Chapter 12
Tanghali na siyang nagising. Masakit ang ulo. Sinubukan niyang tumayo ngunit nahihilo pa rin siya.
"Huh! ang sakit naman ng ulo ko. Nakakainis namaaan," daing ni Yanny.
Gusto niyang tawagan si Travis. Nagugutom na kasi siya. Gusto niyang humigop ng mainit na sabaw.
"Ay nakuu 'wag na nga."
Sinusubukan niya ang pagpindot sa numero ni Travis. Pero pinutol din niya ang pagtawag. Kakayanin niya na lang mag-isa kaysa tawagan na naman niya ang binata. Palagay niya abuso na siyang masyado. Bilib lang din talaga siya sa binata dahil lagi itong naroon kapag ka kailangan niya.
Wuuh! wwuuhh!
Pahina na siya ng pahina sa kasusuka. Naubos na ata ang laman ng kanyang tiyan. Naroon na nga siya sa toilet bowl. Hindi na siya makaalis dahil sa kanyang nararamdaman. Hangga't sa hindi niya alam ang kasunod na nangyari.
"Anong oras na?"
"Gabi na Yanny. Bakit hindi mo man lang ako tinawagan? Nakasampay ka nsa toilet bowl. Masama na pala pakiramdam tiniis mo. Alam mo namang andyan lang ako sa kabilang kuwarto, di ba?"
Gusto pa sanang sumagot ni Yanny pero alam niyang wala na siyang pwedeng ikatwiran sa binata.
"Kung hindi pa namin pinilit buksan itong kuwartong. Hindi ko makita ang kalagayan mo dito sa loob. Yanny, naman pinag-aalala mo ako."
"Sorry!"
"S..orry masyado lang akong nag-aalala."
Ikinalma ni Travis ang sarili ng mapansin niyang medyo nawala na siya a maayos na tono.
"Ikaw naman, na hang over lang ako." nakangiting sabi ng dalaga.
Aminin man niya o hindi may kilig sa puso niya na sobrang pag-aalala ng binata sa kanya. Lihim siyang napangiti. Si Travis n siguro ang lalaking dapat na kanyang minahal noon pa. Hindi si Chase na may masama pa lang hangarin sa kanya simula sa una.
"Paano yan, bukas na tayo luluwas ng Manila. Sa ayaw at gusto mo dito ako matulog." Mariin itong sinabi ng binata.
"O hindi problema, dito ka matulog kung gusto mo dito pa sa tabi ko eh."
Lalong pang nang-asar si Yanny. Alam niya kasing sobrang ginagalang ni Travis ang kanyang pagkakabae.
"Ayos lang ako dito sa sofa masamahan lang kita."
"Okay, problema ba 'yon. Diyan ka, dito naman ako. Pero pagkain muna kasi kumakalam na ang sikmura ko."
"Nagpadeliver na ako. We will just wait."
Napasubo yata siya sa kanyang sinabi. Gusto niya na sanang baguhin ang kanyang binitawang salita. Isang tukso si Yanny sa kanya kapag ka ito ay magdamag niyang makasama sa kuwarto. Paano nga ba siya makatiis?
"Nasaan na ba 'yon?" nagsasalitang mag-isa si Yanny.
Nawala kasi si Travis pagkatapos nilang kumain ng hapunan. Naiwan niya itong mag-isa. Wala namang sinabi kung may pupuntahan. Natuyo na nga ang kanyang buhok. Bago siya nag shower naroon lang ito sa loob. Hihintayin na lang niya ito na dumating, hindi na kailangang tawagan pa. Hangga't sa nakaramdam siya ng antok wala pa ring Travis na dumating. Nagpasiya na siyang lumabas.
"Andyan ka lang pala. Saan ka ba nanggaling?" tanong niya sa binata.
"Dyan lang nagpahangin," mabilis nitong sagot sa kanya.
Hindi na nakaimik si Yanny. Naamoy niyang nakainom si Travis. Kaya tumalikod na siya at nagpaalam na mauna na lang sa loob.
"Yanny!"
