Ilano, San Vicente.
Amber AcademyKira Lharie Montejas D' Rolde's POV
Hayst..... Salamat at graduate na ako sa paaralang ito. Wala na akong prob- ay nabawasan lang pala.
Kanina pa ako dito sa paaralan dahil hinahanap ko ang mga pinsan ko dahil pinapatawag na kami dahil dumating na ang Abuela.
Saan na ba kasi sila!?
Inilibot ko ang aking paningin sa plaza at tumama ito sa magba-barkadang basketball players.
May mga namumukhaan ako ang iba naman ay bago. Mga kasama ko dati sa praktis.Pinanood ko sila pinag-papasapasahan ang bola hanggang umabot ito sa banda ko. Mabuti na lang at mabilis ko itong nasalo kung hindi ay tatama ito sa tao mula sa aking likuran.
Kaninang tuwang-tuwa nilang mga reaksyon ay napawi nang makita nila na ako ang may hawak ng bola.
Nilaro ko ang bola gamit ang aking kamay. Hinintay ko munang may lumapit mula sakanila. Ngunit wala talaga silang ginawa kundi ang tumunganga kaya..."Wala bang kukuha nito?" Tanong ko sakanila saka itinaas ko ang bolang hawak ko. Sinenyasan ko silang lumapit kaya nagsilapit sila at huminto sa harap ko habang naka-yuko.
"Ano? 'Di niyo kukunin?" Sabi ko at astang iniaabot ko sakanila ang bola. May nagtangkang kumuha kaya mabilis ko itong itinago sa aking likod.
"Ano!? Kunin niyo sabi!" Sigaw ko.
"Huh-"
"Mga basketball player ba talaga kayo!?" Tanong ko.
"Opo!" Sagot ng lahat.
"Bakit umabot ito saakin!?" Tanong ko." Hindi ba kayo marunong humawak ng bola?"
"Marunong po!" Sabay nilang sagot.
"Ay sandali mag naaalala ako." Sabi ko.
"Ano po?" Tanong nila.
Pinandilatan ko sila ng mata." Kayo! Pag napikon ako. Bakit ba kailangan sabay kayong lahat?? At napaka chismoso niyo!" Sigaw ko dahil para silang choir sabay lang?
Binitawan ko ang bola." Naalala kong tinatamad pala ako." Sabi ko at umalis.
Tumawag ako sa mansyon at sila nalang ang inutusan kong sunduin ang mga pinsan at umuwi ako sa bahay ko.
Ako ang nakakatanda sa aming magpi-pinsan kaya ako ang nagdi-disiplina sakanila habang ang mga magulang nila ay nagtatrabaho sa ibang bansa o nagpapatakbo ng negosyo.
Ayaw kasi ni Abuela sa mga tamad. Sa clan namin walang housewife ayaw niya ng makupad at gastador na babae pero kaming mga apo niya ay nakukuha ang gusto.
Hindi dahil sa spoiled niya kami kundi dahil may kanya kanya kaming diskarte lalo na ako.Sa aming magpi-pinsan nawalan ako ng magulang sa mura kong edad. Baby palang ako wala na akong papa. Sixteen ako noong pinagbabaril kami sa resthouse namin pero ako lang ang suwerting hindi natamaan ng baril dahil nandoon ako sa underground playroom ko habang si mama ay tinuturuan niyang mag-bike si Kani.
Pero sabi ng Abuela ko ay may kapatid daw ako na nandoon sa spain kalaro ko raw nung bata ako pero wala naman akong maalala.
BINABASA MO ANG
Not Enough
Teen FictionThe Brats. D' Rolde kids are the freaks in school but in their clan, they are the rule breaker. Kilhar D' Rolde is a smart woman. She finished her study with a degree of BS Business Administration at the age of twenty. She is the eldest among the D'...