+KINAGABIHAN+
RACKY's POV
"Oh Shamy ikaw na muna ang bahala rito ha? I-lock mo nang maigi ang pinto tapos wag kang lalabas okey?"
"Opo Tay.."
Asar niya sakin.
"Sigurado ka bang ayaw mong sumama?"
"Racky naman paulit-ulit ka naman eh. Okey lang nga ako dito. At saka time nyo yan para masolo ang isa't-isa so ba't ako manggugulo sa inyo? Hehehe."
"Hay nako, sige na nga. Basta mag-ingat ka rito ah? Text ka sakin kung may problema."
"Oo Racky t-text kita! Kahit tawag pa kung gusto mo eh. Kung makabilin kanaman sakin para akong teenager."
"Kahit na! Di porket 21 kana ay di kana pwedeng alagaan. Responsibilidad kita rito kaya nararapat lang na bantayan at protektahan kita."
"Aba at pinanindigan mo talaga ang pagiging tatay ha? Lumakad kana nga baka malate ka pa sa date mo."
"Hahaha. Oh siya sya, goodbye."
Sabay kiss sa ulo nya.
"Geh ingat."
At yon hinintay ko munang makapasok siya sa loob bago ko pa-andarin ang kotse.
Nagtataka siguro kayo kung ba't sobra nalang kami ni Chris mag-protekta at mag-alala sa kanya. Dahil yon sa kalaban ko; sa mahigpit kong katunggali, si Jadfor na noon palang gusto na akong pabagsakin!
Umpisa nung natalo ko sya sa RBT mas lalo pang uminit ang dugo nya sakin. Usually pag nagkakasalubong kami parang kakainin nya ako ng buhay! Kasi ngayon, malaki ang intires niya sa trophy at sa title na makukuha sa contest. Kaya alam kong gagawin niya ang lahat para hindi lang ako makasali! Kahit ipapatay pa ako, kaya niyang gawin! Ngayon pa na talunan na ang katagang nakadikit sa kanya? Kaya di sya papayag na matalo ulit!
Akala ko nung una si Dayne lang ang pwedeng manira sakin; nagparamdam na nga sila eh!
Habang sinusundan ko si Shamy kanina, nakaramdam ako na parang may sumusunod din sakin.
Hindi ko alam kong meron nga kasi hindi ko naman nakita, pero malakas talaga ang kutob ko.
Siguro nagsisimula na silang magmasid kasi three weeks nalang submission na ng entry, at isa pa lumabas ako sa GGV para mag promote kaya sigurado akong pinagdududahan na nila ako ngayon na sasali talaga sa contest! Mas uminit pa siguro ang dugo nila kaya dapat di talaga nila malaman ang totoo, kasi pag nagkataon, mapapahamak kaming lahat at madadamay ang mga taong mahal ko.
Hindi ko sila maintindihan kung ba't hindi sila marunong lumaban ng patas!
Naisip ko nga na wag nalang sumali sa contest; isusugal ko ang pangarap ko para sa kaligtasan naming lahat. Pero, kapag sumuko ako, parang ginusto ko narin na, mapunta sa masasamang kamay ang title!
Hindi ako makakapayag na ang isang katulad ni Jadfor ang hihiranging THE MAGICAL KING OF RAP ng Pilipinas! Masisira ang repotasyon ng hiphop at isa pa hindi siya isang magandang ihemplo para sa mga kabataan!
Dahil sa mga yan, halos lahat ng mga ginawa ko rito sa storya ay may malalim na kahulugan. Hayaan niyong ipaliwanag ko ang lahat.
Akala niyo siguro perfect na ang buhay ko? Akala niyo siguro sobrang saya ko na sa posisyon ko? Diyan kayo nagkakamali.
Ang buhay celebrity ay hindi madali. Maraming naiinggit sayo kaya marami rin ang pwedeng magpahamak sayo. Pero kahit ganyan, di ko pinagsisihan na inabot ko ang pangarap ko. Dahil dito, may napatunayan ako sa sarili ko na kahit ang isang uhuging paslit, lampa, at duwag, may ibubuga rin.
BINABASA MO ANG
When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)
FanficPinili ni Shamy na magpakabaliw sa isang tao na di naman siya kilala. Pinili niyang mawala ang kaisa-isang tao na nagmamahal sa kanya para lamang sa pinapangarap na lalaki. Pero paano kung paglaruan sila ng tadhana at pagtagpuin sa di inaasahang pag...