1.

4 0 0
                                    

He is my bestfriend.

I don't even remember how long we have been the best of friends. Basta ang natatandaan ko lang, bigla na lang dumating ang araw na bestfriend na namin ang isa't isa.

Ayaw ko nga sana kasi lalaki siya at hindi talaga ko sanay na magkaroon ng kaibigan na lalaki. Lumaki kasi akong halos lahat babae ang nakapaligid sakin. Wala akong kapatid na lalaki at sa mga pinsan naman, bilang lang ang lalaki at malayo pa sila samin. Kaya lumaki akong ang dalawang kapatid ko lang na babae ang palagi kong kasama. Kahit nag-aaral ako nung grade school, sa mga babae lang ako nakikipagkaibigan.

Pero nag-iba ang lahat nung nakilala ko siya. Highschool ako nung nakilala ko siya. Wala naman akong planong magkaroon ng madaming kaibigan, mahiyain kasi ako. Pero ang isang iyon, hindi ko alam kung anong nakain at ang kulit-kulit. Bigla ba naman tumabi at nakipagkilala sakin at nagpupumilit maging mag kaibigan kami. Naalala ko pa ang mga katagang binitawan niya.

"Hi Miss. I'm Silver. Can you be my friend? No, my bestfriend? Please? Be my bestfriend."

Hindi ko alam kung niloloko niya ko nun, anlakas ng trip para magtanong ng ganun. Inirapan ko lang siya nun kasi baka niloloko niya lang ako at mapahiya lang ako. Ang isang tulad niya, imposibleng lumapit sakin para makipagkaibigan. Napakagwapo niya at wala sa hitsura niya ang magpupumilit makahanap ng bestfriend. Kahit wala siyang gawin, halatang madaming lalapit sa kanya.

Hindi niya ko tinigilan hanggat hindi ko siya kinakausap. Araw-araw sinusundan niya ako at ipinipilit na maging best friend kami. Nakakaasar nga at andaming tingin ng tingin samin. Baka akalain nila, pa-hard to get ako. Pero siyempre di ba, mahirap na mapagtripan. Hindi ko alam kung bakit ako, sa dami ba naman ng studyante dito, bakit ako?

Tatlong linggo na rin simula ng lapitan niya ako. Minsan naiirita na din ako pero parang hindi kumpleto ang araw ko pag hindi siya nangungulit. Nakakatuwa nga kasi pagdating ko sa school, nag-aabang na siya; pagkakain ako ng lunch, may nirreserve na agad siyang upuan ko; pag naman nakita niyang madami kong dala, agad niyang kinukuha. Kung di lang siya nakikipagkaibigan sakin, iisipin kong nililigawan niya ako. Pero siyempre hindi, alam ko naman ang pakay niya sakin.

Kaya naman isang araw bigla na lang napapayag niya ako. Ayun, dun na nagsimula ang pagkakaibigan namin. Bestfriend bestfriend. Lagi kaming magkasama, halos ayaw niya kong makipagkaibigan sa iba. Possessive masyado ang bestfriend ko. Pero pag siya pwedeng makipagkaibigan sa iba. Andaya nga eh. Pero ewan ko sa kanya, gusto niya yun.

We have always been with each other's back all the time. In all ups and down, wala kaming iwanan. Nakakatuwa kasi dati sobrang natatakot ako kasi baka pinagttripan niya lang ako pero pinatunayan niya naman na seryoso siya. He's been a very good friend to me. Kilala na nga kami ng mga magulang ng isa't isa. Sa sobrang close namin, free na siyang pumunta sa bahay namin at ganun din naman ako sa kanila. Wala siyang pinalampas na pagkakataon para maipakita sakin na he is my bestfriend. Sa lahat ng laban ko sa volleyball nung highschool, nakasuporta talaga siya. Sa sleepless nights sa paggawa ng projects at research, sinasamahan at tinutulungan niya ako. Ganun din naman ako sa kanya, todo suporta ko sa soccer game niya. Kahit nga sa mga nagiging crush niya, sinusuportahan ko siya. Minsan pinagtutulakan ko pa siyang pansinin man lang ang mga nagkakagusto sa kanya o kaya subukan niyang ligawan ang crush niya. Pero siya ang may ayaw, baka daw kasi mawalan ako ng kasama sa school pagnagkataon. Napakasweet nga nito. Sa paglipas ng panahon, di naman nagbago ang samahan namin. Kahit ngayong nasa kolehiyo na kami, ganun pa din naman.

Natatakot lang ako baka kasi bigla na lang siya magbago. Paano kung mawalan na siya ng oras sakin? Paano kung magseryoso na siyang manligaw ng iba? Paano kung babalik ulit ako sa ako lang? Ayaw ko sanang dumating ang oras na yun pero siyempre di ko naman mapipigilang dumating ang araw na yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon