Chapter 8: Jealousy (Part 2)

232 7 0
                                    

Jerry's POV

Nasaan na naman ba yung si Jessica?! T*ng *nang buhay naman toh oh!! Nagulo ko nalang ang buhok ko dahil sa pagkairita.

"Ahahaha, eh kung nagkakalinawan na kayo, edi sana di ka aburido dyan!" pang-aasar ng magaling kong bestfriend na si Adam. Takteng toh, mapang-asar porket maayos at malinaw ang relasyon nila ng fiancee niya. -_-

"Bakit? Ano na namang problema niyo ng kakambal ko huh, Jerry?" tanong ni Jenny na kauupo lang sa tabi ng boyfriend niya na agad siyang inakbayan.

"Haha, may lalaki na naman daw yung kakambal mo Jen" sali ni Lance sa usapan. Isa pa toh eh. Mapang-asar din dahil ang ayos ng relasyon nila ni Princess. Minsan nakakainggit din tong mga toh.

"Hays, sige! Mang-asar pa kayong mga loko kayo!" sigaw ko na ikinatawa nung dalawa.

"Ba't di mo kasi linawin sa kanya na gusto mo siya at iyo lang siya? Para di ka nagseselos dyan" tanong ni Princess. Buti pa tong si Cess, mahinahon kung magtanong, di masungit tulad ni Jenny o mapang-asar tulad nila Lance at Adam.

"Ako?! Aamin sa pinsan mo? No way Cess! Hindi kaya ng pride ko! Mauna siyang magconfess!" sagot ko na ikinataas ng kilay niya.

"Jer, walang mangyayari sa relasyon niyo kung ganyan ang iaasta mo!" sermon niya sakin na para bang nanay ko. Tss, ito ayaw ko eh, binabawi ko na sinabi kong magandang kausap si Princess.

Hay, asan ba kasi si Kaira? Mas maganda pang kausap yun eh! Di ako sinesermonan o inaasar! Yun nga lang, di niya ako mapapayuhan ngayon, di pa nga pala nagsasalita ng maayos yun.

"Tss, wala akong mapapala kung kayo kausap ko. Dyan na nga kayo! Hahanapin ko nalang sila Dustin at Kaira! Mas matinong kausap si Kaira kesa sa inyo!" sabi ko pagkatayo. Lumabas na ako ng Leisure room pero narinig ko pa ang pang-aasar nung dalawa at pagtawa nila ng malakas.

Naglakad lakad muna ako. Nakauwi na kaya sila Dustin? Sana hindi pa, magaan kasing kausap si Kaira eh. Lahat naman kami ganun ang pakiramdam towards her eh. Madali lang makapaglabas ng sama ng loob sa kanya.

Naglalakad ako nang may dumaang babae sa harapan ko. Hindi ako pwedeng magkamali! Si Kaira yun! Pero parang wala siya sa sarili? Mabilis siyang naglakad kaya nakalayo agad siya sakin.

Lalapitan ko sana siya pero napatigil ako nang tawagin siya ni Dustin. Nakatingin si Dustin sa kanya kaya siguro hindi ako napansin ni Dustin. Malakas yung pagtawag ni Dustin pero parang walang narinig si Kaira kaya hinabol na siya ni Dustin.

"Anong ginagawa mo dito? Nasan si James?" rinig kong tanong ni Dustin.

Nagulat ako nang biglang umiyak si Kaira, pero agad naman siyang niyakap ni Dustin. Ilang sandali lang at dinala na niya si Kaira sa kotse niya. Hindi ko nalang sila pinigilan kasi mukhang kailangan ni Kaira na mapag-isa.

Naglakad nalang ako papuntang field. Naupo ako dun at pumikit para makapagrelax.

"Kyaaah! Prince Jerry!" napadilat ako nang may sumigaw na ganyan. Nakita ko ang ilang freshmen students na tumatakbo papunta sakin. Ibang course ata tong mga toh eh?

"Prince Jerry! Kumain ka na ba?! Sabay ka samin magmiryenda oh!" pag-aaya nila nang makalapit sakin. Medyo hinihingal pa sila dahil sa pagtakbo. Wala ako sa mood, isa pa, isang tingin palang alam kong mga flirt tong mga toh. Baka pag-awayan na naman namin ni Jessie toh.

"Busog pa ako eh. Tsaka kumain kami ng fiancee ko kanina" pagtanggi ko.

"Oh talaga? Parang hindi naman?" maarteng sabi nung isa. Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"Nakita kasi namin si Jessie sa may canteen. Kumakain kasama ng isang P.E. major student" sabi ng isa pa na nakapagpainit bigla ng ulo ko.

"San niyo ulit sila nakita?" alam kong nabigla sila sa tono ko pero wala akong pakialam sa kanila!

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon