Ang hirap pala ng ganito. Ang sakit sa dibdib na gumising na ang bigat bigat ng dibdib mo.
♪I'm lying alone with my head on the phone
Thinking of you till it hurts
I know you hurt too but what else can we do
Tormented and torn apart ♪Bigat na hindi mo maipaliwanag. Bigat na ninanamnam mo kahit alam mong nahihirapan ka.
Nakakatawa.
Broken hearted nga daw pala ako.
Ito na pala yung sinasabi noon ng mga kaibigan ko kapag niloloko ko sila sa kadramahan nila tungkol sa pagibig na yan.
Pagibig na inakala kong malaking kalokohan.
Napailing na lang ako hanggang sa ibaling ang paningin ko sa bintana. Umaga na nga, pero pakiramdam ko palubog na agad ang araw sa kwarto ko.
Tunay nga palang mahirap bitawan ang mga bagay na kinasanayan mo. Yung dating may sigla at masayang umaga sa pagmulat mo, tila naging bangungot na lang para sa’yo.
Agad kong hinagilap ang cellphone ko para i-check ang oras. Pero natigilan ako ng hindi oras ang pinagtuunan ng pansin ng mga mata ko.
♪ I wish I could carry your smile and my heart
For times when my life seems so low
It would make me believe what tomorrow could bring
When today doesn't really know, doesn't really know♪Ang saya at ang ganda ganda ng ngiti mo sa wallpaper ko. Ito pa yung mga panahong naging masaya ka sa piling ko. Ito pa yung mga panahon na sinabi ko sa sarili ko, na ikaw na yung babaeng pakakasalan ko.
Napailing na lang ulit ako.
Kailan ko ba ulit makikita ang mga ngiti mo?
Siguro nga talagang gago lang ako.
Ang gago ko para magloko pa sa’yo.
Masyado akong nakampante na mahal na mahal mo ako nung mga panahong pinaninindigan ko pa ang pagiging gago ko.
“Love, kailan ka ba ulit magiging free? Labas naman tayo.” tanong mo nung time na ihahatid na kita sa bahay nyo matapos kitang sunduin sa school nyo.
“Next time na lang. May laro pa kami mamaya ng basketball eh. Then after that, birthday ni Cheska. Kilala mo naman yun di’ba? Mutya ng barkada kaya hindi pwedeng mawala mamaya kahit isa.” natatawa kong sagot sa’yo.
Hindi ka agad nagsalita. Tinignan ko kung anong naging reaksyon mo kung bakit hindi ka kaagad umimik. Paglingon ko, unti unting kumurba ang mga labi mo at binigyan ako ng matamis na ngiti.
“Sige, okay lang, naiintindihan ko. Marami namang next time eh.”Hindi yun ang pinakaunang beses na nagdahilan ako na marami pa akong gagawin. Pero hindi ka nagsawa at nanatili ka pa rin sa tabi ko. Ni minsan hindi kita narinig na nagreklamo at nagalit sa tuwing nagiging cold ako sa mga paglalambing mo.
Maayos tayong nakarating sa bahay nyo at hinihintay lang kitang pumasok sa gate nyo. Pero saglit mo pa akong niyakap at masiglang nginitian habang nakatitig ka sa mga mata ko.
“Mahal na mahal kita Tristan, lagi mo yang tatandaan.” ramdam na ramdam ko ang sincerity sa bawat salitang binitawan mo ng gabing yun.
Saglit akong napaisip. Saglit kong inalala yung mga panahong liniligawan pa kita.
BINABASA MO ANG
One Last Song (One Shot Story)
RandomGawan natin ng kwento ang awitin nating dalawa.. - Maaari kayong magrequest ng kanta na maaari kong gawan ng kwento. :)