Nais pa sanang makausap ni Travis ang dalaga. Ngunit mabilis itong nakalayo. Gusto niyang sabihin na doon na lang siya matulog sa kanyang inukupang kuwarto. Pupuntahan niya na lang ang sana ito kunabukasan. Dahil hindi naman niya nasabi pumasok na lang siya sa loob. Tahimik siyang pumwesto na sa sofa.
"Sana makatulog na ako kaagad." nanalangin siya sa isip habang nakapikit.
"Diyan ka lang ba talaga, palagay mo ba makakatulog ka ng maayos riyan. Sige na last call dito ka na sa kabilang gilid na kama. Hindi ka naman siguro malikot. "
Niyaya pa siya ng dalaga sa huling pagkakataon. Nagawa naman niyang tumanggi sa alok ni Yanny kahit na sa kabila ng lahat gustong-gusto niya. Mabilis nakakuha ng masarap na tulog si Travis.
Tinitingnan ito ni Yanny na nakangiti. Natutuwa siya sa binata. Sa palagay niya si Travis na lang siguro ang pinakagentleman na tao na kanyang nakilala. Na hindi mapagsamantala sa kahinaan ng babae. Dahil maghapon siya nakatulog masyado ng mailap sa kanya ang antok. Inabot na siya ng alas dos ng madaling araw. Nanonood na lang siya ng movie sa you tube. Hindi niya napansin si Travis na dumaan pala papuntang C.R. Pagbalik ng binata ay tinanong siya.
"Bakit gising ka pa?"
Parang ama na nagtatanong sa anak si Travis. Naghihintay ito ng sagot pero seryoso si Yanny sa kanyang pinanood . Naka headset lang ito at tila ba hindi sya narinig. Ibig niyang mapansin ni Yanny kaya kinuha niya ang headset na nakasuksok sa tainga nito. Nasa kasarapan pa ata mg pinanood ang dalaga kaya nainis ito.
"Ano ba naman? Bakit ba?"
Hinahablot ni Yanny ang kanyang headset na nasa kamay ng binata. Hindi sinadya nahatak niya ang braso ni Travis. Dahilang nasubsob padapa ang binata sa katawan niyang nakahiga rin. Tama ding napatapat sa labi niya amg labi ng binata.
"Oh shit, Yanny!" bulong ni Travis sa isip.
Napapikit na siya ng kusa. Hinihintay niya ang pagbuka ng mga labi ni Travis. Kagaya ng kanyang iniisip para itong isang eksena sa pelikula na kanyang napapanood lang. Kasabay sa bugso ngakanilang mga damdamin nagtagpo ang mga labing marahil nauuhaw sa isa't isa. May koneksyon nga talaga si Travis sa kanya. Kakaibang ligaya ang kanyang nadarama. Mahal nga pala niya ang binata. Nakapikit pa rin si Yanny na nilalasap ang maalab ng halik ng lalaking kanya na palang minahal.
Huminto sa kanyang ginagawa si Travis. Mahigpit na itong yumakap sa sa kanya. At tila ba hinahanap sa dalaga ang kasiguraduhang siya nga ba ang nasa isip ni Yanny
"Bakit kaya?" tanong na nasa isip ng dalaga. Nakakahiya namang tanungin niya si Travis kung bakit ito huminto.
"I love you, Yanny. Gusto ko lang marinig na ako na nga ang mahal mo. I would love to hear the Yes...please."
Nakikita niyang buong puso nga siyang mahal ng lalaking matagal ng panahong kanyang nabalewala.
"Mahal din kita, Travis. Hindi ko alam kung paano at lalong hindi ko alam kung kailan nag-umpisa. Siguro nga dahil mula noon hanggang ngayon andyan ka lagi para sa akin."
Isa itong itong sandaling punong-puno ng tagumpay para kay Travis. Pagkatapos ng mahabang panahon niyang paghihintay. Napansin na rin ng dalaga ang kanyang dalisay na pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Yanny, I Love You (COMPLETED)
RomansaKung ano man ang kasalanan ng ama ay pagbabayaran ng anak. Napakalapitin ni Rigo noong kanyang kakisigan kung kaya madalas nilang pinag-aawayan noon ni Cleffy na humantong pa sa hiwalayan. Bayad utang nga ba ang isang anak na babae sa mga kalokohan...