Chapter 64:

261 39 0
                                    


Aya Point of View

Nandito ako ngayun isang C.R at nasa dulong cubicle ako puwesto. Doon ko binuhos lahat ng sakit. Oo, umiyak naku dun kanina pero gusto kong ilabas dito lahat ng sakit.

Naglalaro sa utak ko lahat ng nangyare kanina. Ang masasakit na salita ni Hazel at ang pag amin ni Jiro sa lahat na wala talaga kaming relasyon.

At dahil mukhang naubos na ang luha ko ay naisipan ko na doong lumabas. Wala namang ibang tao sa loob ng banyo kaya naman kalmado akong lumapit sa salamin at tiningnan ang mata kong namamaga dahil sa kakaiyak.

Magbabanta na naman sanang lumuha ang mata ko dahil sa alalang sariwa pa sa isipan ko pero agad ko iyong pinunas saka ako huminga ng malalim at marahan iyong ibinuga.

"Move on Aya! Kung walang kayo, wala! makakalimutan mo rin ang lahat."

Hindi ko namalayang nakatulala nalang pala ako sa harap ng salamin at nabasag lang ang katahimikan ko doon nang magring ang phone ko.

"Hello?"huminga pa ako ng malalim at suminghot para maayos ang pagsasalita ko. "Sino toh?"

"Hello, Aya! It's me Sophia."

"Sophia?"dahil sa nangyare ay mukhang nawala narin ako sa sarili ko.

"Oo ako toh yung friend ni Nash. Nag meet tayo sa coffee shop."

"Ah sorry, bakit ka nga pala napatawag?"

"Pwede ba tayong magkita?"

'Good timing din 'tong si Sophia eh. Ngayun pa talagang broken ako.'

"Sure! Saan ba?"

"Sa Coffee shop?"patanong pang anya. Hindi pwede dun. Baka andun si Jiro. Hindi pa ako handang makita sya. Ansakit pa.

"Pwede bang sa mini bar nalang? Gusto kong uminom eh hehe."

"Seryoso ka? Sigeh game ako dyan."

"Geh, text mo ko kung saan tayo."sabi ko sa kanya.

"Okay. Bye bye."

Pagkababa ko ng tawag ay naglabas narin ako ng banyo. Wala ng kapwa ko estudyante sa labas marahil ay meron ng klase. Lumabas ako ng campus at nagpara ng tricycle at sa di inaasahan ay si kuyang singkit na naman ang nasakyan ko.

"Miss, ayos ka lang?"tanong nya habang pasulyap sulyap sakin ng tingin kasi nagmamaneho sya. Hindi ko naman sya sinagot at nakatulala lang ako. "Umiyak ka ba miss? Nag away ba kayong dalawa?"nilingon ko si Kuya pero pagkatingin nya sakin ay mabilis din nyang ibinabalik sa kalsada ang tingin nya.

Gaya kanina ay hindi ko na naman sya nasagot kasi nagtext na sakin si Sophia at yung mini bar na nga ang tinext nya. Sinabi ko naman iyon kay Kuya.

"Mag aano ka dun, miss? Mag iinum ka ba?"tanong na naman nya. "Naku..mukhang may problema nga kayo. Hindi kayo magkasama eh."

"Ano bang paki alam mo!?"inis na sabi ko dito.

"Nagkahiwalay kayo?"imbis na sagutin ay inismeran ko nalang sya. "Wag kang mag alala. Kung wala sya, andito ako, gagabayan kita saan ka man magpunta." Nilingon ko sya pero hindi na sya tumingin sakin at seryoso nalang nagmaneho.

***BAR***

"Aya, Aya! here.."narinig Kong tawag ni Sophie sakin.Lumapit ako sa kanya. "May ikukwento ako sayo.." excited na anya.

"Ano ba yun?"walang interes na tanong ko naman dito. "Manong beer nga dito."sabi ko sa isang waiter dun at agad naman syang sumunod.

"Grabe ka, may problema ka ba at mag iinum ka?"tanong nya sakin pero umiling lang ako. "Sabihin mona, wag ka ng mahiya."

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon