tatago lang sya nun sa cabinet.. kaya siguro na trauma sya, pano ko nalaman? kinwento ng tita nya.. yun na lang daw ang huling kwento ni Jenny sa tita nya, dahil kinabukasan hindi na to nag sasalita.. natakot siguro sa pang yayari..

Pero kahit ganun pa man hindi yun naging dahilan para iwanan ko sya, imbes yun pa ang naging dahilan para manatili ako sa tabi nya...

Hindi ko namalayan na nakarating na agad ako sa bahay nila jenny bitbit ang ice cream na pinapabili nya, inayos ko na yun at pinag lagay sya sa cone.

Nag sulat sya ulit sa sketch pad nya..

Thank you pots! i love you :* :))

"Your welcome, basta para sayo" then I winked at her, ngumiti sya..

Yun lang naman talaga ang gusto kong makita eh yung ngiti nya.. sapat na yun, kahit na hindi ko pa naririnig ang boses nya, ang pag sabi nya sakin kung gaano nya ako kamahal.. nararamdaman ko naman kung ano ang gusto nyang sabihin sakin.

"I love you.." sabi ko sa kanya.. "I love you too.." she mouthed, kahit na walang boses na lumabas sa bibig nya alam kong yun ang sinabi nya.

Maya maya nag sulat ulit sya sa sketch pad nya.. nung natapos sya pinakita nya yun sakin.

Pots, thank you for taking care of me kahit na ganto ako.. hindi makapag salita, i'm sorry kung hindi ko pa nasasabi sayo kung gano kita kahamal :( pero eto ang tatandaan mo ikaw lang ang lalaking mamahalin ko kahit sa kabilang buhay pa yan, ayos ba? :D I love you pots.. till forever ends..

Hindi ko mapigilang lumuha.. ang gay no? tss. masisisi nyo ba ko, ngayon lang ako nakatagpo ng babaeng ganto.. yung babaeng sobrang mahal ako..

She wiped my tears away.. at sumimangot.

"Tears of joy lang to pots, don't worry" sabi ko sa kanya

Patuloy pa din sya sa pag kain ng ice cream, nung natapos na nag hugas na sya ng mukha nya at kamay, ang pasaway parang bata kumain. hehe

"Ayos ba?" tanong ko sa kanya, tumango lang sya ng nakangiti.

"oh pano? uwi na ko ha? gabi na eh kelangan mo ng mag pahinga.." sabi ko sa kanya

Loving you in silence [One-shot story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon