The more you hate, The more you love <3

31 0 0
                                    

The more you hate, The more you love. Naniniwala ba kayo sa katagang to?! Well, uso to sa mga babae't lalaking nag-aaway at tutuksuhin ng mga kaklase nila ng "Ui, the more you hate, the more you love" . Di ko alam kung maniniwala ako sa kasabihang to pero tiganan natin.

Grade 3 ako ng naranasan kong ma-bully ng classmate kong napakasiga. Well, pangalanan natin siyang "KC". Bagong salta lang ako sa paarlang yun kaya wala pa ako masyadong kakilala at kaibigan. Ewan ko pero sa twing makikita ako ni KC lagi niya akong sinusuntok o inaasar. Laging ganun, nagtataka nga lang ako bakit ako lang yung inaaway niya sa lahat ng mga babae naming classmate. May mga araw na ayaw ko ng pumasok dahil kay KC. Pinapaiyak niya ako lagi wala naman akong ginagawang masama sakanya. Maybe trip niya lang ako, kasi nga muka akong lampa noon. Lampayatot ba?! Nagpatuloy ang pam-bubully niya sakin hanggang sa nalipat ako ng ibang section nung grade 6 kami. Pero ganun pa din yung nararamdaman ko sakanya. Niinis, natatakot at nagagalit ako sa twing nakikita ko siya. Graduation day na, sa wakas di ko na siya makikita ulit! Ang tingin ko sakanya BAD BOY! SUPER BAD BOY!

High school na ko wala akong balita kay KC. Ee ano namang pakialam ko sakanya. Pero di ko talaga siya makalimutan. Sa twing magkwekwentuhan kami ng mga pinsan ko tungkol sa elementary life namin di pwedeng hindi ko siya makwento. Kahit di ko siya nakikita galit at inis pa rin ako sakanya. Sobrang worst yung memories ko nung elementary ako pag sa twing naiisip ko siya.

College life. Una Bachelor in Science in Computer Science ang kinukuha ko. Hanggang sa nagkaproblema ako sa financial nag two-year course na lang ako. Sa di ko inaasahang pangyayari classmate ko si KC. Hahaha. Nung una ko siyang nakita nainis ako kasi baka ganun pa rin yung gawin niya sakin. Diba nakakahiya? College girl binu-bully? hahaha Pero naisip ko matatanda na kami baka hindi naman.

Pauwi na ko, pasakay na ko ng tricycle. May mga naktambay sa gilid ng school. Si KC at ang mga barkada niya. Nagulat ako kasi sabi ni KC sa tricycle driver pa-backride. Mas lalo akong nagulat ng sa loob siya ng tricycle sumakay at hindi sa likod. Backride nga ee tapos sa tabi ko?! Ewan ko pero bakit natatawa ako nung mga sandaling yun. Nagtataka siyempre. Puro BAKIT? yung tanong ko sa sarili ko. Hanggang sa makababa ako ng tricycle. Pagdating ko kinuwento ko kaagad sa pinsan ko.  Sa tita at tito ko kasi ako nakatira nung mga panahong yun kasi malapit lang yung bahay nila sa school ko. Agad akong nagkwento sa pinsan ko. Kinuwento ko nga na nag-backride si KC at sa tabi ko siya umupo. Nagtataka talaga ako. Hanggang gabi iniisip ko kung bakit at nakangiti akong iniisip yung nangyari.

Naulit ulit yun pero di na siya sa tabi ko tumabi, nasa likod na siya. Nung gabing yun napaisip ako. Napaisip ako na parang may mali sa inaakala kong ugali niya. Parang may kakaiba sa kanya na gusto kong malaman. Gusto ko siyang makilala.

May pangyayaring hindi ko inaasahan. Ewan ko kung sadya o tadhana talaga. Si KC kasi my girlfriend nun. Ngayon yung araw na yun monthsary nila ng gf niya. Tinanong niya ko ngayon kung smart or globe ako. Sabi ko smart, sakto unlicall ako nung araw na yun. Nakitawag siya sakin ngayon, tapos biglang nagring yung phone niya. Yun pala number niya yung na-dial niya. Ayan napaisip nanaman ako, kung sinadya niya ba yun para makuha number ko o tadhana lang. haha. Edi pag kabalik nung phone ko sakin nakita ko number niya, sinave ko.

Simula nung sinave ko yung number niya hindi ko siya pinapadaanan ng GM. Pero gusto ko siyang itext. Kasi nga diba gusto ko siyang makilala. Ngayon nag-GM ako pero saknata lang. Papansin ba. Ayun nagreply, ee unlicall ako nun tinawagan ko siya. Kamustahan lang, ganun. Well, may boyfriend ako nung mga panahong yun. Pero nagkakalabuan na kami. Kasi nga Long DIstance Relationship, ayun nambabae. Nakipagbreak na ko pero ayaw niya. Pero para sakin wala na. Tinapos ko na lahat. Siya din nakipagbreak na nun sa GF niya.

Tapos nun nalaman ko crush pala niya ko nung elementary kami kaya niya ko sinusuntok. Kasi naman daw hindi ko siya pinapansin, iba daw kasi yung crush ko kaya ganun siya, nagpapapansin. Di ako naniniwala kasi sino namang maniniwala diba? Sinakyan lang. Sige crush mo lang ako noon. Hinahanap pa daw niya ako nun sa friendster ee. haha. Lagi na kaming magkatext ni KC. Nagtatawagan. Nagkakatext kami gang madaling araw. Natutulugan ko nga siya lagi ee. Nag-seseven eleven. Sa twing magseseven eleven kami tinatago ko lahat ng mga bagay na connected samin. Yung cup ng slurpee, mga ganun. Gusto ko lang kasi i-treasure lahat ng mga bagay na kasama ko siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The more you hate, The more you love &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon