Fate Fade (One Shot)

51 4 7
                                    

Laiza's POV

"Hay, feeling ko talaga, siya na. Siya na ang mamahalin ko habang buhay." sabe ni Francine sa'kin habang nakatulala sa bintana ng kanilang kwarto.

Ako nga pala si Laiza. Kaibigan ni Francine. Kasama ko siya ngayon dito sa kwarto niya. Tinawagan niya kasi ako para pumunta dito. At ayun! Kwinento niya lang ang nangyare sa kanila ni Michael. 

Si Michael yung matagal nang nanliligaw sa kaniya pero hanggang ngayon eh hindi niya pa rin sinasagot. 

After few months...

Hindi na nagpaparamdam si Michael kase siguro busy siya. First year College na din kase 'yon eh, sa isang kilalang university sa Manila samantalang kami ni Francine, eto, fourth year high school. Etong school namin, dito din nag high school si Michael.

Pero biglang, this past few days...

Nagkaka tweet na ulit daw sila. Edi ayun! Happy  naman ako para kay gaga kase siyempre kikiligin nanaman 'yon. Hahahahaha.

Pero biglang nag pm (private message) na lang sa'kin si Francine sa wattpad....

"Friend! Nakaka badtrip si Michael."

"Oh bakit? Anong nangyare?"

"Kase dapat diba pupunta kame dun sa University nila bukas para na din makapag inquire ako, kaso hindi na tuloy."

"Oo nga, ramdam kita, mapa status pa lang eh, dama ko na. Pero sige, kwento ka. Anyare ba?"

"Kase tinanong ko siya kung tuloy nga kame bukas."

"Tapos?"

"Ayon, wag na lang daw, kesyo mahaba daw yung pila don, mabobored lang daw ako."

"Nako.. reasons ha. Kahit kelan talagaaaa -,-"

"Tapos ayun. Nakaka asar lang kasi eh. Tas sinabe ko din sa kanya na galing ako dun kanina sa University na 'yon, kumuha ng form tapos nag inquire. Tas sabe ko, 'Nalukot ko nga yung form eh.' kase nga akala ko pupunta din kame don bukas." Ramdam kong sobrang galit na galit na 'to si Friend. Kase akala niya pa naman, makakapag moment na din sila ni Michael, kaso di din naman pala. Nako, I feel sad for my friend :(

"Oh tapos? Kwento ka lang, mag babasa ako."

"Ayun, parang di manlang siya nanghinayang. Parang wala lang sa kanya, yun yung masakit don eh. Akala ko pa naman masaya siya kase magkakasama na kame, pero di naman pala. Akala ko lang pala yon </3 Ang saket lang sa PUSO eh." Oh my! NaheHurt na si Friend, kawawa naman siya. 

"Pinag - aralan ko pa naman siyang mahalin, tapos niReady ko na yung sarili ko para sagutin siya, pero di pala siya worth it. Sayang lang yung Effort ko friend. </3" sabe pa niya.

"Hayaan mo na 'yan Friend. You and him are not destined for each other, so stop emoting friend." 

"Tapos siya pa yung may ganang mag parinig sa twitter, MY GOODNESS NAMAN TALAGA!!" galit na galit na sabi ni Francine.

"Well, might as well, move on. And wag ka na wag ka ng iiyak pa ulet. Tama na yung isang beses na iyakan mo sila. Normal lang 'yon dahil nasaktan ka. Pero yung iiyakan mo siya ng isang linggo o lampas pa, 'yon na ang hindi tama. Stand up and fight friend!" sabe ko naman sa kaniya upang patatagin ang kaniyang loob.

"And don't forget to smile! :)" pahabol ko pa.

Masaya na ngayon si Francine. Sinusubukan na niyang mag move on dahil wala nga naman talaga siyang mapapala kung mag mumukmok at iiyak na lang siya sa isang tabi.

A/N: Katulad ni Francine, sana.. matuto tayong tumayo kapag tayo'y nadadapa upang hindi naman tayo napag iiwanan ng panahon. Tama si Laiza, tama na 'yung isang beses na lang. Katulad ng pagkakamali, sapat na yung isang beses kang nagkamali at matuto pero 'yung ulitin mo pa eh, sira ulo ka na non. Hahahaha, pinapatawa ko lang kayo, masyadong madrama eh :)

             READ, VOTE, AND COMMENT! Be a fan of me also.  

Fate Fade (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon