A/N: This is a series of convos, and this only has really limited narrations. A one-shot only. Written in Third Person's POV.
***
"Kara! Bilisan mo na ang pagbibihis mo 'jan! Wag mong sabihin na male-late ka sa unang klase mo!"
"Opo Ma! Matatapos na po!"
"O sha! Bilis! Oo nga pala, Herbert, siguraduin mong naihatid talaga si Kara ha, first day pa naman niyan sa klase."
"Sige po, Ma'am."
"Ma! Tapos na po ako! Manong Herbert, halika na po!"
"Sige iha, halika na. Ihahatid ko na po siya, Ma'am!"
"Bye Ma! Love you!"
Nasa sasakyan na sina Manong Herbert at Kara.
"Manong, bilis poooo! Excited na po akong pumasok!"
"Hahaha, o sha, malapit na tayo iha."
"Oh! Anjan na po oh! Nakikita ko na po!"
"Teka teka, ipa-park ko muna... Ayan! Sige iha, pwede ka nang bumaba!"
"Sige po! Papasok na po ako, Manong Herbert! Wish me luck!"
"Good Luck iha!"
"Sige po! Bye bye!"
Pagkatapos ay nag-drive na pauwi si Manong Herbert, habang si Kara naman ay naglakad papasok.
"Uh, excuse me po, asan po ba rito ang Room 261?"
"Ah, nanjan lang, straight ka lang hanggang dulo, tapos pakaliwa."
"Sige po, salamat po!"
Agad namang nahanap ni Kara ang kanyang Room at pumasok. Sinalubong siya ng mga maiingay at nag-uusap na mga estudyante. Nginitian niya ang lahat ng kanyang nalalagpasan at umupo sa harap, katabi ng isang lalakeng hindi naka-uniform at naka-civilian lamang.
"Baka new student, gaya ko, pero atleast ako may uniform." pabulong na sabi ni Kara sa sarili. Tinapik niya ang katabi.
"Um, good morning! Anong pangalan mo?"
"Hi, hahaha, atsaka good morning rin. Ako si Kean, ikaw?"
"Ah~ Hi Kean! Ako si Kara. Hahaha, first day of school na noh? Miss ko pa'rin ang summer."
Nag-usap ang dalawa habang iniintay ni Kara ang kanilang magiging moderator.
Nakalaunan ay nainip na ng todo si Kara, dahil magkaraan ang 20 minutes ay wala pa'rin ang kanilang teacher.
"Hmp! Ang tagal ng moderator na'tin, diba Kean? Kainis! Ano ba naman kasi 'yan, first day na first day, late?! Pag di talaga siya dadating within 5 minutes, uuwi ako!"
"Ahahaha, 'di na kailangan, Kara. Nandito na siya, kanina pa."
Pagkatapos sabihin ni Kean iyon ay tumayo siya at pumunta sa harap, at sinimulan ang klase.
BINABASA MO ANG
Seatmate
Teen FictionMinsan, kilalanin muna na'tin at suriin ng maayos ang isang tao, dahil baka hindi sila ang inaakala na'ting sila.