Then nagkaron ako ng time para magpuyat kase nga weekends non. Break na din kami ni Drake nun kaya naghahanap ako ng malalandi hahahaha.
May mga groups kase na kasali ako. Basta mga rpi'er lang pwede ron. Bawal don mga dp ay sila talaga ganon. Bawal yon. Basta role player nga e.
So scroll lang ako pababa pag wala na iloload ko para makita ko mga bagong posts hahahaha ganon ako kahayok sa kalandian jusq. Then kung ano anong kadramahan nga pinopost ko that time kase sobrang boring grr.
Ang isa pang nakakainis sa rpw pag lalaki ka dumog ka agad. Mygad magposts kalang sa gp ng "Rs nga." or kaya naman "Girlbesfriend" potek sis trust me pag brp acc mo famous man yan or hindi madudumog yan hahahaha! Ganyan kahamit ang mga babae sa rpw pag lalaki na. Kokonti lang kase ang mga lalaking nagrrp kaya yung iba mas pinipili na magcrp gawa non. Karamihan sa crp ayy mga gamit nilang acc ay brp kase mas dumog.
So back to the topic tayo. Sa kung ano anong ginagawa ko that time sa buhay ko hahahaha.
Nagsscroll lang nga ako non then may isang post na nakapukaw ng atensyon ko, and yun ay yung isang brp nagpost naghahanap sya ng kachat non? So his rp name is Freddie Xanders. Una ngang tingin ko sa Freddie sya na yung kumanta ng anak na si Freddie Aguilar e! Hahahaha chos!
So yon na nga dumog sya non syempre lalaki e ano ba aasahan? Edi malamang dumog hahaha like hello mga fans ganon! Kaya daming mga lalaking nanloloko sa rpw e. At di mo sure kung lalaki ba talaga yon ha halakaaa! Hahahaha!
Makapagpalit ng babae kala mo nagpapalit ng damit, hahaha ano pa bang aasahan mo? E rpw yon malaya kang gawin ang di mo magawang gawin sa realworld. Lahat ng bagay na di mo magawa sa realworld magagawa mo sa rpw. Kase unang una wala namang nakakakilala aa identity mo e diba? Pangalwa walang relatives na makakakita hahaha.
So yon sobrang dami kong sinasabi back to the topic!! Hahaha nagpost nga si Freddie non. Basta winalangya ko yata yon ganon tas sya pumatol sya hahahaha. Hanggang sa nagchat na kami sa isat isa. And syempre sya una. Ayoko nga magfirst move BABAE AKO. Hahahaha tapos non sabi nya dami daw nagchachat sa kanya na ghorls syempre selos agad ako. Gusto ko talaga kasi sa lalaki ako lang. Yung basta ako lang. Ako lang lagi.
Then yon harutan then hanggang sa sabi nya kung pwede ko daw ba syang maging kars? So ako syempre oo na agad hahaha rpw lang naman yon e. Then nagsend sya ng picture nya and sa picture nya mukya syang tomboy hahahaha. Legit sinabi ko sa kanya yon na kung lesbian ba sya? Tapos ang sagot nya saken. "Buang ka di ako lesbian" pahiya ako ron hahaha. Akala ko lang naman kase talagaa. Sorry na love kung mababasa mo'to hehe. Tapos yon ang reply ko "weh? Sorry na akala ko kase." maldita talaga ako guys hahahaha. Walang preno ako magsalita or makipagusap sa mga tao lalo na sa kaibigan ko hehez.
Tapos ang reply nya "Hahaha buang ka." so yon kami na sa rpw. And alam ko na sasaya ako sa kanya kase di sya nakikipagaway saken. Pag may gusto ako binibigay nya pag naboboring ako ginagawa nya lahat wag lang ako maboring and I'm so lucky to have him. Then kami non sa rpw 1st day yon sabi nya kung pwede daw ba ako ifeatured photo jusq. Hahaha kase nagsend na din aq ng op non sa kanya. Sabi ko sige lang ganon. Tapos iminyday na din nya ako. Ganyan ka jowang jowa ang bebe ko hahahaha. Tingnan nyo pinatulan ang katulad kong maldita? Luka? Baliw? Hahaha. Yung nawawalan kana ng pagasa pero may tumanggap padin saken kahit na ganto ako. Odibaaa?
Next tinanong nya ang real acc ko. Sabi ko bakit sabi nya irealworld nalang daw namin ganon. Sabi ko sa rpw muna kase bawal pa ako sa real world kase nga u know bata pa ako. Nung una pumayag sya, binigay ko real account ko pero nagwave padin sya sa real account q. Binio nya nga din ako ron e. Hahahaha. Ganyan naadik ang bebe q saken dati ble.
Tapos non wala di q na din natiis rw na nga relationship namin. December 29, 2019 naging kami. Nagnew year kami nang magkavc kase hindi nga kami magkasama hehe. Taga Manila sya. Then Quezon Province ako. 5 hours byahe, layo diba? Hahahaha.
