PrologueBa't siya narito? Dito ba ang bahay niya? Nakakapagtaka naman.
Imposible naman yata na dito ang bahay niya. Puro lang naman huni ng mga ibon ang maririnig. Pero, siguro gusto niya sa mga tahimik na lugar?
'Yan lang ang gumugulo sa walang lamang isip ko ngayon.
Ba't ko nga ba siya sinundan? Mamaya makita pa niya ako at sabihin niyang stalker ako. Duh. Gusto ko na sanang tumigil sa pagsunod sa kanya pero ayaw sumunod ng mga paa ko.
Ang daming mga halaman at mga kung ano ano pang mga tanim dito na sobrang kapal kaya nangangati na rin ako. Naku, kanina pa ako sunod ng sunod sa kanya ha. Para na akong tanga dito.
Tahimik ko lang siyang sinundan hanggang sa medyo bumabagal na siya sa paglalakad.
Napalingon-lingon muna siya sa paligid. Buti lang at nakapagtago agad ako sa likod ng isang malaking puno kaya di niya napansin ang aking pretty face.
Pinagmasdan ko naman kung anong gagawin niya doon at napahinto siya hanggang sa—
WOW.
YOU ARE READING
AMBER
Fantasy[ON GOING STORY] Amber Esmeralda Alvarez. Isang mabait, masipag (siguro) at kalog na Senior High student. Behind those, hindi niya alam kung ano ang tunay niyang pinagmulan. She doesn't know her parents, and even her family background. But after so...