"Mahal na Mahal Kita"

5.2K 48 15
                                    

Una kitang minahal noong ako’y musmos pa lamang

Ikaw lang ang  tanging lalaki noon sa aking buhay

Ikaw ang tanging sandalan at takbuhan

At sa tuwing ako ay madadapa ikaw ang aking sumbungan

Maraming pagkakataon na ikaw ang laging karamay

At kahit minsan ay hindi mo ako iniwan

Kahit gaano kabibigat ang pagsubok na ating nararansan

Hindi ka sumusuko at patuloy ka pa rin na lumalaban

Marami ka nang paghihirap na naransan sa buhay

Mga pagsubok na iyong napagtagumpayan

Mga pagsasakripisyo at pagsisikap sa buhay

At ang lahat ng ito’y para sa aming kinabukasan

Patawad po Papa sa aking nagawa

Mga pagsisikap mo’y aking binalewala

Naging matigas ang ulo at naging suwail akong bata

Hindi pinahahalagahan mga pagsasakripisyo nyong ginagawa

Patawad po kung ako ay naging pasaway

Mga utos mo ay aking sinuway

Hindi pinakinggan mga payo mo sa buhay

Patawad po sa mga nagawa kong kasalanan

Salamat po sa inyong walang sawang pag-aaruga

Salamat po sa pagmamahal at kalinga

Sa pag-intindi sa’min ay hindi ka nagsawa

Maraming salamat po sa lahat ng pagsasakripisyo nyong ginawa

Basta Papa, kahit gaano ako kapasaway

Nagapapasalamat ako dahil sa amin ikaw ay ibinigay

At hindi ko man po sa’yo naipaparamdam

Alam po ng Diyos kung gaano kita kamahal♥

I Love you Papa♥:)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

♥ Mahal na Mahal Kita ♥Where stories live. Discover now