New year din nalaman ng mga magulang ko na may jowa na ako. First boyfriend ko kase si love e. Sinabi ko sa kanila. Si ate kasi e, sinasabi ko lahat sa kanya, tapos binuking ako kay mama, nung tinatanong na may jowa sya saken daw itanong, potek edi ako ang itinanong ni mama non, tapos di na din ako tumanggi. Aaminin ko nung una andaming judge agad nila kay love kahit wala silang alam kay love. Basta lumayo yung loob ko non. Nung magkavc he asked "Love bat di ka masaya? New year oh." di ko mailabas na di ako okay ganon kase ayokong magalala pa sya non. Kase di pabor sila papa sa kanya nung una. Pero ano namang pake namin don diba? Kami namang dalawa ang may relasyon e. Pero ewan ko that time ayokong makarinig ng kung ano galing sa magulang ko about kay love. Sobrang nasasaktan ako. But when he asked that question? I just smile and said "Okay lang ako hehe." pilit yon, di pa ako makaimik kase andon yung mga pinsan ko.
Tinatanong din nila that time ubg bakit hindi daw ako masaya. Kase para talagang ubos lahat ng energy ko. Sobrang nakakapanghina lalo na at galing sa magulang mo yung judge na natanggap ng taong love na love mo.
Alas dos non, newyear pa yon nung naiyak ako. Andon ako sa mga kwarto ng lola ko. Sabi ko nalang kay love na tutulog na ako. Kase late na nga. Pero hindi sobrang isip na isip ako kung itutuloy ko pa ba kung anong meron kami. Di pa kase ganon kastrong yung love ko para sa kanya. Kaso wala pinagisipan kong mabuti kung makakabuti ba sa kanya yung gagawin ko. Kung masasaktan ba sya? Kase kita ko sa kanya na di nya deserve maloko. So di yon ang ginawa ko. Tinuloy namin kahit na may naririnig akong judge mula sa mga magulang ko.
Inisip ko na relasyon namin to. Wala silang karapatan para mangjudge.
So yon wala na din naman akong narinig, naka 1 week kami ng di kami nag aaway. Kase sobrang mature nya. And i think ako rin? Kase iniintindi ko sya na busy sya. He is a grade 12 student and he is busy in his thesis.
Pero dahil di naman perfect ang relationship namin nagaway padin kami 2 weeks na ata kami non. Wala puro kami parinig sa facebook. Ang toxic namin jusq hahaha. Tapos yon naging okay na din naman kase nanuyo sya. Pero nagaway na naman kami non. Basta naginom sya non na lalo kong ikinagalit. Kase ayoko talaga sa lahat yung mga nagiinom. Nakamyday pa yung paginom nya bwiset sya hahaha.
Tapos wala di ko sya kinausap. Pinabayaan nya akong naiinis at malungkot na natulog nung gabing yon. Edi kinabukasan may lsm sya saken. Tapos nagloko pa fb nya so kinailangan nyang magpalit ng password nya. Grabe yung inis ko sa kanya non lalo.
Tapos sa lahat din ng relasyon di mawawalan ng pagsubok. At ito ang unang pagsubok na dumating sa aming dalawa. At iyon nung pagkatapos naming magaway non. Kinabukasan sinabi nya saken na may sakit pala sya. May minsan na gusto ko na lang syang ihug at ikiss para lumakas ang loob nya. At gusto ko na saken sya kumapit kapag nanghihina sya. Kaso ng layo namin sa isat isa.
May chats pa yon na kelangan nya daw ako. Di nya na daw kaya. May mga segundo na nabagal yung tibok ng puso nya. Edi sobra na yong pagaalala ko sa kanya. Wala, wala akong magawa kundi magalala at icheer up sya na..
"Love kaya natin 'to."
"Love wag kang mawalan ng pagasa please. I'm always here for you."
"Love isipin mo mga pangarap natin maging matagag ka pagsubok lang 'to."
"Love just pray, God will guide you."
"Love sorry wala akong magawa alam mo naman sitwasyon natin, wag ka nang malungkot mahal na mahal kita."
Mga ganyan yung reply ko kapag sinasabi nyang hirap na syang huminga.
Ayoko kase talaga ng sobrang mawawala sya sa mood at manghihina sya dahil sa sakit nya. Kase sobrang kulit talaga ni love.
(A/N: another update about us. Hahaha. Tapusin kona daw sabi ni love. Jusq. Pagkatapos nito uupdate kona ule SDWAG hehe luv y'all!)

YOU ARE READING
A relationship from Rpw to Rw (Completed)
Short StoryI am Gelz Montecer and my rp acc name Selena Black and this is my story in Rpw since April 2018. I am not newbie and dumating yung time na I met someone and pinakita nya talaga na deserve ko yung saya. Lahat binigay nya and I'm lucky to have him. Da...