Chapter 74: The Ending

530 44 2
                                    

*******

Naglakad takbo si Drake para mahabol at makita nya si Jiro. Nagpalinga linga sya sa paligid pero hindi nya ito makita dahil saktong may kalalapag na eroplano at maraming nagsisipaglakad ngayun.

Kinuha nya ang phone nya at sinubukang tawagan si Jiro pero nakapatay ang phone nito. Habang nagtitingin tingin sya sa paligid ay binuksan nya ang account nya saka isinearch ang page kung saan nya nakita ang live video ni Nash.

Magcocomment na sana ito ng 'andito si Jiro, nakita ko sya.' pero nahagip agad ng paningin nya ang suot ni Jiro kaya naman habang nasa comment section si Drake ay mabilis syang nagcomment.

I got him! d- -,b

Pagkatapos icomment ni Drake yun ay mabilis na syang naglakad papalapit sa kaibigan. Tuluyan na sanang tatawid si Jiro sa kabila pero hinikit ni Drake ang likod ng damit nya.

"Saan ka pupunta?"tanong nito na syang ikinagulat ni Jiro. "Tatakasan mo kami? Loko ka!"dagdag pa nito na sya lalong ipinagtaka ni Jiro. Sininghalan ni Drake ang kaibigan bago ipakita kay Jiro ang video sa phone nya na kung saan ay kumakanta si Aya.

~Don't say goodbye, just see you later yeah..
Don't say goodbye, I'll see you soon again
'Cause if you really want me there
I'll be there to take your hand
Gonna tell you it's alright
As long as you don't say goodbye~

Nagbalik sa alaala ni Jiro yung mga araw na kasama nya si Aya at kumakanta sila gamit ang gitara.

"Oh dapat ganun, ilabas mo yung nararamdmn mo. Yung emosyon dun sa kanta, dapat sinasabayan mo. With feelings okay!"

Sinabi ni Jiro noon na pwedeng sa kanta idaan ang gustong sabihin sa kanyang minamahal at para mas maramdaman at malaman na sincere yun ay dapat ay dinadama mo yung kanta.

Napangiti si Jiro sa ibig sabihin nung kanta na kinakanta ni Aya. Ayaw nyang umalis sya. Humarap si Jiro sa kaibigan ng may malalaking ngiti.

"Bro, I have to go!"nalang ang nasabi ni Jiro saka mabilis na nanakbo papaalis ng airport.

"Hoy, Sioson yung phone ko!"pahabol ni Drake at napahinto naman dun si Jiro saka inihagis sa kaibigan ang phone nito. "Shit! Pakyu ka, Sioson!"napamura pa si Drake nung inihagis yung phone nya sa ere. Mabuti nalang at nasalo nya agad yun.

Ang inaasahan ni Drake ay maiintidahan ng mga makakakita lalo na ni Nash ang comment nya na 'I got him' pero mas mukhang lalo yatang nawalan ng pag asa ang lahat lalo na ang tatlo nila Jarren, Nash, at Natalie.

Ang akala ng lahat ng ibig sabihin ng 'I got him' nito ay andun narin si Jiro sa states kasi ang alam ng lahat ay nasa states si Drake at wala sa pilipinas. Hindi na naman na natingnan ni Drake ang page kasi dumiretso na sya sa girlfriend na naiwan nya.

******
Mabilis na nanakbo si Jiro papalabas ng airport. Pagkadating nya sa labas ay agad syang kumuha ng taxi at pinapunta sa school. Ang buong akala nya ay makakarating sya agad sa school pero gaya kanina nung papunta sya sa airport ay napakatraffic.

"Manong pakibilis naman!"utos nito sa driver. Hindi sya mapakali kaya naman naisipan nyang iopen ang phone nya. Andami nyang missed call. Sinubukan nyang tawagan si Aya pero hindi ito sumasagot. "Manong?!"pangungulit pa nya sa taxi driver.

"Sir! Hindi ko pwedeng banggain lahat ng nasa unahan natin. Baka makasuhan ako."paliwanag nito na mahihimigan ang pagkaiyamot sa kanya. "Kung hindi kayo sanay sa traffic, bumaba nalang kayo!" inis na sabi ng driver at yun nga ang ginawa ni Jiro.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon