ASHLEY's POV
Okay, so lemme give you a cliché introduction.
I'm Ashley Valderama, 16, an only child of a multi-billionaire couple.
But that's not really a good thing dahil palagi silang wala sa bahay because of our businesses. Kaya naman halos dito na nakatira 'yung mga friends kong sina Steff, Loreign and Cj.
"Ashley, wake up!"
"Hmm, gimme five more minutes."
"Wake up Ashley! It's already 6:45 in the morning and you're late! Get up because I have to go now, may klase rin ako."
Oh my freaking gosh!
"Omg, Cj! Bakit ngayon mo lang ako ginising? Atsaka bakit dito ka natulog e hindi ba nandito pa sila dad?" I said habang nagkukusot ng mata. Damn, I'm still too sleepy.
"You'll be seeing my handsome face for a few weeks, baby. Ibinilin ka sa'kin nila tito. They left kanina pang madaling araw papuntang New Zealand."
"What?! And they didn't even bother to tell me?"
"Jeez, knowing you, baka humabol ka pa sa kanila!" humahalakhak na sabi niya. Tignan mo 'to!
"Hey asa naman! Hindi ako hahabol 'no!"
I threw a pillow at him and bull's eye! Sapul siya sa mukha.
"Pikon!"
Inirapan ko na lang siya at tumalikod na para magprepare. I only have a few minutes left to get ready!
Natigilan na lamang ako nang yakapin niya ako mula sa likuran. I could almost feel my face heating up!
"B-bitawan m-mo nga ako Cj!"
Tumatawa siya habang unti-unti akong binitawan. "Is it wrong to hug my bestfriend now, hm?"
"Oh shut up, dorky," napailing na lang ako at pumasok na ng banyo.
As usual, Cj drove me to school. I really envy him dahil eighteen na siya at pwede nang magdrive. Hmp.
"Take care and be good. I'll see you later," ginulo niya ang buhok ko bago ako bumaba ng sasakyan. Yup, hindi kami schoolmates kasi obviously, he's already in college.
"Hmmm, nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko, Steff?" Nang-aasar na wika ni Loreign pagkapasok ko ng classroom.
"Yeah, I think so, parang may kinikilig?" sabi naman ni Steff at may kasama pang pagkindat sa akin.
Napailing na lang ako sa kalokohan nila.
The bell rang, hudyat na magsisimula na ang klase. Tumahimik ang lahat nang pumasok na ang teacher namin.
"Good morning class, I have someone with me today. Meet your new classmate," lumingon siya sa ointo at ngumiti sa transferee. "Hijo, please introduce yourself."
Sumenyas ang teacher namin at may pumasok na lalaking naka-civilian.
"Uh, good morning. I'm Hyuuga Hiroki. I'm a Japanese but I've been staying here for five years now so I know how to speak Tagalog. Please call me Hiro," he smiled and woah, damn ang gwapo.
"Okay, choose one of the vacant seats, Mr. Hyuuga."
"There, beside the gorgeous lady." Woah. Napatingin ako sa paligid ko bago ko pa marealize na ako ang tinutukoy niyang gorgeous.
"Ohayou!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil nagulat ako nang bigla niyang iwinagayway ang mga kamay niya sa tapat ko.
"Oh, sorry. Namae wa nan desu ka?" Itinagilid ko ng kaunti ang ulo ko dahil wala akong naintindihan sa sinabi niya.
"Anong pangalan mo, 'yun ang ibig sabihin ng sinabi ko sa'yo," bahagya siyang napangiti kaya ngumiti na rin ako.
"Bakit kasi hindi ka nalang mag-Tagalog? I'm Ashley Valderama," inilahad ko ang kamay ko at tinanggap niya naman iyon agad.
"Nice name, Ash. Anatawa kawaii desu,"
"Domo arigatou!" Sabi ko dahil alam kong cute ang ibig sabihin ng kawaii.
"Dou itashimashite, bishoujo." (You're welcome, beautiful girl)
"Nose bleed na ako, Hiro." Sabi ko nang natatawa
"Sorry, just wanna make an impression."
"It's alright," ngumiti ako nang malawak habang tumatango ng marahan.
"Valderama! New student palang si Hiroki tapos dinadaldal mo agad? I appreciate that you're making him comfortable but this is my class and I want you to keep quiet." Napapitlag ako nang tawagin ako ng teacher namin. Palagi pa namang mainit ulo nun sa'kin.
Narinig kong tumawa si Hiro sa tabi ko kaya naman inirapan ko siya. Siya kaya ang may kasalanan! Hmp.
Maya-maya pa ay lunch break na kaya naman tumayo na ako at lumapit sa dalawang kaibigan ko dahil palagi naman kaming magkakasabay kumain.
"Tara na, Steff and Loreign!"
"Let's go!" Masayang wika nila at tumayo na rin.
Napatingin ako nang tapikin ako ng marahan ni Hiro sa balikat. "May I go with you?" Kahit na nainis ako sa kanya kanina dahil napagalitan ako, naiintindihan ko naman na wala pa siyang kakilala kaya pumayag na ako.
"Sure!"
Magkatabi kami sa cafeteria ni Hiro at dikit na dikit sa akin ang lokong 'to.
"Umurong ka nga, dikit na dikit ka na sa'kin oh." Masungit na sabi ko sa kanya.
"Watashiwa shitakunai," nakanguso pa siya habang sinasabi 'yan (i don't want to)
"Aish. Watashi wa anata ga nikui desu" (I hate you) Mabuti nalang naalala ko ang mga katagang 'yan dahil sa napanood kong Japanese movie nung isang araw.
"Ano bang pinag-uusapan nyo?" Tanong ni Steff habang nakataas ang isang kilay.
"Wala," magkasabay na sagot namin ni hapon.
Natapos na ang lunch break and I realized na super madaldal pala 'tong hapon na 'to. As in halos maikwento na niya buong buhay niya sa aming tatlo.
"Feeling close ka rin 'no?" tanong ko sa kanya habang naglelecture ang teacher namin.
"Di naman masyado," tumaas baba pa ang kilay niya na parang nang-aasar.
"Argh! Manahimik ka nga!"
"You're cute when you're angry"
"No, I'm not!"
"Look! You're blushing!" tinusok pa niya ang pisngi ko gamit ang daliri niya. See? Feeling close!
"No, I'm not!"
"Hi miss blushing!"
"I'm not Miss Blushing, shut up."
"Valderama! Kanina ka pa ha! Do you want to go outside?" Nagulat ako nang tawagin na naman ni Miss Lopez ang pangalan ko. Patay na, bakit kasi teacher namin siya sa dalawang subjects?!
"N-no Ma'am, I'm sorry!"
Lumingon ako sa tabi ko na tawa ng tawa habang nakatakip ng kamay ang bibig para hindi mahalata.
Kainis!
---
071820
Rest in Paradise, Haruma Miura. Mahal kita ☹️💗