Panaginip [One-shot story]

110 6 4
                                    

Sikat sa larangan ng musika,maayos na estado na pamumuhay,masaya at may matibay na pundasyon na pamilya,ilan lamang yan sa mga bagay na natamo ko sa buhay.

Ang buhay ko ay parang isang gulong na paikot-ikot lamang. Minsan ay nasa ibabaw at kung minsan nama'y nasa ilalim. Minsa'y puno ng kagalakan,kung minsan nama'y puro kapighatian.

Ang buhay ko'y sumasalamin sa mundong baligtaran.

Isang araw,naka-idlip ako sa dressing room pagkatapos ng recording session namin para sa album ko. At sa pagkakatulog ko ay nagkaroon ako ng isang panaginip,panaginip na nakapag-bago sa buhay ko.

"Itay tama na po! Huwag mo pong saktan si Inay!"

Nakarinig ako ng iyak ng isang bata mula sa isang silid. Iyak siya ng iyak dahil sa nakikita niyang pagpapasakit ng kanyang ama sa kaniyang ina.

"Kaunting pera lang ang hinihingi ko sa'yo Berna! Hindi mo pa maibigay!"

Galit na galit na sabi ng lalaki habang patuloy siya sa pananakit sa babaeng tinawag nyang Berna. Ito marahil ang kanyang asawa.

"Waldo,wla tayong pera para tustusan yang mga bisyo mo! Pambayad natin sa kuryente ang natitirang pera sa'kin,tingnan mo nga oh kandila nlang ang nagsisilbing ilawan natin dito sa bhay. Buti nga ay naibenta ko ang natirang gulay na paninda ko at sapat lng yun para makakain tayo ngayong gabi. Wala ka na ngang maibigay na pera para sa pagkain natin kasi wala kang trabaho! Tapos nakukuha mo pang mag-inom,mag-sugal at mambabae?! Uuwi ka lang dito sa bahay kapag walang wala ka na at kapag lasing na lasing ka ?! Anong klaseng tao ka?! Sagot ng asawang babae. Ramdam ko ang galit at pighati ng asawang babae dahil sa nangyayari sa kanilang pamilya. Kasabay pa nito ang paghihirap ng kanyang anak sa piling nilang mag-asawa. Narinig kong muli ang paghagulgol ng bata... Humihingi siya ng tulong sa Diyos. Habang nakikita nyang ang ina nya ay umiiyak rin at may mga pasa na namumuo na sa kanyang buong katawan. Ikinagulat nya ang palapit sa kanya ng kanyang ama na mukhang galit na galit.

"Waldo, huwag mong idamay ang bata! Huwag mong sasaktan ang anak natin! Waldo huwag,maawa ka sa bata! Ako na lang ang saktan mo! Huwag si Anna!" sigaw ng babae. Pero kasalukuyan kong nakikita ang hagupit na natatamo nang naturang bata mula sa kanyang ama. Nakikita ko kung paano siya sinasampal,tinatadyakan,minumura,sinasabunutan at kinukurot ng kanyang ama kahit wala siyang kasalanan sa mga nangyayari sa buhay nila,nakikita ko din na ang kaawa-awa nyang ina ay walang magawa kung hindi ang sumigaw at umiyak. Pero bakit iba ang nakikita ko sa mga mata ng bata? Napawi ang mga luha mula dito at napalitan ito ng galit? Mga matang nagpapahayag ng pagkamuhi at nagnanais ng paghihiganti?

Ang pagtigil nya mula sa pag-iyak ay syang nagpa-inis sa kanyang ama. Dahil siguro inaasahan ng kanyang ama na iiyak sya. Pero hindi.kaya pinagpatuloy pa rin ng kanyang ama ang pagpapasakit sa kanya hanggang mawalan na sya ng malay.

Nang gabing 'yon ay bumaha ng dugo, dugo mula sa mag-asawa. Oo tama kayo ng hinala, namatay ang mag-asawa. Sinaksak ni Waldo si Berna at nabalikan din naman ni Berna ang kanyang asawa bilang ganti.

Ngunit may mas malalang pangyayari pa ang naganap. Nagkaroon ng malaking apoy mula sa kanilang ilawang kandila,apoy na kumalat sa buong tahanan habang ang batang si Anna ay walang malay na lumalapit na sa kanyang katapusan. Gusto kong tumulong,gusto kong may magawa sa nangyayari ngunit nagising ako mula sa pagkaka-idlip. Isa nga lang pala iyong panaginip.

"Mahal ko,hinahanap ka na ni direk."

Sabi sa akin ng kasintahan ko na syang aking tagapagligtas.

"Oo,sige susunod na ako mahal ko."

Bago ako umalis sa dressing room,humarap muna ako sa salamin at tinitigan ang aking sarili. Nakita ko ang peklat sa aking pisngi at hinawakan ito.

"Ito ay dulot ng aking nakaraan na pilit na bumabagabag sa akin sa tuwing ako'y maiidlip,sa tuwing ako'y mamamahinga. Ang aking panaginip na syang nagpapaalala sa aking nakaraan. Ako si Anna Belarda,ang batang nakabangong muli mula sa pagkakalumok. Ang batang nakita ang ilaw mula sa isang madilim na lugar. Nabuhay akong mag-isa at pilit na kinakalimutan ang aking nakaraan sa aking PANAGINIP."

Panaginip [One-shot story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon